<Chapter 8>
Pa labas sila ng bar ng biglang tumunog ang kanyang cell phone. Ang kanyang nanay tumatawag. Bakit kaya? “Hello ‘nay?”
“Chona anak, ang iyong ama sinugod sa ospital.”
“Hah? Bakit? Saang hospital?” sunud-sunod na tanong ni Chona.
“Sa Maribelles Hospital,” ika ni Aling Loyda habang humihikbi pa sa pag iyak.
Pag kababa ng cell phone hinarap niya si Mack. Hilam na sa luha ang kanyang mga mata. “Mack, ang itay isinugod sa ospital.”
Alalang alala ang binata sa kanya. “Tsk, huminahon ka Chona, pupuntahan natin ang itay mo.”
Dapat ay ihahatid na niya ito sa Makati pero sa Laguna ang deretso nila. Masama man ang loob sa nalaman subalit nanaig parin ang pag aalala sa dalaga kaya’t panay ang hagod nito sa likod nang umiiyak na babae.
Pagdating sa ospital ng Maribelles hinanap niya agad ang ward kung saan nandun ang kanyang itay. “Nurse, nurse Alex Baktol room please?”
“Room 205 ma’am.”
“Ok, salamat.”
Nagmamadali nilang tinungo ang nasabing room.
“Itay,” niyakap niya ito subalit tulog ang lalake. Iyak ng iyak si Chona. Hinarap niya ang kanyang inay. “Inay ano po’ng nangyari?”
“Madalas sumakit ang kanyang sikmura, tapos kanina bigla siyang hinimatay.” Ika ng kanyang inay, namumugto ang mga mata.
Biglang dumating ang doktor. “Misis, pwede po ba kayong makausap tungkol sa findings ng laboratory ni mister?”
“Dok ‘yung anak ko na lang,” baling ni Aling Loyda.
Sumunod si Chona sa doktor.
“Ma’am ayon sa findings ng physical exam at laboratory namamaga ang atay ng tatay niyo. His liver is not working properly, some of functions stop.”
“Dok ano po ba ang pwedeng mangyari?”
“Maraming komplikasyon ito tulad na lang ng unti-unting manghihina ang iyong ama dahil hindi nailalabas ang toxins sa katawan, yun din ang rason kung bakit naninilaw ang iyong ama.”
“Ano po ang pwede nating gawin dok?” nanginginig siya sa narinig, wala siyang kaalam-alam na may dinaramdam na ang kanyang ama.
“Mahabang gamutan ito.”
“Dok gawin niyo po ang lahat para gumaling ang itay,” naluluhang sabi ni Chona.
Tumango ito.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang doktor. Bumalik na siya sa kwarto hinarap niya muna si Mack. Malalim na ang gabi baka masyado na ito nakakaabala. “Mack, thank you for your company.”
“It’s ok. Basta pag kailangan mo ‘ko tawagan mo lang ako.”
“Yah, I will.”
“Bye, I have to go. Babalik na lang ako bukas.”
“Bye, take care. Again, thank you Mack.”
Tinignan niya ang orasan, nang mapansin lumalalim na ang gabi binalingan niya ang kanyang ina. “’Nay ipahahatid ko na kayo kay Mang Jose, magpahinga na po muna kayo ako na ang bahalang magbantay kay tatay.”
“Anak hindi ako mapapakali sa atin. Gusto ko sana nakikita ang iyong ama.”
“Inay baka pati kayo magkasakit, tsk balikan ni’yo na lang ako ng bukas ng umaga. Hindi po gugustuhin ni tatay na nahihirapan kayo.”
Nag isip si Aling Loyda. “Sige anak uuwi na muna ako, ikaw na muna ang bahala dito. Tawagan mo na rin ang iyong ate, sabihin mo umuwi muna siya kahit saglit para makita siya ng ama niya.”
Yun nga ang kanyang gagawin. Tatawagan niya ang kanyang ate na kasalukuyang nag ta-trabaho sa Canada.
Pagkalabas ng kanyang ina, tinignan niya ang supa na kanyang tutulugan.
“Anak, gising.” Niyugyog ni Aling Loyda ang balikat nito.
“Inay, anong oras na ba?” hindi parin ito bumabangon sa pagkakahiga.
“Abay alas otso na.”
“May dumating na bang doktor?”
“Kanina pag dating ko palabas ng pinto ang nars, sabi niya maya lamang daw ay darating ang doktor.”
“Bakit tulog ng tulog si itay?”
“Ang sabi sa akin ng nars, kailangan turukan siya ng pampatulog para makapag pahinga pa ang iyong itay.”
Napanatag ang kanyang loob. Tuluyan na siyang nagpaalam, subalit na pagdesisyunan niyang dumaan muna sa Coffee Shop sa labas ng hospital. Kailangan niyang daanan ng mainit na kape ang kanyang kumakalam na sikmura.
BINABASA MO ANG
PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)
RomanceAyan i think kunting edit na lang magiging maayus narin ^.^