Chapter 28: Truth

12 5 0
                                    

Chapter 28


Days had past and I've never seen Jacob. Kahit sa DMX building ay hindi rin ito dumayo. At ipinagpapasalamat ko na lang rin at hindi na akong mahihirapang iwasan siya kung sakali. Masyado pang masakit na yung taong binigyan mo ulit ng pagkakataon sa buhay mo ay may itinatago sayo at siyang magiging dahilang muli ng pagkabigo mo.


Oo, inaamin kong namimiss ko na yung pang-aasar niya sa akin, yung paglalambing, yung siya. Siya Mismo, I miss him that it hurts me badly that he did that to me.


At dahil sa chika ni Ms. Maika, na sekretarya ni Boss Macky, pansamantalang nakalimutan ko yung problema.


"Kayo bang tatlo alam niyong may jowa tong si Ms. Maya?"


"Weeh?" magkapanabayan pa naming react sa sinabi nito, di makapaniwala.


"May jowa ka besh?" takang tanong ko na inikot ang swivel chair paharap sa apat.


Hindi ko napansin na may lalaking umaaligid sa babaeng to. Akala ko nga si Motmot na jojowain niyan. haha!


"Uie, sino yan? Bakit di namin alam?" dugtong na tanong ni Gabby.


"Di nga? Meron talaga?" Di rin makapaniwalang tanong ni Jean. "Baka Fake news yan."


"Scammer ka talaga Maya." si Gabby.


"Krimstix. imagination mo ang limit." hindi namin maawat na biro kay Maya na mukhang namumula na namumutla. Haha! At magkapanabayan ba kaming tatlo na tumawa.


"Ang harsh naman. So di niyo alam? Eh, si Boss Macky lang naman ang chumika sa akin. Tapos may halong kilig-kilig. Ayiieeeeehhh ~." sabi ni Ms. Maika at talagang makikita mo sa kaniya na kinikilig siya. "Nakakainis! Ang gwapo ng Jowa mo. Nakasabay ko siya sa elevator, ngumiti siya. Inspired atang lumabas kaninang umaga sa Conference 2. Ayiieeeeehhh ~."


"Conference 2?" chorus naming tatlo na tanong.


Isa lang ang gumamit ng Conference 2 ngayong araw at iyon ay walang iba kundi si ~ ~


"Oo nga kasi. Jowa niya si Mr. Allester." Kumpirma ni Ms. Maika sa iniisip ko.


"Jowa mo si Mr. Allester?" pasigaw pa naming tanong na tatlo.


Eh sa na shoookt talaga kami. Masyadong halata. Hahaha


Like Oh my GEE! How on Earth it happened? At totoong gwapo nga yung Mr. Allester na yun. Remember na-stalk namin yun.


"Hui, wag nga kayong sumigaw!" sita ni Maya na halata mong nahihiya at napalingon pa sa paligid. But we care less, information shocking naman kasi.


"Anong karapatan mong ipagdamot sa amin ang impormasyon na may Jowa ka na? At madatong pa. I need an explanation. I need an acceptable reason." pagdadrama ni Gabby with matching emote pa.

MY MYSTERIOUS HEART STEALERWhere stories live. Discover now