Wednesday morning
Simula ng araw na nagkaaminan sina Dev at si Zai (though "like" nga lang daw) ng feelings nila sa isa't-isa.. mas madalas na silang makitang magkasama ng mga tao. Parati na rin silang magkausap sa text. Masaya naman si Zai dahil dun kahit na minsan nagiging bulong-bulungan na naman siya ng ibang tao. Feeling niya, baka si Dev na ang makakapagpabago ng nararamdaman niya kay Steven. Pero ayaw pa rin niyang umasa. Nagtapat lang naman si Dev eh. Wala naman itong pahiwatig na may gagawin ito beyond that. Ang sakanya lang, hahayaan lang niya ang kung ano mang closeness ang meron sakanila ni Dev as long as malinaw ang status nilang dalawa. At hangga't masaya sila.
Napadaan si Zai sa freedom wall. Di na siya nagtaka kung may malaking poster ang banda nina Steven ngayon na nakadikit dito. Ang Peppermint Patty. As usual, sila ang opening act ng celebration ng Buwan ng Wika which starts tomorrow hanggang Saturday. Pihadong puro mga legendary OPM songs ang kakantahin nila.
'Haaaay gwapo ka nga, nakakainis ka lang.' Bitter na bitter na sinabi ni Zai sa sarili. Di pa rin siya makaget over dun sa "On bended knees" niyang spiel. Akalain mong nagawa siyang saktan ng pisikal ni Steven?
Naglakad na siya papuntang classroom nila sa 3rd floor.
Math pa naman ang first subject nila ngayon. Bawal malate. Ugh. Nagmadali na rin siyang maglakad. Napansin niya kasing wala nang tao halos sa mga corridor. Ibig sabihin nagkaklase na yung iba.
Nasa may 3rd floor na siya. Buti na lang may mga nakikita pa siyang mga kaklaseng nasa labas ng room. Ibig sabihin wala pa si sir. Nakahinga siya ng maluwag.
Marahan siyang naglakad papuntang classroom.
Pero merong kumuha sa atensyon niya na sobrang ikinagulat niya. At kinainisan. Napa-"what the f*ck" na lang siya sa isip niya habang nakatayo dun. Completely stunned. Wala na siyang naging pakielam kung makita siya nito. Basta, nagulat siya. At hindi yun maikakaila sakanya.
Si Steven...
Tama ba ang nakikita niya? Na may kayakap na babae sa isang sulok malapit sa CR? At yung babae?
Ayun, ngayon lang nakita ni Zai sa school. Kumbaga, isang unfamiliar face.
Hindi niya 'to inaasahan. Di pa nga sila break, may ganitong nang nangyayari sa likod niya? Ang gulo gulo. Ang komplikado na masyado. Bakit ba ganito.
Pero mas hindi niya inasahan ang naramdaman niya.
Nang napansin niyang kumalas na sa yakap si Steven, tumakbo na siya palayo at nagmadaling pumunta sa classroom.
At dun... dun siya umiyak mag-isa nang walang nakakapansin sakanya.
----
Math class. Sir Galpao enters.
Student 1: Ayan na naman si Sir Ano.
Student 2: Sssshhh ingay mo!! *tawa*
Sir Galpao: Good morning class.
Students: Good morning sir. We're glad to see you.
Sir: Wow ha. Ramdam na ramdam ko grabe. Sige, ano, maupo na kayo.
*Murmurs*
Sir: Kaunting katahimikan lang ano? *Silence* Ayan. Diba next week na ang UPCAT?
Students: Oooooo-po.
Sir: Mabuti nang nagkakalinawan, ano. Okay, the Math department suggested to have this day reserved for UPCAT review. Whole day. Kaya expect to not have regular discussions. Sorry, ngayon ko lang din ito nalaman pati ng ibang teachers. So, ano? Ano bang gusto niyong ituro ko sainyo? Yung mga satingin niyo na lang na nahihirapan kayo para magkalinawan na, ano?
BINABASA MO ANG
Sweetheart Tweetums (25)
Teen FictionMy high school lover, my blind-date-lover, or my secret admirer? My name is Zai and she's torn between three lovers.