Zai's POV
Ang tagal naman ni Ayo! Hay tsk. O'nga pala. Siguro nagtataka kayo bakit Ayo ang tawag ko sakanya. Simple lang naman, classmate and seatmate ko kasi siya nung 3rd yr kami. At nung time na yun sobrang sikat yung kantang Look At Me Now ni Chris Brown. Eh kami ni Bailey minememorize namin yung lyrics kahit habang nagkaklase. Yung tipong naiirita na siya kasi ang ingay namin. Eh tapos may part pa naman dun na "Ayo Breezy! Let me show how to keep that dice rolling while you're doing that thing over there homie." Kapag dun sa part na yun, lagi naming dinuduldol yung mukha namin ni Bey kay Steven. With matching intense facial expressions. =)) Ewan ko ba! Basta dun sa kanta nagsimula. Hahaha! (A/N: Miss you Ayo!)
Naka plain white tank top lang ako, skinny jeans, and gladiator shoes. Since, dito lang rin naman kami sa park nila "magd-date".
Habang nakaupo sa bench, pinagmamasdan ko siyang naglalakad papunta sakin. Ay, sa wakas!!!! Maya-maya...
"Ba't ba kasi dito pa tayo nagdate? Kj. Once in a lifetime tapos dito lang!" Reklamo ko sakanya.
"Sorry na b. Nagiingat lang."
B mo mukha mo! Nag-iingat?! Shet naman. Nagiingat pala ehhhh. Kaya sa mismong subdivision pa nila. Bobo lang?
"Uy Zairene."
"What!"
"Alam mo naman kung sa mall tayo o sa iba pang mas exposed na lugar baka may makakitang relatives ko at magsabi kay mommy. Mahirap na."
"You know we can stay in my house. Wala naman sina mama dun parati."
"Zai."
"Green minded! Of course not. As iffffff." Sabay irap ko sakanya.
"Zai naman e. Mag-aaway pa ba tayo?" Hinawakan niya yung kamay ko. Sus, kaumay. Di niya ako madadaan sa ganyan niya.
"Nagaaway na tayo." Sabi ko.
Biglang naging seryoso yung mga tingin niya sakin. Hindi na yung tingin na nagpapaawa. Ilang saglit lang, bigla niyang hinila yung mga kamay niya pabitaw sakin. At tinalikuran niya ako. Tekaaaaa?!
"Hoy! Sa'n ka pupunta?!" Tumigil siya sa paglalakad at biglang nagsalita habang hindi makatingin sa mga mata ko.
"Wala kang pag-asa sakin. I'll never like someone like you." At tuluyan na siyang naglakad ulit paalis.
Nanghihina ako...... seryoso? Sinabi niya yun? Aba'y gago?! Ako ba pinaglololoko niya?!
BINABASA MO ANG
Sweetheart Tweetums (25)
Teen FictionMy high school lover, my blind-date-lover, or my secret admirer? My name is Zai and she's torn between three lovers.