Chapter 18 - Jealousy

55 2 0
                                    

"Wtf."

"Hi Bailey."

Di ko na lang siya pinansin at sunod-sunod na naglakad papasok ng bahay nang bigla na lang niya akong hinila papalapit sakanya.

Nagpumilit akong kumalas sa hawak niya sakin sa braso pero pahigpit lang ito ng pahigpit. 

"Ano ba!!" Malakas na sigaw ko sakanya.

"Ang alam ko lang ang ate mo yung may ayaw sa akin e. Eh bakit parang pati ikaw umaayaw na rin?"

"Di ba napagdesisyunan na nga nating--"

O__O

"KEITH!" Bulyaw ko sakanya. Tokwa naman o!

Nagquiet sign siya. Oo nga pala, baka marinig kami ni ate sa loob ng bahay. >_<

"Ayaw ko lang marinig. Sorry na."

Bwisit! Sino ba naman kasi hindi maiinis kung bigla ka nalang halikan habang nagsasalita ka?! 

"Bakit ka ba kasi nandito?" Pinipilit ko paring makawalasa hawak niya. Pero imbis na ilayo niya ang sarili niya sakin mas inilapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko. 

"San ka galing?"

Bigla akong kinabahan na ewan. Tss, so what kung galing ako kina Martin diba? Di naman kami nitong kumag na nito. Tsaka as if naman may magagawa siya! 

"Kina Martin." Mabilis kong sabi bago pa ako lamunin ng utak ko at mapilitan pang magsinungaling ulit (_ _)

Pagkatapos kong banggitin ang dalawang salitang yun mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Argh! Bakit baaaaaaaaaaaaaa!!

Pero mas lalo itong bumilis nang nakita kong napayuko siya't unti-unti kong naramdaman na lumuluwag na ang hawak niya sakin at tuluyan nang bumitaw. 

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya. 

"Keith.." Yan na lang ang nasabi ko sa reaksyon niya.

"Sabi na eh.. ikaw? Mago-overnight? Hah." Napangisi na lang siya. 

"Bailey." Seryosong tawag niya sa akin. "Bakit hindi mo pa nabubuksan yung CD?"

"Sira yung player sa bahay." This time parang wala na lang sakanya yung sinabi ko at nagpaalam na lang kaagad.

"Okay, una na ako." 

Hindi na niya inantay ang paalam ko at naglakad na siya kaagad paalis. 

UGH. Ka-stress si Keith. Nanghahatak ng negative aura! Ano bang problema nun?! 

-------------------------------

(2 days before audition.)

Andito ulit ako nina Martin. 5:30pm na at so far mukhang maganda naman ang daloy ng practice namin. Well, ang aming audition piece kung hindi niyo naitatanong ay Tadhana by Up Dharma Down. Tsaka in general, dapat din daw kantahin yung National Anthem. Oh well, favorite song ko yan nung mga 1st yr ako hanggang 3rd yr. 

Oo na, weird. (~-,-)~

Kapag morning assembly kasi samin noon at sa section namin kukunin ng representative para kumanta ng National Anthem... parating ako ang nagvo-volunteer. Hanggang sa naging norm na ng school na ako ang kumanta ng National Anthem ARAW-ARAW. Oo, walang kupas! 7 days a week! 30 days a month! Good thing hindi ako late comer! O diba? Sikat no? Pero natigil ang kahibangan na yun nung umayaw na ako nitong 4th yr. Susme naman! 1 yr din yun no! I mean, 10 months nung 2nd yr at another 10 months nung 3rd yr. Hoooh!! Every single forking day! 

Sweetheart Tweetums (25)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon