<Chapter 9>
“Ginawa na ho namin ang lahat para ma-revive ang buhay ng pasyente pero bigo kami. Umakyat na sa utak niya ang toxins, at ang pressure niya sa abdominal area ay umakyat patungo sa lalamunan, dahilan upang pumutok ito at nagkaroon ng pagdurugo sa loob ng kanyang katawan-“
Hindi pa natatapos ng doktor ang sasabihin, umikot na ang paningin ni Chona. Hindi niya kayang tanggapin ang kanyang nalaman. Itay…
Nagising siya na nasa ibabaw na siya ng kamang puti, nakita niya ang mukha ng dating nobyo. “Bhong.”
Lumapit ang lalaki at ginawaran siya ng halik sa noo. “Shhh…nandito lang ako.”
“Nasaan si nanay at tiya?” nagsimula na naman siyang umiyak.
“Shhhh…tahan na. Kausap ng iyong tiya ang doktor at ang iyong ina ay nagpapahinga tulad mo nawalan din ito ng malay.”
“Bhong ang itay…wala na siya.”
Pinahid ni Bhong ang luha nito, inayos ang buhok at tsaka hinalikan muli. “Please tahan na. Lakasan mo ang loob mo.”
“’Wag mo ‘kong iiwan Bhong,” nakikiusap ito.
“Promise, I will never leave you.” Lalapat na sana ang labi nito sa labi niya ng biglang tumunog ang door knob.
“Chona?”
“Lea. Lea, si itay…”
Lumapit ang kanyang kaibigan at tulad ni Bhong pinatatahan ito. Lumipas pa ang ilang oras nanatili si Lea at ang asawa nito na nakaagapay sa kaibigan. Nagpaalam saglit si Bhong upang kamustahin naman ang kanyang inay na nasa kabilang kwarto. Pagkatapos bumalik siya sa kwarto ni Chona, nakita niyang tulog ito. Minabuti niya munang umalis at lumuwas muna ng Maynila.
Pupunta siya ng Zargo Lounge sa Makati. May imi-meet siyang kakilalang doktor. Imumungkahi sana nito ang kalagayan ng ama ni Chona, subalit huli na at hindi naagapan ang sakit nito.
“Chard?” nakipag kamay ito. Madilim kaya medyo hindi niya maaninag ang tao sa loob ng bar.
“Pare! What’s up bro?” tinapik nito si Bhong.
“Not so fine.”
Dumating ang waiter, o-order na sana siya ng drinks ng may mamataan sa kabilang table, pamilyar sa kanya ang lalake na kasalukuyang may kaakbay. Nagdilim ang kanyang paningin ng makumpirma kung sino ito.
Tumayo si Bhong papunta sa kabilang table. “Hayop ka!” sinuntok nito ang lalake.
“Ah!” gumanti naman ng suntok ang lalake. Naalarma na ang iba pang kustomer.
Nang humandusay sa sahig ang lalake, sinakal ito ni Bhong. “Ang kapal ng mukha mo, pinopormahan mo si Chona pero heto ka may kasamang ibang babae!” aakmang susuntukin niya ito ulit pero inawat siya ng dalawang naka itim na lalake.
Hinatak sila parehas ng dalawang naka unipormeng itim.
“Shit…you shouldn’t do that!”
“hah…son of a bitch!”
“Sana tinanong mo muna ako, kung itinuloy ko ba ang panliligaw ko kay Chona!”
“A-anong sinabi mo?” natigilan si Bhong.
“I offered my self, pero may mahal siyang iba.” Huminahon na ito, naka upo na sa kalsada.
Ginaya siya ni Bhong. “Mahal parin niya si Wilkins…” he sighed. Iiling-iling ito sa natuklasan.
“Hindi si Wilkins, ikaw Bhong. Mahal ka parin niya sa kabila ng limang taon na ginhawang pinaranas sa kanya ni Wilkins.”
