...akala nya nanliligaw ito sa ate nya dahil madalas ito magtungo sa kanila. Pero hindi nya pinalalagpas ang mga sandaling iyon sa tuwing dumarating ito inilalabas nya ang homework sa math at nagpapaturo. Pinipigilan sya ng ate nya pero mismo ang binata na ang nagpiprisinta na sa tuwing may homework sya na ang magtuturo dito. Galak na galak sya lalo na no’n inamin ni Bhong na gusto sya nito.
Napawi bigla ang kanyang pagmumuni ng bigla tumilaok ang manok.
Isang linggo na ang nakalilipas ng sabihin nya kay Bhong ang tungkol kay Bhong ang tungkol kay Choi. Pero hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip nya. Parang kay hirap parin sa kanya na malimutan ang binata.
Bumangon na ito sa kanyang higaan, araw ng paglilinis ngayon kaya mabilis syang bumaba at naghilamos. Saglit na nag almusal at ganado na sa paglilinis. Kailangn may gawin sya para iwaksi ang pag iisip sa nakaraan. Hapon na siya ng matapos, humiga siya saglit, balak niya sanang magpahinga subalit hindi na niya namalayan nagtuluy-tuloy ang kanyang tulog. Marahil dala ng pagod.
7:00 A.M.
pupungas-pungas ang mata ni Chona. Nagising sya sa katok at tawag ng kanyang nanay. “Chona, anak andito na si Choi!” Eksahiradong hiyaw ng kanyang ina.
“Uh-huh?!” Tigalgal si Chona. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Diyos ko po ang aga naman, amoy panis na laway pa ‘ko. “Naku naman hindi pa ko naghihilamos. Kayo na muna’ng bahala sa kanya.” Padabog na sabi nito.
“Oh sya sige. Basta bilisan mo, bumaba ka na. ay ka-gwapo nire!” palatak ni Aling Loyda.
“Ang nanay talaga oh.” Walang ibang daan bago ang kusina kundi pagbaba ng hagdanan mabubungaran nya agad ang sala. No other choice kundi harapin ang lalake sa bagong gising na itsura. Pagbaba ng hagdan, kitang-kita nya na lahat ay sa kanya nakatingin. Ang nanay at ate Rexy nya nangungusap ang mga mata na para bang gusto sabihin na sya na nga yung babaeng ipasasakal sayo este ipapakasal sayo. Hindi nya naman malaman kung sino si Choi, dahil dalwang lalake ang kanilang panauhin. Ung isa alanganin ang pagkalalake.
Binasag ni Rexy ang katahimikan. “Ahm, by the way she’s my sister Chona.”
Nagsalita ang isang lalake, nakaharap ito sa kasama. Nag usap sila sa ibang lenggwahe in a korean language. Ah ok. Yun isa, translator. So sya si Choi… Ang tinutukoy nito ay ang lalake malapit sa pinto. Matangkad, maputi, syempre singkit at medyo may edad na ang itsura pero gwapo nga.
“Madam, wag na natin pagurin ang ating mga sarili ng kaka-ingles dahil pinoy naman ako. So, nakakaintindi at nakakapagsalita ng tagalog.” Biglang nagsalita ang translator, sa boses na pinaarte ay tama ang hinala ni Chona, bading ito.
“Haysus, ganoon naman pala. Akala ko duduguin pa ang ilong ko bago makapag ingles.” Masayang sambit ni Aling Loyda.
“Isa pa medyo marunong din si Mr. Yeon mag ingles. At nakakaintindi naman. Kung hindi nyo naitatanong ako rin po ang nagtuturo sa kanya ng english language.” Pagmamalaki pa ng baklita.
BINABASA MO ANG
PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)
RomanceAyan i think kunting edit na lang magiging maayus narin ^.^