PART 4

220 21 10
                                    

Chona she is the least favorite of them all. Ang sakit naman, ako ang ipapain nila sa lalake na hindi ko pa nakikita o nakakausap man lang. Himutok ni Chona. 

Nasa likod bahay sya kung saan tanaw ang malaking bukirin. Na madalas nya pinupuntahan kapag sya ay may problema. In the unstable state of mind her mobile suddenly rang. Dagli napawi ang hinanakit nya ng biglang mag-text si Bhong, pinapaalala ang kanilang lakad. 

Agad itong tumalima at isinang tabi muna ang kanyang pinaghihimutok. “Oh God! I almost forgot ..ang lakad namin.” Patakbo nyang tinungo ang kanilang bahay.

Nagmamadali. Dalangin nya’y makaabot sya sa lakad sa tamang oras. Ayaw nya lang dagdagan pa ang problema. Tanging si Bhong na nga lang ang nagpapasaya ng kanyang buhay.

Baker, UP. 

Nagkukumahog si Chona. She’s thirty minutes late.

Nakangising Bhong ang kanyang nadatnan. “Mahal ko naman you’re late. I thought you’re not coming. I almost loose hope.”

Alanganing ngiti ang ginawad ni Chona. 

At nang makalapit pinisil ni Bhong ang ilong nito. “Siguro gumaganti ka sa akin noh?” ang tinutukoy nito ay ang thirty minutes nyang pagiging late kagabi.

“Aray naman mahal!” anya.

“Hindi po. Trapik lang sa bandang tulay.” 

“Okay, tama na. you are forgiven,” inakay na nya ito papunta sa damuhan malapit sa court ng football.

Tulad nila marami rin ang mag syota at pamilya ang namamasyal doon. Madalas sila’ng bumuo ng pangarap doon. Tulad na lamang ngayon… 

Nakasalampak sila sa damuhan habang sinisimulan na nila kainin ang mais.

“Chona, malapit na matapos ang first semester,” basag ng lalake sa katahimikan. 

Ngiti lang ang tugon ni Chona. Masaya sya kahit paano nabago ang pananaw ng nobyo sa buhay. 

Dati, tambay lang ito ng kanilang baryo, palibhasa kasi may kaya ang pamilya. Simula ng naging sila biglang nagkaroon ng pagbabago at pangarap ito. Kaya naman abot taenga ang pasasalamat ng magulang ni Bhong sa kanya.

“Chona ‘wag ka mag alala pag nakatapos ako ng pagaaral at magkaroon ng stable job, kukunin na kita sa inyo at magpapakasal na tayo,” determinado at buong pagmamalaki nito.

Sanay na si Chona dahil iyon naman ang madalas nito sabihin. “Mahal? Hello, wala ba ako’ng kasama?” sita ni lalake. 

“H-huh? Ano ka ba nakikinig kaya ako,” anya.

“Akala ko wala akong kasama,” kunwari nagtatampo ito.

Ginawaran nya ito ng halik sa pisngi. “Im sorry. Sa totoo lang happy ako para sayo. Pero nahihiya din, ikaw puno ka ng pag asa para sa atin. Samantalang ako wala,” himutok niya.

Napatigil sa pag nguya ng mais si Bhong. “Ano ka ba? Wag ka ngang nega,” madalas kasing nagiging negatibo ang takbo ng pag iisip ni Chona.

“Andito ako at hindi kita pababayaan,” dagdag pa nya. 

“Mahal talaga kita, Chona.” Sabay pisil sa baba ng nobya. Noon pa mahal na kita. 

“Salamat. Mahal din naman kita,” sabat naman nito.

Mapalad sya at may seryosong nagmamahal sa kanya. Subalit paano nga ba nya sasabihin dito na maaaring hindi na matupad...

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon