*Zai's POV*
"Oh my god, Zai. I never thought you're that careless." -Sav
"Grabecious, hindi kapani-paniwalang katangahan!!!" -Kaylee
"Sobrang tanga lang." -Bey
"Okay na!!!!!!! Tama na guys!!!!!!!! Medyo nakakasakit eh?!" Bulyaw ko sakanila.
Hindi ko talaga maipaliwanag yung mga nangyari kahapon e. Parang habang kausap ko siya... hindi siya yung inisiip kong kasama ko. Lutang ako. Sobra lang. Hindi ko talaga akalain na.... na...
Si Dev yung mga nasa isip ko ng mga panahon na yun.
Na siya yung taong kaharap ko nun.
At yung nagsasabing mahal ako.
*****
"Same here, Dev. Same here."
Biglang nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung kaninong pangalan yung nabanggit ko.
"A-anong sabi mo?" Nakayukong tanong sakin ni Steven.
Di ko mawari kung anong ekspresyon ang meron siya ngayon. Ang alam ko lang ngayon ay nangagalaiti siya sa galit.
"S-steven..."
Hinawakan ko siya sa kamay pero nagulat ako ng padabog niyang inihiwalay ito sakin.
"S-sorry." Mahina kong sabi. Umiiyak na ako ngayon. Di ko na mapigilan ang pag-agos ng luha ko.
"Sorry Steven.." napatigil ako sa sobrang iyak. "Di ko naman sinasadya e. A-ano kasi.. siya kasi yung huling nakasama ko. Tsaka wala naman akong narar---"
Napatigil ako. Di ko alam kung magagawa kong sabihing wala talaga akong nararamdaman para kay Dev. Di ko na rin alam kung anong klaseng excuse ba ang pwedeng makapagkumbinsi sakanya na wag magalit. Ano ba!! Ang gulo gulo.
Ayoko na.
Eto na naman kami. Mag-aaway. Nakakapagod. Nakakayamot. Di na ba kami pwedeng maging masaya man lang? Buset.. naiinis na ako. Puro iyak na lang ang parati kong nagagawa. Kawawa naman ang mga mata ko. Quotang quota na sila sakin.
Biglang akong napatingin ulit sakanya ng mapansing unti-unti niyang iniangat ang ulo niya at nakitang halos maluha-luha na rin siya.
Maluha-luha sa galit.
Nagkatitigan kami.
At pagkatapos ng titigan namin, namalayan ko nalang ang sarili kong napatumba sa sahig dahil sa lakas ng sampal niya sa kanang pisngi ko.
*****
"Hoy babae. Ano na ang balak mo? Mas pinalala mo yung stiwasyon niyo ni Steven."
Bumalik ako sa katinuan nung biglang sumingit ang boses ni Bey sa utak ko.
Napabuntong hininga na lang ako.
"I don't know!!! Don't pressure me. Imbis na tintulungan niyo ko..............." Tinignan nila ako ng masama.
"Hay!" Di ko na natuloy yung sasabihin ko.
-------------------------------------------------------------------
3rd POV
(3 days before the audition ng Awitan.)
Sina Bailey ay nagpasyang mag-ensayo na sa bahay nina Martin pagkatapos na pagkatapos ng kanilang klase. Dahil sa hindi naman masyadong close ang dalawa, medyo nahihirapan silang makibagay sa isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Sweetheart Tweetums (25)
Teen FictionMy high school lover, my blind-date-lover, or my secret admirer? My name is Zai and she's torn between three lovers.