PART 13

150 12 1
                                    

Hinihimas-himas ni Lea ang likod ng kaibigan. Awang-awa siya dito. “Tahan na Chona, baka kung ma pa’no ka.”

Pero imbis na tumigil lalo itong umiyak. “Lea, malapit na ang kaarawan ko at

pagkatapos ng araw na ‘yon…ikakasal na ko,” lalo pa ito umiyak. 

Hindi naman malaman ni Lea ang gagawin. Sinenyasan nya ang bunsong kapatid

na kumuha ng isang basong tubig.

“Tahan na Chona.  Tahan na.”

Ilang sandali pa at nagpaalam na ito sa kaibigan. Humingi sya ng pasensya sa abala. 

Umuwi sya ng namumugto ang mga mata, nagkulong sya sa kwarto ng ilang araw. Nagtatanong na ang kanyang nanay kung bakit sya nagkukulong pero nanatili syang tahimik. Ilang araw na lang at kaarawan nya.  Pagkatapos ng sandaling salu-salo ay aalis na rin sya patungong Korea..para ikasal. Nakalipas ang dalawang buwan. Katatapos lang ng kasal nya pero heto animo’y nagluluksa sya. Sige ang kanyang pag iyak, heto’t nasa Korea nga sya at ganap na Korean citizen subalit hindi pa rin niya makuhang magsaya. Iniisip pa lamang nya na hindi na nya makakapiling ang pamilya ay parang nangungulila na siya agad. Oo nga at mabibili na niya ang kanyang gusto pero wala naman sa tabi niya ang mga mahal sa buhay. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya…wala. Ang tanging pwede nyang gawin ay magdasal, na sana makayanan niya iyon.

Tumunog ang door knob alam nyang si Choi iyon kaya’t agad nyang pinahid ang mga luha. “Chona? Whats wrong?" Mababakas ang pag aalala ni Choi.

“I’m ok,” tipid na sagot nya. Pero sa loob-loob niya, kinakabahan at natatakot siya. Kailangan ba talaga may honeymoon? Gustung-gusto nyang itanong iyon pero nauunahan siya ng hiya at takot.

Hinawakan ni Choi ang kanyang buhok. Hinagkan sya nito sa labi. Para siyang estatwa, naninigas at hindi alam ang gagawin.

“Relax, honey,” pinisil ng kanyang asawa ang kamay niya.

Nagpatuloy si Choi. Hinalikan niya ulit ito habang ang kamay ay naglalakbay sa ilalim ng manipis na kamiseta. Dahan-dahang tinanggal ang damit, hanggang sa underwear na lang ang natira. Saglit na tumigil ang lalake para hubarin ang saplot. Napakagat labi si Chona. 

Pinipigilan nyang ‘wag pumatak ang luha. Bhong. Mag asawa na sila, hindi sya pwedeng tumanggi dito, lalo na at sa araw ng kanilang honeymoon.

“I’ll promise to do it gently, honey.” Hinagkan niya sa noo ang asawa.

Titig na titig lang si Chona. 

Naganap ang dapat maganap. Hapung-hapo si Choi. Samantalang si Chona ay kababawi pa lang sa sakit na naramdaman kanina lamang. Tumagilid ito at tsaka inilabas ang luha na kanina pa nagbabanta. Tahimik syang umiyak. Kay sakit para sa kanya na ibigay sa hindi nya naman mahal ang kanyang pagkababae. Awang-awa sya sa sarili, sa edad na disi otsonakuha na ang pinagkakaingatan nya…

Umiling sya kailangan labanan nya ang lungkot dahil kung hindi baka mabaliw sya. Tomorrow is another day, stop worrying instead welcome the bright new day. 

“Hi, Chona kamusta?”

“Ok lang,” sagot ni Chona sa ka- chat.

Kabubukas lamang nya ng facebook at timing naman na online din ang kanyang matalik na kaibigan si Lea.

“Anong, ok lang? Ano naman ang pinagkakaabalahan mo?”

“Well, katatapos lang ng klase ko. Tapos heto sa bahay lang nagpapahinga kasi mamaya

darating yung tutor ko para sa Korean language,” sagot nito.

Off line. Biglang nawala si Lea. Pero hindi rin naman nagtagal kasama na ulit ang pangalan nito sa naka on line. “Ah talaga? Ako naman ‘etonaiinis.”

“Bakit naman?”

“Ang bagal kasi ng gamit kong broadband.”

“Kaya pala biglang nag o-off line ka,” sabay pindot sa enter.

“May balita ka ba kay Bhong?” bigla ay naitanong niya.

“Ang alam ko sa Manila na sya nag aaral…yun lang eh.”

“Ah, talaga?”

“Bakit?”

“Wala lang, gusto ko lang itanong.” Mabilis na sagot ni Chona.

“Chona forget about him, remember you are not single anymore,” pagpapaalala ng ka- chat. “May asawa ka na.”

Walang sagot. Hindi alam nito, umiiyak na si Chona.

“Still there?”

“BRB,” sagot naman ni Chona, masakit pa kasi at hindi nya matanggap na hindi na pwedeng maging sila muli ni Bhong.

Be right back? Nagalit? Nag aalala naman si Lea na baka nagalit ito sa kanyang sinabi. Hinintay niyang bumalik ang kaibigan pero nakalipas ang ilang minuto hindi pa nag pe-personal message ito. Maya-maya lang off line na ang kaibigan.

“Anong nangyari d’on?” takang sambit ni Lea.

Lately, nagiging moody ito. Konting bagay, nag iinit agad ang ulo. Madalas malungkot ito kahit ang kanyang asawa napapansin iyon.

“Honey, are you alright? You don’t look good.”

“Huh?”

“I’ll contact Dr. Chao, we have to know if you are sick or not. Bake mapenuke,” pag aalala ni Choi sa asawa. Kapansin pansin naman ang ilang beses na pagta-Tagalog nito…marahil nag aaral ito ng salitang Tagalog.

“Ok.” Kahit siya nagtataka, madalas tinatamad siyang kumilos. Minsan bugnutin kahit si Tina sinusungitan.

Hindi nagtagal dumating si Dr. Chao. Pagkatapos magpakilala, sinimulan na magtanong ng doktor sa kanya. Pati ang kanyang buwanang dalaw inusisa. Malapit na syang mabugnot, ...

To be continued...

 — with Michita Quinn.

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon