Chapter 9: Hate Or In Love

47 4 27
                                    

People you hate the most tend  to be the one you love most. Is it true?









"What you did back there was cool." aniya sa dalaga.

"And do you think having a woman  kiss you infront of me or i say your wife is cool?"

Napipi si Jacob sa balik tanong ng dalaga. Nagalit na yata ang dalaga dahil sa nangyari. Pumasok na ito ng kotse nang walang imik. He sighed.

Nakakatakot pala makita ang ganitong reaksiyon ng dalaga.

Inistart na ni Jacob ang kotse at hindi na nagtangka pang magsalita. If there was one thing he learned dealing with Ruvee, it was he should never deal with woman when she's angry.

Its bad for your balls.

Habang nasa biyahe sila, patingin tingin lang siya dito habang ito ay sa labas ng bintana ng kotse niya nakatingin.

Pero di niya mapigilan na kausapin ito. Kaya hininto muna niya ang minamanehong kotse.

"Ruvee..." napaigtad ito nang tawagin niya. Inismiran siya nito kaya di niya mapigilan na ngumiti.

"Lalim yata ng iniisip mo? Kung tungkol sa halik wag muna isipin yon." Pasubali niya dito. "Isa pa may mas masarap akong gustong  tikman ngayon." sabay titig niya dito  habang naka kagat labing tumingin sa kanya.

Kaya walang pasabing sinakop niya  ang mga labi nito habang nanigas sa inuupuan si Ruvee.

His fiercing eyes bore into her.

Nakita niyang naglalakbay ang mga mata nito sa kanya hangang tumigil ito sa kanyang mga labi nang pansamantalang hiwalayan niya ang mga labi nito.

"Hey! Hindi kami naghalikan. She kissed me." depensa ni Jacob, tinutukoy ang kaninang nangyari.

"It's the same!" nakabawing pahayag nito habang lutang kanina sa halik niya. "Kaya sa susunod na maghahalikan kayo, wag sa harap ko."

Sinakop niyang muli ang mga labi nito para matahimik na. Lumalim ang halikan nila at siya na din ang pumutol.

"Kung may gusto man akong halikan.Yun ay ang asawa ko." natatawa niyang kindat dito habang bumalik sa pag paandar ng kotse.








-----------








Present time

Kung pinaglalaruan ka nga naman ng tadhana. Yung taong iniiwasan mo nuon, siya parin ulit ang nagpapagulo ng mundo mo ngayon.

First day of our working days na walang Jean sa Office.

Monitor.

Keyboard.

Documents.

Send Email.

Break Time.

"Uie mga besh, tara na Lunch." Aya ko sa dalawa pang kaibigan na kasalukuyang nag-iinat ng mga buto dahil sa buong umagang paggawa ng mga paperworks.

Naka cubicle kasi silang apat dito sa kanilang Department kaya ayun, sila sila din ang laging nag-uusap.

"Yeps. Gutom na ako." Sang-ayon naman ni Gabby at tumayo na rin sa upuan nito. "Gusto ko ng masarap sa tanghali." Dugtong nito at napangisi.

"Yung masarap na masarap. Slurp." Gatong pa ni Maya na nahawa sa ngisi ni Gabby.

"Ayun, may masarap. Naglalakad." Biglang sabi ko sabay turo sa may direksyon ng elevator na ikinalingon ng dalawa.

MY MYSTERIOUS HEART STEALERWhere stories live. Discover now