PART 2

313 30 14
                                    

“Chona?” sambit ni Bhong sa malambing na tono.

“Oh, ano ang hiling?” kilala nya ito kahit na anim na buwan pa lamang silang mag-on. Na kapag naglalambing na ito, may nais ipakiusap o hilingin.

"May liga kasi mamaya sa kanto, yayayain sana kita manood. Pwede ba mahal ko?” 

Hays. Sino ba naman ang makakatanggi dito? Sa tuwing pinapakita na nito ang killer smile ay talaga nama’ng natutulala sya at napapasunod sa gusto nito. Amazing smile , isn’t it?

“Oo na! So, what time tayo magkikita?” di’ yata’t napalakas ang kanyang boses sa excite. Natutop ni Chona ang kanyang labi, “Oops, high pitch me again.” 

Baliwala naman ito sa kausap. “Yehey! 7 o’clock pm kita tayo sa labas ng bahay nyo.” 

“Hmmm,” ilang Segundo rin nyang pinagisipan ang suggestion nito. 

“Sige. Magpapaalam ako kay ate Tina na kung pwede maaga ako magsara ng shop. Tutal naman may liga by that time nasa court ang karamihan na adik sa dota para manood.” Ang tinutukoy nito ay ang may ari ng Link Computer Shop na kasalukuyang binabantayan nya. And she got a point most of their customers, the so called adik-sa-dota, will be there to witness the basketball game.

Ayos na ang lahat nakapagpaalam na sya sa kanyang boss. Bukod doon nagpaalam narin sya kay Aling Loyda, ang kanyang nanay. Malapit lang naman sa kanila ang liga kaya agad itong pinayagan.

7 o’clock in the evening...

Ang tagal huh. Lagot ka sa akin. Tila ba sarili nya ang kanyang kinakausap. Nasa ganoon syang sitwasyon nang dumaan ang kanyang matalik na kaibigan na sya naming naging kaklase nya simula unang baiting hanggang ika-apat na baiting ng hayskul, si Lea. Kahit paano naibsan ang kanyang pagkainip sa nobyo.

“Hi, friend,” masayang bungad ni Lea.

“Tse!” 

“Tse, ka dyan. Ano’ng ginagawa mo dito. Hindi ka ba manonood ng liga?”

Biglang napalis ang kanyang ngiti at pakunot noo syang sumagot dito. “Manonood. Hinihintay ko pa si Bhong eh.”

Kumumpas-kumpas ang kamay ng kaibigan. “hasus, hindi ka na nasanay madalas naman late yun sa usapan-“

naputol saglit ang sasabihin nito gumilid muna ito sa kalsada upang siguraduhin hindi sya mahahagip ng dumadaan na sasakyan.

“Well friend lets talk about something before you totally get mad. Kamusta ka naman?” tinantiya nya muna ang sasabihin bago magpatuloy.

“Talaga bang wala nang paraan para makapag college ka?”

Bumuntong hininga si Chona. “Lea kung ako masusunod syempre gusto ko magaral. Kaya lang kapos talaga kami ngayon sa pera. Isapa alam mo naman baon kami sa utang,” ang sinasabi nito ay ang mga utang nila dahil sa pagkatalo sa sugal ng nalululong nyang ama.

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon