PART 17

132 9 0
                                    

<Chapter 6>

 “How’s my Yuri?”

“Not good. I miss you so much mommy.”

Nangilid ang luha ni Chona. “Miss you too, baby. Be a good boy, ok?”

“Yes, mommy.” Ika ng kabilang linya.

“I love you so much baby.”

“I love you too.”

“Ok, bye bye baby. Mommy will call you again,” napalunok si Chona.

“B-bye. Mommy, I miss you…”

Narinig nya ang hikbi sa kabilang linya. Tuluyan ng pumatak ang kanyang luha. “B-bye baby.” Pinatay na nya ang cell phone at ipinagpatuloy ang pag iyak.

Everyday kasama sa daily routine nya ang tawagan at kamustahin ang anak na naiwan sa Korea. Dahil sa pakisuyo ng kanyang biyenan na kung pwede doon na muna ang bata sa kanila ay siya namang nangungulila dito. Ganoon pa man sumangayon siya dahil may kailangan pa kasi syang asikasuhin sa Pilipinas, inisip nya rin na baka hindi niya maasikaso ang bata. Sa katunayan luluwas siya ngayon ng Maynila upang simulan nang ipagawa ang pinaplano niyang pagpapatayo ng building sa Felix St., Espanya. Balak niyang patayuan ito ng condominium.

Nagpaalam na siya sa kanyang magulang. At dahil hindi pa marunong magmaneho kumuha muna siya ng magmamaneho. Si Mang Jose, ang kumpare ng kanyang tatay, ang nirekumenda ng itay para daw palagay ang loob nila.

Sa Calamba na sila, bigla naisip niyang tawagan si Jester. Hinanap niya ang numero ng kaibigan sa phonebook at tsaka tinawagan.

“Hello,” sagot sa kabilang linya.

“Hi, can I speak to Jes?” may diin ang pagkakabigkas niya sa pangalan, may palagay siya na siya lamang ang tumatawag ng ganoon dito.

Matagal bago sumagot ang kabilang linya. “Chona?”

“Hello.”

“Hoy bakla, kamusta ka na?” yun ang tawagan nila kung minsan.

“Heto, kalahating buwan na sa Pinas.”

“Ano? Then explain to me, why didn’t you told me earlier?” nag galit-galitan ito.

“Naging abala lang ako. Coordinator ako sa kasal ng best friend ko,” paliwanag naman niya.

“Ganoon? So, hanggang tawag na lang ba, hindi ba tayo magkikita?” mataray na sagot nito.

“Relax, kaya nga ko tumawag yayayain sana kita kumain.”

“Game ako diyan, basta libre.”

Tawa lang ang isinagot nito. Niyaya niya muna ito pumunta sa ipapagawa niyang gusali at tsaka sila maghahanap ng makakainan.

“So, kaya mo pala ako pinapunta dahil magpapatulong ka maghanap ng engineer?” prangkang tanong ni Jester. Nasa isang kilalang restaurant sila.

“Bakla, you know…I’m not familiar with that kind of thing,” sabi ni Chona. Tila nakikiusap ito.

“Heto naman, of course tutulungan kita at hindi na tayo mahihirapan maghanap. May kilala akong architect, tiyak maire-recommend niya tayo sa construction firm na pinagtatrabahuan niya.”

Hindi na naitago ni Chona ang kasiyahan. “Talaga? Sabi na nga ba hindi ako nagkamali, ikaw ang kinontak ko.”

“Hmmm…magtatampo ako kapag hindi ako ang kinontak mo,” sabay tawa.

“Chona, kamusta?”

“Ok, lang…” Pilit na tinatago ang totoong damdamin. “…eto maganda parin,” biro niya.

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon