Chapter 22 - Little Things

55 1 0
                                    

Normal POV

Bigla nalang nailang si Bailey sa nangyari kanina. Pano ba naman? Unconsciously, they held each other sa harap ng napakaraming tao. At yung mga audience? Ayun. Napa-"whooaaaa". Yung iba napatigil. Yung iba naman nagbulungan. At ang masaklap, may mga kumukuha pa ng litrato.

Syempre nag-alala at kabado naman si Bailey dahil dun. Kung kelan unti-unti na silang nagkakaayos ni Keith tsaka magkakaron ng ganong commotion? Grabe ha. Quotang quota na sila ni Keith sa misunderstandings. 

Pero ang hindi niya alam.. nakita na ni Keith ang lahat bago pa niya marealize na may mali sa nagawa nila ni Martin.

---

Nang matapos na ang buong program at 'awkward' na nakapagpaalam na sina Martin at Bailey sa isa't-isa.. naghiwa-hiwalay na silang lahat. Bukas na rin kaagad ang resulta ng auditions kaya kinakailangan nila ng mahaba-habang oras para makagawa ng orasyon at manalangin para makapasa. Ngaragan na rin kasi sa Saturday na mismo ang compet. Odiba? Plus.. entrance exams sa mga universities for the next days.

Naglalakad na palabas ng Gate 2 si Martin ng may tumawag sa kanya. Pagtingin niya sa direksyon ng pinanggagalingan ng boses na 'to nakita niya si Keith.

Nang magkasalubong ang mga mata nila, naramdaman ni Martin ang masamang aura ni Keith.

"O bakit?" Tanong ni Martin kay Keith. Unang beses nilang mag-uusap.

"May gusto ka ba kay Bailey?" Diretsang tanong ni Keith na labis na ikinagulat ni Martin.

"Ha? Bakit?"

"Tinatanong kita. 'Wag mo ko sagutin ng tanong."

"Wala, ok. Wala." Tumalikod na lang si Martin. Ayaw na niyang pahabain yung usapan mamaya kung saan pa humantong 'to.

Pero wala.. hindi siya nakatakas.

"Martin." Naunahan siyang maglakad ni Keith na ngayo'y nasa harap na niya.

"Ano ba yun?"

"Hindi ako naniniwala."

"Bahala ka sa gustong mong paniwalaan." Akmang aalis na ulit siya ng bigla siyang sinuntok ng malakas ni Keith sa mukha.

"F-ck!" Napahawak siya sa kanang pisngi niya.

"That's for hugging her. "

Gumanti ng suntok si Martin. "At ayan para sa pagiging mababaw mo."

"Eh gago ka pala eh!" At ayun, naggantihan ng suntok ang dalawa.

---

Matapos ang 15 mins. nakaramdam din sila ng pagod. -____- Akala niyo may aawat sakanila no? Eh wala eh!

"Tangina mo pre!"

"Tangina mo rin!"

"Pakyu ka solid!"

"Gago!"

Hingal na hingal sila habang nagmumurahan.

Nagsalita ulit sa Martin. "Ano ba talagang problema mo ha?" Sabay punas ng nagdudugo niyang labi.

"Yung totoo?"

"Ay hinde yung mal---"

"Tantado! Mag-quit ka na sa contest!"

Nanlaki naman yung mga mata ni Martin sa gulat. 'Aba eh gago ba siya?!' isip niya.

"Gusto kitang palitan. Hayop ka."

"Ako pa hayop ha? Bakit ko naman gagawin yun aber?! Imposible"

"Walang impo-imposible sakin." Pinulot na ni Keith yung bag niyang binagsak niya sa lapag kanina nung nakikipagsuntukan siya. "Anong gusto mo?"

Sweetheart Tweetums (25)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon