Chapter 19 - Pusong Bato

84 2 0
                                    

"Hi Bave!" Kaway ni Keith sa video.

"Omaygad, ang pogi ni De Guzman dito ah!" Tinulak-tulak ni Kaylee si Bey na parang nang-aasar.

"Sssshhh!!! Wag kang magulo!" Pero di parin tumigil si Kaylee sa pagsa-side comment.

"Ummm, ano kasi." Nahihiyang sabi ni Keith. "Diba malapit na yung singing contest para sa buwan ng wika? Awitan ba tawag dun? Hahaha! Sorry ha. Nakalimutan eh."

Di maintindihan ni Bailey kung bakit may ganitong video si Keith. Kaya habang nanunuod nakakunot ang noo niya.

"Gusto ko kasi sanang mag-audition para maging partner mo." Sabay ngiti ng malaki ni Keith. "Corny no? Oh, sorry na." Tas nag-peace sign siya. "Pero okay lang kung hindi ako papasa. Pero gusto ko lang malaman mo na nag-aral ako kumanta ha! Para hindi mo na ako pagtawanan."

"Omg, he just pouted!!!" Mas malakas na tulak na ngayon ang inaabot ni Bailey kay Lee.

"Lee kasi!!" Ugh, aminin ko ang cute niya.

"Kaya eto ako ngayon." *Labas ng gitara* "TA-DA! Kakantahan ka ng..." Nag-drum roll siya gamit yung gitara niya.

"Pusong Bato!"

Kaylee: "HAHAHAHAHA! Ang korny niya grabe nakakaiyak!! HAHAHA!"

Di rin napigilan ni Bailey na tumawa.

Bailey: "Bakit ba ganun? Kahit kalian talaga 'tong si Keith oh. Hahahaha!"

Nagsimula nang tumugtog ng gitara si Keith. Kaya napatahimik na rin yung dalawang nanonood.

♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫

Nang ika'y ibigin ko 

Mundo ko'y biglang nagbago 

Akala ko ika'y langit 

Yun pala'y sakit ng ulo 

Sabi mo sa akin 

Kailan may di mag babago 

Naniwala naman sa iyo 

Ba't ngayo'y iniwan mo

♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫

Naluluha na sa tawa sina Kaylee at Bailey! Priceless eh!

Pero si Bailey parang hindi lang dahil sa tuwa kaya naiiyak kundi dahil na rin na-touch siya sa effort na ginawa ni Keith para lang makasama siyang kumanta sa stage. In all fairness naman kasi di na sintunado si Keith. Sa totoo lang kahit papaano may boses naman pala siya. Ang layo talaga ng boses niya nung unang beses na narinig siya ni Bailey!!

Napaisip tuloy si Bey.

Kung napanood ba niya kaagad 'tong video na to at hindi nalamang sasali si Martin, mas okay pa kaya sila ngayon?

Haaaay. Pero hindi na pwedeng bawiin e. Auditions na sa Monday at naka-setle na sila ni Martin.

♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫

Di mo alam dahil sa yo 

Ako'y hindi makakain 

Di rin makatulog 

Buhat ng iyong lokohin 

Kung ako'y muling iibig 

Sana'y di maging katulad mo 

Tulad mo na may pusong bato

♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫ ♪ ♫

Sweetheart Tweetums (25)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon