PART 5

199 21 6
                                    

...ang kanilang pangarap? Na gu-guilty sya dahil hindi nya masabi dito na gusto syang ipakasal sa iba. Eh sino nga ba ang pipiliin nya?...ang taong tunay na nagmamahal sa kanya o ang taong hindi nya panakikilala? Pero paano ang kanyang pamilya? Alam naman nya ang tunay na dahilan kung bakit gusto sya ipakasal ng magula nya sa koreano. Upang mabayaran ang kanilang mga utang at mabago ang estado sa buhay. Ang totoo hindi nya dapat iyon pinu-problema. Una sa lahat, hindi sya ang gusto ng koreano ang ate nya. Pangalawa, never pa sya napakilala ng ate nya dito. Dalangin na lamang nya hindi matuloy ang kanilang binabalak. Matapos sila mamasyal at magkwentuhan, hinatid na sya ni Bhong sa kanto bago makarating ng kanilang bahay. 

“Bye, Chona.” Kumaway ito bilang tugon. May ngiti sa kanyang mga mata. Para na naman syang dinuduyan ng hangin sa alapaap. Sobrang saya ng araw na ‘yon para sa kanya. Ngunit saglit lang iyon, na ngunot ang kanyang noo ng may mataan n nagkakagulo sa labas ng bahay. 

“Hoy Alex aba baka naman gusto mo magbayad na! Ang hirap sayo hindi ka tumutupad sa usapan eh!” ika ni Aling Sita sa nanlilisik na mata. 

“Aba Sita nag aabot naman ako sayo kahit papaano. Ang hirap naman sayo may tubo na nga, dinadagdagan mo pa ang tubo,” sumbat naman ni Mang Alex, ang itay ni Chona. 

“Daig mo pa ang five-six ah!” sigaw nito. 

“Talaga lang dapat ka’ng tubuan dahil ‘di ka tumutupad.” 

Patuloy sa palitan ng maaanghang na salita ang dalwa hanggang sa may dumating na baranggay tanod. Namagitan na ito sa kanila at parehas na inaya sa baranggay. 

Natulala si Chona hindi nya alam kung paano itatago ang sarili sa pagkapahiya sa mga nakarinig. Ng mga sandaling iyon parang gusto nya’ng maglaho. Nang tignan nya ang kanyang ina nagkatinginan lang sila tulad nya wala rin itong nagawa. 

Tumalima ang kanyang ina, sinundan ang magaling na ama sa baranggay. Sa bugnot, imbis na sumunod mas pinili ni Chona ang pumasok ng bahay. Sa kwarto sya dinala ng kanyang paa. Nagiisip. Ano ba ang dapat nyang gawin? Tila gusto na nyang pumayag sa mungkahi ng magulang. Inis man sya sa kanyang ama, subalit nanaig ang pagmamahal dito kaya’t nasaktan sya ng marinig ang masasakit na salita ni Aling Sita. Hindi naman tamang tapakan lang ang pagkatao nito kahit ba sabihin may utang.

Hah! Buntong hininga nito. Nakapag pasya na ako. Sumungaw ang luha sa mga mata ng dalaga.

 <End of Chapter 1>

..................

<Chapter 2>

“Bakit mo ‘ko dinala dito?” nagtataka ngunit masayang mata ang bungad ni Bhong.

 

Napaka gwapo nito, sumisilay ang malalim na dimples sa tuwing nangingiti. Niyakap nya ang binata, mataas ito sa kanya kaya’t halos dibdib lang nito ang lagi nyang nakakaharap. 

“M-may sasabihin ako sayo.” “Grrr…Im so excited! Ano ‘yun, mahal ko?” babulong na turan nito sa huling sinabi.

 

Gumanti ito ng yakap.

 

Nasa likod bahay sila, tanaw ng mga ito ang bukid. Madalas nagpupunta si Chona dito, maginhawa ang sariwang hangin at ang kubo ang nagsisilbing panangga sa sikat ng araw.

 

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon