Happiness comes to those who wait patiently.
Sakit ng ulo ang nagpapagising sa kanya habang minumulat ang kanyang mga mata. Sabay pikit ulit nang makita ang liwanag na dulot nang nasa paligid niya.
Shit! Natuliro pa siya nang maalala na medyo pamilyar sa kanya ang silid na yun. Pero imposible? Andito ba talaga ako? At mas lalo pa siyang natuliro ng ibang damit na ang suot niya ngayon.
Sabay sapo sa nio niya nang maalala ang encounter niya sa binata at ang mga kalokohan nagawa na naman niya.
Di kana talaga nagtino. paalala niya sa sarili. My gosh anong kabaliwan na naman ba tong nagawa ko?
Hindi yan kabaliwan, ginusto mo yan? usig na naman nang kunsensiya niya.
Pagbukas ng pinto ang nagpatigil sa pag iisip niya at ang pagpasok nang binata na may dala dalang tray ng pagkain ang nakita niya sabay lapag nito sa may table malapit sa kama.
"Hanggang ngayon suicidal ka padin." may diin paalala sa kanya ng binata habang nakatutok sa kanya.
"Wala kang pakialam sa gusto kong gawin. Bakit mo ako dinala dito? At bakit iba na ang damit na suot ko?" tinitiis ang hapdi ng tiyan at kirot ng ulo habang nakikipaglaban ng titig dito at siya nadin namang unang bumawi dahil sa intensidad ng titig nito.
"May paki alam ako kasi kargo kita pag may mangyari sayo ng di maganda. Dinala kita dito kasi mas convenience na dito na kita dalhin kasi bigla ka nalang bumagsak kanina. At sabi ng family doctor, Sobra kalang sa alak at walang laman ang tiyan mo ng tamang pagkain. At yung damit mo pinalaundry ko na kay Ailyn at siya din ang nagbihis sayo. AT gusto mo bang ipaalala ko sayo ang lahat?" Pang uusig ng binata sa kanya.
"If my memory serve me right, hoy lalaki!" sabay duro dito. "Ikaw ang unang pumutol sa ano mang meron tayo." Shit....
"Wala akong pinutol na ugnayan na meron tayo. Ikaw yung umalis sa bahay na ito nang walang paalam." papalapit ng binata sa kanya.
Kaya napaurong tuloy siya pabalik sa kama niya at sumuksok sa gilid nun na nanlilisik ang tingin dito.
"Wag kang lalapit." saway niya dito na may kaba pero parang wala yata itong paki sa galit niya kaya nagpatuloy sa paglapit sa kanya.
Kaya di niya napigilan ng sapuhin nito ang mukha niya at tinitigan ang mata niya ng may pinapahiwatig na katanungan.
Proottt!!!! Sabay sapo niya sa tiyan niya dahil nag iingay ito. Nabitawan tuloy siya ng binata at siya naman di makatingin sa binata dahil sa hiya niya at sa sitwasyun niya ngayon.
"Better feed your hungry stomach lady or ako ang kakain sayo." natatawang pahayag nito sabay labas ng kwarto.
Naiinis na nabato niya ito ng unan pero di na niya naabutan kasi nawala na ang bulto nito sa silid na yun. Kaya agad niyang pinuntahan ang tray ng pagkain na dala nito. Sa sobrang gutom niya kasi nakalimutan pala niya kumain ng agahan at tanghalian kasi mas na excite siya sa pagpunta ng bar kaya naubos niya ang lahat ng hinain nito sa kanya at ininom nadin niya gamot isinama nito. Pagkatapos kumain tumayo na siya at lumabas ng kwarto pababa ng mansion nito.
"Ate Ruvee kumusta kana?" malawak na ngiti at masayang salubong ni Ailyn sa kanya ng nasa sala na siya. "Namiss kita ate Ruvee buti nalng bumalik kana. Ang lungkot ng mansion nato ng umalis ka." patuloy na balita ni Ailyn sa kanya.
"Namiss din kita Ailyn ." sabay yakap dito. "Pasensiya kana nang umalis ako ng walang paalam sa inyo." Di niya mapigilang lumuha ng maalala ang ginawa niya nang gabing iyon.