Tulala si Bhong. Napatingin siya sa lalake. Nagkatitigan ang mga ito, maya-maya lamang ay nagkatawanan sila. Unang tumayo si Mack, in-offer niya ang kanyang kamay para makatayo si Bhong. Pumasok sila ng bar na magkaakbay, ipinangako sa unipormadong mga lalake na hindi na gagawa ng gulo.
Hinatid pa siya ni Mack sa kanyang bahay, lasing na lasing kasi ito.
Chona, ikaw lamang.. “Urgh..uhh,” dala ng kalasingan sumuka ito, buti nakatakbo pa ito sa lababo.
“Chona. Chona, I miss you so much.” Tinitigan nito ang litrato ng minamahal.
Nakatulog siya na nasa mukha ang litrato ng dating nobya.
Maagang gumising si Bhong, kahit masakit ang ulo pinilit niyang bumangon. Kailangan niyang bumalik pa ng Laguna.
Kringgg…Kringgg…
“Hello?”
“Boss, si Kid ‘toh tumawag si Sir Rigor pinapupunta kayo sa Davao.”
“Huh? Why?”
“Emergency, nagkaroon ng aksidente.”
Kakamot-kamot si Bhong. “Sige. Sige, ngayon din pabili ka ng tiket. Iutos mo din sa secretary natin na magpadala ng bulaklak kina Chona. Just tell I have an emergency meeting in Davao.”
“Yes Boss, copy.”
Imbis na deretso Laguna, bumalik siya ng pad at may kinuhang gamit. Pag katapos pumunta siya ng office.
Samantala, sa maliit na simbahan malapit sa pamilya Baktol naka burol ang ama ni Chona. Nasa unahan ang mag ina, nakaalalay naman ang kaibigang Lea at Jester sa mga ito. Pulos naka puti ang mga ito, pugto ang mga mata. Hinihintay na lamang nila dumating si Rexy bago ilibing si Alex.
“Good evening, ma’am. Bulaklak po pinabibigay ni Boss. Ipinaaabot ang pakikiramay, nagkaroon po kasi ng emergency meeting sa Davao si Boss kaya hindi po siya makadadalo sa lamay.” Ika ng isang magalang na lalake. Ang dalawa pa nitong kasamahan ay inayos na ang bigay na bulaklak pang patay.
Tumingin lamang si Chona, dismayado sa narinig.
“Sige, paki sabi salamat,” sabi ni Lea.
Kinabukasan dumating ang kanyang ate Rexy. Lalo naging madrama ang tagpo sa simbahan, napuno ng iyakan. Ilang beses, hinimatay ang ate Rexy niya. Tulad ni Chona, hindi ito makapaniwala sa maagang pagkawala ng kanilang ama.
Nuong araw din mismo na iyon, inilibing na si Alex. Hinintay lamang kasi nila masilip ni Rexy ang ama.
“Wala pa ba siya Lea?”
Umiling si Lea. “Balita ko kay Jester, may problema siya sa Davao. Naaksidente ang tauhan niya.”
Nalungkot naman si Chona. Umaasam na matupad ang sinabi ng binata sa kanya. Promise, I will never leave you.
“Sigurado ka na ba sa desisyon mo?” tanong ni Lea sa kaibigan.
Ilang araw makalipas ang libing ng kanyang itay, nakapagpasya si Chona na bumalik na lang ng Korea.
“Oo. Lalo lang ako malulungkot dito.”
“Paano ang nanay mo?”
“Si inay doon muna siya kina tiya Sadith, nangako naman si ate na kukunin si nanay.”
“Eh…paano si Bhong?” bigla naitanong ni Lea.
“Anong paano? Matagal ng tapos ang sa amin, Lea.” Tutol ang kanyang puso, pero nabigo siya sa pangako ng lalake. Ilang araw niya itong hinintay, kahit sana tawag sa cell phone ay ayos lang sa kanya. Bigla na lang itong nawala. “Isa pa, h-hindi kami para sa isa’t isa. Biyuda ako at may anak pa.”
“Bitter. Change the topic, I don’t want to see you sad.”
<End of Chapter 9>
BINABASA MO ANG
PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)
RomanceAyan i think kunting edit na lang magiging maayus narin ^.^