PART 18

160 14 0
                                    

Maayos ang plano. Two years contract at thirty percent ang paunang bayad. In one condition, bago magkapirmahan ng kontrata ang gustong mangyari ni Chona makaharap ang may ari ng firm. Ayos, walang problema kay representative, ASAP darating ang Boss niya bago matapos ang isang linggo.

Matapos umalis ni Engineer, sinita siya ni Jester. “Kailangan bang makilala mo yung may ari? Hindi ba’t sinabi naman niya na siya minsan ang nakikipag deal sa client?”

“Of course Jes, kailangan makilala ko ang tunay na humahawak ng firm. Mahirap ng maloko.”

Nag isip naman si Jester. “Well you have a point, its not easy to trust specially when money is involve,” pag sang-ayon nito.

“Lets forget about it. How about bar hopping?” alam niyang gustung-gusto iyon ng kaibigan.

Napangiti siya sa ideyang iyon. “Sure,” tinignan niya ang oras, pasado alas tres pa lang ng hapon. “But I think its too early,” dagli nawala ang ngiti. Nag isip.

Sabay pa silang nagsalit. “Lets watch movie?” nagkatawanan ang mga ito.

Dahil wala paring balita kay Engineer Reyes, minabuti muna ni Chona’ng umuwi ng Laguna. Luluwas na lamang siya kapag makakausap na niya ang kanyang pakay.

“Mack? What are you doing here?” nabigla siya sa presensiya ng binata hindi niya akalaing ang bisita na sinasabi ng kanyang ina ay ang dahilan kung bakit nagalit si Bhong.

Nang sabihin ng kanyang ina may naghahanap sa kanya na lalake, bigla siyang kinabahan, akala na niya –Si Bhong.

“Binibisita ka,” naisuklay nito ang daliri sa hibla ng buhok.

“Hmmm…bakit?”

“After the wedding celebration, you never stop sinking in my head,” pangahas pero buong sinseridad na hayag ng lalake.

Natawa naman siya. “I’m sorry hah, na balis ba kita?” sarkastikong sabi ni Chona.

“P-parang…hindi na kasi ako mapakali, gustung-gusto kita makita ulit. Makamandag kasi ang ganda mo.”

Hindi siya nagbigay ng ekspresyon, ayaw niyang bigyan ang binata ng ideya na nagustuhan niya ang sinabi nito. “Ganoon ba? Paano ko ba matatanggal ang balis?”

“How about a date?”

Matagal bago siya nakasagot. Well, wala namang masama kung lalabas siya para makipag date. Naka sakali hudyat na ito ng pagkalimot sa nakaraan. “Ok. When?”

Nagningning ang mga mata nito. “Ikaw bahala…kailan ka pwede?”

“Tomorrow. You set the time.”

“I’ll be there at 5 p.m.”

Nangunot ang noo niya. “Bakit naman napaka aga?”

“Para mas matagal kita kasama,” romantikong sabi nito. “Isa pa, para maihatid kita ng mas maaga,” hindi pa man naka-two pogi points na ito.

“Ok.”

“Thank you, Chona.”

Wala pa nga, nagpapasalamat na agad ito.

Hindi na nakatiis, nagpaalam na si Mack. Dala ang ngiti sa mga labi.

Kinabukasan natuloy ang kanyang date ka y Mack. Sinundo siya nito at eksaktong 5 p.m. Nag bowling, billiards at nanood ng movie tapos kumain…para sa kanila ang tawag doon ay ragged date. Sporty type kung baga. Masarap kasama si Mack, nag enjoy talaga siya at dagli niyang nakalimutan si peklat ng puso niya.

“Salamat. I really enjoy your company,” buong ka-sinseridad na ika ni Chona.

“Your always welcome. I hope its just the start,” hinihintay nito ang kasagutan.

PEKLAT SA PUSO KO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon