PART 11

176 17 2
                                    

Inakay na sya nitong bumaba. Heto na talaga. Ika ni Chona sa sarili ng dahan-dahang buksan ng bodyguard ang pinto. There you go –madaming tao. Ang iba ay naka- uniporme. Sa bandang gitna naman halatang hindi basta-basta ang mga ito sa suot pa lamang. At nang makalapit, nginitian nya ang mga ito at gaya ng turo sa kanya ni Jester… nagyuko sya ng ulo bilang paggalang.

“My younger sister, Kim.” Tinuro ni Choi ang unang babae sa bandang kaliwa. Bilang panimula sa pagpapakilala.

“Lou, my sister… next to me.” Pagpapatuloy sa pautal na salita.

“My father, Park Yeon and my mother Lee Yeon.”

“Annyeonghaseyo. Mannaseo bangabseubnida”, saad ng magulang ni Choi, bilang pagbati at pag welcome sa kanya.

“Hi.” Bilang ganting bati. Kahit hindi nya maintindihan ang sinasabi ng mga ito.

Ipinaliwanag naman ni Choi, sa salitang koreano, na hindi nakakaintindi ito nakakaintindi ng salitang koreano. Nabigla ang mga ito at tumangu-tango. 

“By the way, she’s Chona Baktol…my fiancee,” pagpapakilala sa kanya ni Choi.

Sa narinig bigla syang naumid at napalunok.

“…And he’s Jester my assistant.”

“Mannaseo bangabseubnida,” bati ni Jester na ang ibig sabihin ay ikinagagalak ko kayo’ng makilala.

“Gamsahabnida,” which means salamat.

“Ok. Ok. Come join us eat,” alok ni Mr. Yeon sa kanila.

Sa hapag kainan, ang lahat ay tahimik na kumakain. Pagkatapos ng masarap na pagsasalu-salo nagsimula na sila magkwentuhan. Si Jester ang tumutulong sa kanya upang i-translate ang salita.

Kinausap naman ni Lou ang kanyang kuya. Sa mungkahi ng kapatid pumayag naman si Choi.

“Ang sabi ni Lou, bukas daw mag sho-shopping kayo.” Pagtatagalog naman ni Jester. “Tapos tinanong nya ang kanyang kuya, sabi naman nito ayos lang.”

“Ganoon ba? Paki sabi kay Lou, ok lang sa akin at salamat sa paunlak.”

Ganoon nga ang ginawa ni Jester, nagsimula na nyang i-translate sa korean ang sinabi ni Chona.

Tumango at nakangiti si Lou bilang pagsang ayon sa sinabi nito.

Sa tingin nya mababait naman ang mga ito. Bakas sa mga kinikilos at sa mata nila ang sinseridad na pagtanggap sa kanya.

Pagkatapos kumain dinala na sya ni Choi sa magiging kwarto nya.

“If you need help, just call Tina.” Ika ng lalake. “I hope you like it here.” Pinisil sya nito sa kamay, “Take a rest. Good night.”

“Thank you. Good night.”

Un lang at tumalikod na si Choi. Naiwan ang sinasabi nyang Tina.

Nilingon nya ito. Tantiya nya, katulad nya pinay din si Tina.

“Pinay ka ba, Tina?”

“Opo, ma’am”

Pretty obvious, Tina is also filipino as she understood what she said.. Lumuwang ang kanyang pagkakangiti. “Hay, salamat may makakausap ako na Pilipino dito. Tina pwede ba’ng Chona na lang itawag mo sa akin?”

Pinamulahan naman si Tina “Po? Kayo po ang bahala.”

“Ano ka ba ‘wag mo na ko’ng po po-in. Eto ba kwarto ko?” Binuksan nya ang pinto.

Bumungad naman sa kanya ang malaking kwarto. Kama na halos katumbas ng dalwang kama nya sa pinas. May computer, component at mini-refrigerator. Bukod doon naka air con din ang room.

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon