“Hi.”
Tahimik na nagkakape si Chona, malalim ang kanyang iniisip kaya hindi niya napansin ang lalakeng palapit dito.
“Bhong,” sambit sa pangalan nito.
“Nabalitaan ko kay Lea na sinugod sa hospital si Mang Alex,” umupo ito sa tabi niya. “Kamusta?”
“Ang sabi ng doktor namamaga ang atay ni tatay,” malungkot na sabi ni Chona.
“Ganoon ba? Titignan ko ang magagawa ko, ipagtatanong ko sa specialist doctor na kakilala ko kung may ma re-refer siya sa ating magaling na doktor.”
Umaliwalas ang mukha ni Chona. “S-salamat Bhong.”
“No problem. Heto dinalhan kita ng makakain, maaring nagugutom ka na. Tapos ihahatid na kita sa inyo, magpahinga ka muna.” Hinaplos ni Bhong ang kanyang pisngi.
Hinayaan niyang ihain ni Bhong sa lamesa ang dalang pagkain.
“Kumain ka, niluto ko ‘yan. H-hindi ako sigurado kung paborito mo parin ang adobong manok,” pahayag ni Bhong.
“Salamat.” Ginanahan siyang kumain lalo na paborito niya ang nakahain. “M-masarap ka parin magluto ng adobo,” bati niya sa niluto nito.
Basta para sayo, Chona. Bumuntong-hininga ito at umiiling.
“Bakit?” takang tanong ni Chona.
“Uh, wala. May naalala lang ako.”
Pagkatapos kumain, hinatid nga ni Bhong ang dating nobya. Bago bumaba nagsalita si Bhong. “Chona ‘wag ka mag iisip ng negatibo at isa pa pilitin mong makatulog, ok?”
“Yes, I will. Salamat nga pala sa adobo at sa paghatid.”
Hinalikan siya nito bago buksan ang pinto. “No problem.”
Pinagbuksan siya nito ng pinto at bago pa siya pumasok ng bahay hinayaan niya munang makaalis ang lalake.
“Bye.”
Dala ng pagod at puyat nagising siya bandang hapon. Tumunog ang kanyang cell phone, ang kanyang inay ang nasa kabilang linya.
“Inay bakit po?” kinabahan siya.
Humahagulgol na si Aling Loyda. “Anak ang iyong ama n-nasa kritikal na kondisyon,” pumalahaw ito lalo ng iyak.
Narinig niyang may bumagsak. “Inay? Inayyy…anong nangyari?” pumalahaw narin ng iyak si Chona, hindi alam kung ano ang gagawin. Naninikip na ang kanyang dibdib, sa apat na sulok ng kanyang kwarto naghahanap siya ng hangin. Wala siyang ma pag kublihan, pinilit niyang bumaba at kumuha ng tubig sa kusina. Wala pa naman siyang kasama ng mga oras na iyon, hindi niya malaman ang gagawin. Lumabas siya ng bahay, naghahanap ng masasakyan.
Isang tricyle ang huminto. “Manong sa Maribelles Hospital ho.”
“Hah? Eh malayo iyon ineng.”
“Sige na ho kahit tatlong daan magbabayad ako,” hilam na ng luha ang kanyang mata. Hindi na niya makita ang mga taong napansin narin ang kanyang niserableng itsura.
“Oh sige.”
Pinasibat na nito ang makina ng tricyle.
“Inay ano po ang nangyari? Nasaan si tatay?” nadatnan niya ang kanyang inay sa ward room na tulala, hindi makausap.
“Nasa operating room iha,” ang kanyang tiya Sadith ang sumagot, kapatid ng kanyang nanay.
“Tiya, ano po ang nangyari?” umupo ito sa supa sa tabi ng kanyang nanay.
“Kanina na kakausap pa namin ang iyong ama, pero pagkatapos ng tanghalian bigla siyang nagsabi sa amin na hindi siya makahinga… hawak-hawak ang kanyang leeg.”
“Itay…” sambit niya. “Kayo munang bahala kay nanay pupunta lang ako ng information center.”
Bumaling paharap si Aling Loyda, sa wakas nagsalita na ito. “Anak ang ate Rexy mo, tinawagan mo na ba?”
“Oho inay, sinabi niya na bukas o sa makalawa ay uuwi siya. Umiiyak ng nakausap ko.”
“Mabuti naman. Sige na pumunta ka na sa information, alamin mo ang lagay ng iyong ama.”
Tumayo na ito at iniwan ang kanyang nanay.
“Nars, kamusta ho si Alex Baktol?”
“Kayo ho ba ang kanyang anak? Tamang-tama, pinapasabi ho kasi ni Doc na pumunta daw kayo malapit sa operating room. Siya na ho ang magsasabi kung ano na ang lagay ng pasyente.”
Itinuro ng nars ang kung saan ang operating room. Dali-dali pumunta si Chona, hindi na alintana ang kanyang itsura. Naka T-shirt ito ng mahaba at shorts na maigsi kaya nakakapukaw pansin sa mga nakakakita ang makinis niyang balat. Subalit wala doon ang kanyang isip, gusto niya malaman agad ang lagay ng ama.
<End of Chapter 8>
BINABASA MO ANG
PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)
RomanceAyan i think kunting edit na lang magiging maayus narin ^.^