Enjoy reading.😘
Friday ngayon at may meeting daw na magaganap para sa mangyayaring Christmas party.
Saktong 3pm ay nagpatawag na ng meeting sa lahat ng Department. Excited naming pumanhik dahil naroon na sa conference yung pogi sa kabilang department.
"Ang gwapo niya talaga" kinikilig na saad ni Gabby na sinang-ayunan namin ni Maya. Gwapo naman kasi talaga, makalaglag pa- nga yung kgwapuhan niya.
"Masyado ba kayong busy at hindi nabalitaan ang naganap na kasalan nyang si Mr. Montalban?" Basag ni Jean sa amin na may nanunuyang ngiti sa mga labi.
"Kasal?" Sabay sabay naming saad na parang ayaw maniwala. Pumwesto na kami ng upo, at kitang kita sa pwesto namin si Mr. Montalban.
"Look at his ring finger, that's a wedding ring right?" Mahinang bulong ni Jean, at napansin naming may singsing nga doon.
"I'm broke!" Naiiyak na saad ni Maya, umaarteng nasasaktan.
"Siya nalang yung inaasahan kong hindi mananakit sakin." Si Gabby na may papunas pa sa imaginary tears.
"Ayos lang yan, hanap tayo ng ibang inspirasyon." Saad ko at kunwari kinocomfort ang dalawa.
Natahimik kami ng pumasok si boss kasama si Jacob? Bakit nandito ang damuhong ito?
"Bakit hindi nalang si Mr. San Diego ang gawin niyong inspirasyon?" Suhesyon ni Jean at sinundan ng tingin si Mr. San Diego.
"Hindi ko bet." Sabay na sagot ni Maya at Gabby. Sabay silang lumingon sa akin.
"Bet mo si Mr. San Diego besh?" Usisa ni Jean sa akin.
"Ah eh, hindi ko rin bet." Sagot ko. Napatingin ako sa gawi niya at isang maling desisyon iyon dahil minamanyak niya na naman ako este nasakin ang atensyon ng maya niya.
Hindi bet? Eh ano yung nangyari nung nakaraan?
Pangingialam ng konsensya ko. Hindi ko naman talaga bet. Manyak siya!
Natahimik na kami ng magsalita si Boss.
"Good Afternoon ladies and gentlemen. Hindi ako magtatagal, I'll give the floor to Mr. Suarez after this to take over the meeting. And Mr. San Diego will be joining our Christmas Party, kaya nandito siya kasama sa meeting."Mahabang litanya ni boss.
What? Wala bang party sa company nila at makiki-join siya sa party namin? Hello? Are they poor? Hahaha.
Nilibot ni boss ang mata sa paligid. "Where's Mr. Suarez by the way?" tanong ni boss at awtomatiko kaming napalingon kay Jean.
"Miss Monterio, do you know where's Mr. Suarez?" Umiling lang ito, LQ ba sila? Meron bang sila? Haha!
Bumukas yung sliding door at niluwa nito ang hinihingal na si Manager Tobe, kanino kaya ito nakipag patentero?
"Good afternoon boss, Mr. San Diego." Lumapit siya sa mga ito sa harap at nakipag kamay. "Sorry everyone, may inasikaso lang. So let's proceed?" Tanong nito kay Boss at tinugunan naman ito ni boss ng tango.
"I think I have to go." Saad ni boss at tumayo na at nagpaalam.
Pagalabas ni boss sa pinto ay nagsimula na si Manager Tobe.
"Mr. San Diego, kung may comment or suggestion kayo feel free to say it." Casual na sabi ni Tobe at tumango lang ito. Dapat umalis na rin iyan,naasiwa ako sa pagmumukha niya.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS HEART STEALER
RandomTo love is to get hurt in the process. Too much love will put you in a way that sometimes you don't want it anymore. Brokenheart needs healing. So What if the things you keep denying strike your heart perfectly unexpected? Spin off stories Until We...