"Masaya po ako ate Ruv at nakabalik kana. Wag na wag kang umiyak ate baka pagalitan ako ni kuya pag nakita niyang umiiyak ka." pakengkoy na saad ni Ailyn.
Kahit nagugulohan sa mga narinig, binalewala muna niya ang mga yon kasi may mas iba siyang hinahanap pa.
"Aiai nakita mo ba ang kuya mo?" tanong niya dito.
"Nasa wine area ate. Infairness tambayan niya yung lugar nayan ng umalis ka. Pero ngayon lang ulit yan uminom. Mga buwan na ata ang lumipas, baka naexcite kasi nandito kana ate." kinikilig na pahayag nito.
"Ah, sige! Susundan ko muna doon." Di niya pinansin ang panggagatong nito.
Kunot ang nuo na iniwan niya ang kausap at nakita nga niya ang binata na nakaupo sa may stool na tinutongga ang bote ng wine na paubos na.
"Kailangan ko nang umuwi." pambasag niya sa ginawa ng binata. "Baka naghahanap na ang mga kaibigan ko. Naiwan ko ang gamit ko doon sa bar di ko sila macontact."
"Natawagan ko na ang isa mong kaibigan. Sinabi ko sa kanya na di ka makakauwi at nasa maayos kana na kalagayan, kaya no need na mag alala pa sila." sagot nito ng di man lumilingon sa kanya.
"No!" pagmamatigas niya. "Kailangan kong umuwi! Maaga akong papasok sa opisina bukas."
"I cant drive going to your apartment for now." sumusuray na tayo nito paharap sa kanya.
"Eh magcocomute ako. Sinabi ko bang ihatid mo ako?" sabay talikod dito pero nakakailang hakbang palang siya nang hawakan nito ang braso niya at yakapin siya nang mahigpit.
"Please hon! Don't be hardheaded for now. Can you stay with me for this night. I miss you so much." mas hinigpitan pa nang binata ang yakap nito habang inaamoy ang ulo niya.
Natetense na di makagalaw habang yakap yakap siya ng binata na amoy niya ang pinaghalong amoy ng alak at pabango nito. kakapusin na yata siya ng hininga dahil dito. At mas lalong siyang nataranta nang maramdaman ang labi ng binata sa ulo niya pababa sa gilid ng taenga niya. bigla siyang napatuwid at naramdaman niya ang matigas na bagay na yun sa pagitan nila. kaya di niya namalayan na sapo na pala ng binata ang mukha niya sabay salakay ng labi nito sa mga labi niya.
Gilalas siya sa mga nangyari kaya para siyang tuod na di makakilos habang di hinihiwalayan ang labi niya ng binata.
Nais man niyang tugunin ang lahat nang pananalakay ng binata sa kanya kaya lang bumalik lang ang lahat ng sakit na dulot ng binata sa kanya kaya nang bigla siyang matauhan tinuhod niya ang pagitan ng mga hita nito at sinampal ang binata tsaka tumakbo paakyat pabalik sa silid na pinanggalingan niya.
Di na niya nakita ang pamimilipit ng binata na iniinda ang sakit ng ginawa niya.
"Shit!shit!" sapong sapo ng binata ang pagitan ng hita niya at bigla yata nawala ang kalasingan niya dahil sa nangyari.
"Wag kayong mabaug diyan ha!" kausap nang binata sa baba niya. "Aanakan ko pa ang amasonang yon." sambit niya.
Napapaupong nilagyan niya ng yelo ang pagitan ng hita niya na sapol ng tuhod ng dalaga pagkaraan ng ilang minuto. At nakatulog nalang din siya na may ngiti sa kanyang mga labi doon sa may sala.
Boom panis😉😂😂😂
Talo kasi ang team ko sa basetball kaya may hugot akong pabaon ngayon.Losser will always bounce back when theirs a time to get that win.hahah.
Dont loss without a fight.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS HEART STEALER
DiversosTo love is to get hurt in the process. Too much love will put you in a way that sometimes you don't want it anymore. Brokenheart needs healing. So What if the things you keep denying strike your heart perfectly unexpected? Spin off stories Until We...