<Chapter 7>
“Unfair!” sigaw niya. Nakaharap siya ngayon sa salamin. Galit na galit. Ibinuhos ang galit sa harap ng salamin. “Hay!”
Tutol siya pero panay naman ang ayos sa salamin. Katunayan apat na long dress ang pinagpilian niya at ang bloody red coctail dress ang kanyang napili. Hukab na hukab iyon sa makinis at magandang katawan niya. So kailangan niyang maging date ni Bhong sa dadaluhang party, iyon ang kondisyon ng lalake upang pumayag ituloy ang project. Dahil siya ang humiling ng pabor, pikit mata na lamang siyang sasama, pero may bahagi ng puso niya ang nananabik makasama muli ang lalake.
Napansin niya ang black car na huminto sa harap ng condominium, bumaba ang salamin nito at sumungaw ang napaka guwapong ka-date niya.
Lumapit siya dito.
Pinagbuksan siya ng makisig na lalake ng front door…bago makasakay may binulong si Bhong. “You’re so lovely tonight, Chona.” Ginawaran siya nito ng halik sa pisngi.
Napasinghap siya. Hindi man lang siya nakapalag. Saglit itong pumikit at sinariwa ang halik ng lalake. Kumislap ang kanyang mga mata.
“Relax, sweetheart.”
Is this real? Sa loob loob niya.
Pinaandar na ni Bhong ang sasakyan, nanatiling tahimik ang mga ito. Pagkatapos kasi sabihin ni Bhong na aniversary party ng organization of engineers ang dadaluhan nila, itinuon na nito ang pansin sa daan.
Huminto ang sasakyan. Napansin niyang marami ng tao, biglang tumambol ang kanyang puso. Bumaba na si Bhong at inalalayan ang kanyang pagbaba.
“Shall we go?”
Bumaba na si Chona. Ikinawit niya ang kanyang braso sa lalake. Hinimas naman ng kanang kamay ng lalake ang kanyang kamay. Titig na titig ito sa kanya, puno ng pagmamalake.
Tahimik lang siyang nakikinig sa usapan, poise na poise. Minsan napapansin niya ang paghapit sa bewang ng braso ni Bhong. She feels the warm sensations in his lower arm.
“Are you ok, sweetheart?” bulong ni Bhong.
Tumingin si Chona dito pakurap-kurap. Lalo siyang nabigla ng halikan nito ang kanyang nakaawang na labi. “Uh-huh.”
“Don’t worry, we’ll go home early.”
Tumango lamang si Chona.
Maya-maya lamang makalipas ang ilang oras, niyaya na siya ni Bhong umuwi. Dala parin ang pagiging gentleman ng lalake, inalalayan siyang makasakay. Nakaupo na ang lalake sa driver seat pero hindi parin nito pinapaandar ang sasakyan. Lumapit ito kay Chona, hinaplos niya ang mukha nito at tumigil sa bandang labi. Hinalikan niya ito banayad, puno ng pag iingat. Gumanti ng halik si Chona, unti-unting ibinuka ang bibig, sinamyo ang lambot ng ibabang bahagi ng labi ng lalake. Matagal. Maalab na halik ang kanilang pinagsaluhan. Huminto si Bhong, pumikit at napalunok. “Minahal mo ba siya Chona?”
Napa atras si Chona. “What a stupid question?”
“Answer me, for God’s sake! Did you loved him?”
Mata sa mata. Alam niyang hindi siya tatantanan nito paghindi niya sinagot ang tanong. “Y-yes.” I loved him… as a brother or friend.
Pumikit si Bhong, pagdilat nito kitang kita niya ang namuong luha sa mata nito. Nag iwas na ng tingin, itinuon na ang pansin sa daan at tsaka pinaandar ang ito.
Matapos ang mahabang biyahe, walang umiimik. Naihatid na siya at kasalukuyang nakahiga sa kama pero lumalalim na ang gabi hindi parin siya nakakapagpalit ng pantulog, nanatili lang siyang tulala…nagiisip at sinasamyo ang halik na ginawad sa labi. Bhong, kung alam mo lang hanggang ngayon hindi ka mawala sa isip ko at nananatili ka sa puso ko…
Kinabukasan, maagang gumising si Chona. Plano niyang pumunta sa job site at tignan kung nagsisimula na ang trabaho ng Missu firm.
