“Ano ba’yun?”
“Ano bang meron?” hirit ulit ni Chona.
Tumikhim muna si Aling Loyda. “Chona, anak kasi nabanggit sa amin ng ate mo na darating si Choi.”
Ang tinutukoy nito ay ang koreanong nabola ng kanyang ate sa pilipinascupid.com. isang website na nag aanyaya sa mga Pinay upang makausap ang mga kalalakihan sa ibat-ibang bansa.
“Ah ok,” anya.
“Okay nga, pero kasi itong ate mo walang balak harapin si Choi,” malumanay na salita ng kanyang ina.
Hindi sya tumugon hudyat upang ipagpatuloy ng kanyang ina ang sasabihin.
“Sabi ng ate mo gusto sya’ng makita at pakasalan ni Choi. Kaya nga bibisita yung tao mismo dito sa baryo.” Patunay ang pagtango ng kanyang ate.
Tila ata naputol ang buntot at biglang bumait sa kanya.
“A-ang totoo nya’n Chona hindi ko iniisip na maaring pumunta dito ang ka-chat ko. Ang gusto ko lang naman ay makipagkaibigan sa kanila,” si Rexy.
Ang sabihin mo, umaasa ka na bigyan ng pera. Himagsik ng kanyang loob.
“Paano yan nagaaral pa ako ng caregiver at balak ako dalhin ni tita Sonia sa Canada.” Patuloy nito.
“Magagalit si tita kapag nalaman nyang ikakasal ako. Baka sabihan tayong walang utang na loob.”
May punto nga naman ito. Ang tita Sonia nya ang nagpapaaral ngayon sa kanyang ate. Kasalukuyan ding hinahanap na ito ng employer sa Canada. Caregiver ang kanyang tita sa nasabing bansa, kaya’t hindi mahirap mangyari ang binitawang salita nito sa kanila.
“So, ano na ang balak nyo?” kalmadong tanong ni Chona.
“Anak naisip naming na pakiharapan na lang natin ng maayos si Choi. Tapos ang sa amin lang naman, ayon na rin sa ikagaganda ng buhay m-mo, ikaw ang gusto naming ipakasal sa kanya. Hindi ka naming pipilitin pero pag isipan mo rin ang mungkahi naming. Saying kasi ang oportunidad na maibibigay kapag naging myembro na ng pamilya si Choi,” paliwanag ng ina sa walang kakurap kurap na mata.
“At mababayaran narin ang ating mga utang,” sambit ng kanyang itay. Tinapik naman ito ni Aling Loyda upang ipaalam na mali ang kanyang sinabi.
“Hindi naman sa-“ hindi na natapos ni Aling Loyda ang sasabihin sa ginawa ni Chona.
She can't find the right words to say. Whatever but in shock she went out of the house. Suddenly, her tears run down. Bakit ganoon? Bakit kailangan ako ang umako ng responsibilidad? Ang totoo may hinanakit si Chona sa magulang, lantaran kasi pinapakita ng mga ito na mas pinapaburan ang kanilang panganay na anak. Hindi nila ito pinaglalaba o hugas man lang ng plato kasi mapapagod at baka daw magkasakit. Sa tuwina sya ang inuutusan. Sa labas ang ate nya ang madalas ipagmalaki ng mga ito. Kesyo matalino, maganda at mapagmahal daw ang kanilang panganay. Parang hindi nila naiisip na may taong nasasaktan din. Na may isa pa silang anak na hindi namanpahuhuli sa nakatatanda, ito rin naman ay maganda, matalino at mapagmahal. Kaso talaga ‘atang hindi nawawala sa pamilya ang favoritism. Kung minsan pa nga may tinatawag na black sheep of the family. Well, whatever it maybe but in that case...
BINABASA MO ANG
PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)
RomanceAyan i think kunting edit na lang magiging maayus narin ^.^