“Good morning, ma’am.”
“Good morning din sayo.” Hinanap ng mata niya ang lalakeng humalik sa kanya kagabi. Sa bandang gitna namataan niya si Bhong, kausap ang mas may edad na lalake dito. Ay ang gwapo niya talaga.
Lumingon ang lalake at akmang lalapitan siya. “What are you doing here?” naka kunot ang noo nito.
“Ahm…tinitignan ko lang kung nag ta-trabaho na ang mga tauhan mo. Isa pa, dinalhan kita ng food,” nagkibit balikat ito.
Tinignan ni Bhong ang dala ng dalaga tsaka kinuha. “Salamat. Sana hindi kana nag abala, kumain na ko bago umalis ng bahay.”
“Ganoon ba? Ipamigay mo na lang sa tauhan mo,” akmang aalis na siya ng pinigilan siya ni Bhong.
“Chona, next time patawag mo na muna ako bago ka pumasok dito. Delikado baka mabagsakan ka ng materyales at puro lalake ang mga narito.”
“O-ok,” sa pagkapahiya namuo ng luha ang kanyang mga mata. Akala pa naman niya magugustuhan ng lalake ang kanyang ginawa.
Sa inis naisip niyang tawagan si Mack upang yayain lumabas.
“Hi, salamat naman pinaunlakan mo ‘ko.”
“Ikaw pa, malakas ka kaya sa akin.” Malambing na sabi ni Mack.
“Thanks.”
Sa sasakyan sinabi ni Mack na may gusto siya ipakitang bagong bukas na bar sa Taguig. Ayon pa dito pag mamay ari iyon ng isang sikat na singer. Madalas Jazz ang tinutugtog ng banda.
“Mukhang maganda nga dito Mack,” iginala niya ang kanyang mata sa kabuuan ng bar, sa gitna ang sinasabing stage. Cozy ang dating, hindi rin masakit sa mata ang mga ilaw, simpleng dim light ang nakapalibot at sa gitna ng table may hugis babae na ilaw.
Hindi naman nakaligtas sa mata niya ang kanina pang hindi mapakaling si Mack. Kaya makalipas pa ang ilang minuto hindi na siya nakatiis mag usisa.
“Bakit parang hindi ka mapakali?”
“Kasi…ano kasi may sasabihin sana ako sayo Chona.”
“Tell me Mack, what is it?” kampanteng sabi ni Chona.
“Chona…I love you.”
“Hu-huh? Mack, biyuda ako at may isang anak –“
“Chona alam ko at tanggap ko iyon.”
“Hindi mo naiintindihan…hindi ko kayang magmahal ng iba,” pag amin niya sa binata.
“Patay na siya, Chona.”
“Hindi siya, Mack.”
Naguluhan ang kausap. “Huh, eh sino?”
“Si Bhong.”
“Si Engineer Bhong Sevilla..siya?” tila hindi makapaniwala ito.
Para malinawan ang lalake, ikinuwento nito ang pagkakaroon niya ng relasyon kay Bhong. Inamin niya rin na childhood crush niya ito. Natapos ang paglalahad sa paghihiwalay nilang ni Bhong.
Bumuntong hininga si Mack. “Ganoon ba? Wala pala akong pag asa…”
Hinawakan ni Chona ang kamay nito. “I’m sorry Mack, hanggang kaibigan lang ang kaya kung ibigay.”
Tumangu-tango ito. “Salamat. Salamat kasi naging totoo ka sa akin, atlist hindi ako nagmukhang tanga.” Tinapik niya ang balikat ng dalaga. “I’ll be fine.”
“Salamat din.”
<End of Chapter 7>
BINABASA MO ANG
PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)
Roman d'amourAyan i think kunting edit na lang magiging maayus narin ^.^