"Don't let your heart overpower your mind and body."
Warning: read at your own risk. 😂😂😂😂😂 putukan na. 😂😂😂😂😂
Ruvee
"Bukas na pala ang party natin. May damit na ba kayo?" Tanong ni Gabby while sipping her tetra pack na nabili namin kaninang lunch.
Coffee break pa kasi kaya naman malaya kaming nagdaldalan dito sa cubicle namin.
"Ako meron na. Pero bukas ko pa makukuha." Sabat ni Jean na uminom ng personalized lemonade mula sa tumbler nito.
Bohemian kasi ang theme ng party and I don't know if I have one in my closet. Di ko pa kasi yun napag iisipan. Baka mamaya na lang.
"Meron na rin ako. Kelangan ko na lang ng mga accessories." Sabat ni Maya na umiinom ng yakult.
"Undecided pa ako eih." Sagot ko naman na may mugo mugo sa kamay.
"Ako meron na din, ganda ko dun." Si Gabby. "#Dyosa."
"Dyosa ba talaga? Baka naman Dyosabog? O dyosaltik?" Si Maya na nakakadalawang yakult na.
"Eh ikaw, okay ka ba tyan?" Balik dito ni Gabby na tinawanan namin ni Jean.
"Talaga! Kailangan maayos ang tyan sayang ang kagandahan ko bukas." Si Maya.
"Ang sabihin mo, nagpapaganda ka at nagpapasexy dahil sa bitching tayo after party." Sagot ko.
"Yung swimsuit ko talaga ready na." Masayang sabi ni Jean.
"Naiisip ko ng tutulo laway ni Manager. Haha!" Sabay sabay naming halakhak sa sinabi ni Gabby.
"Uie, ssshhhh!" Sita ni Maya.
And speaking of Manager! Natahimik kami dahil dumaan si Manager kasama lang naman ang damuhong manyak. Sino pa ba?
"Syempre, hindi exempted ang laway ni Mr. San Diego." Pabulong ni Gabby at silang tatlo pasimpleng napatingin sa gawi ko.
Pinanlakihan ko sila ng mata. "Kinalaman ko dyan?"
"Aysus! Di mo bet pero kung makatitig ka kay Mr. San Diego, nang aakit, hinuhubaran, nang aangkin." Tukso ni Maya sabay harap sakin at kagat labi pa.
"Yuck! Ang sagwa besh." Si Jean na nagpatawa sa amin.
"Coffee break's over." Deklara ko at napabalik ng tingin sa mesa kong punong puno ng papeles.
"Naku naku! Mag aabang ako ng laway na tutulo sa bitching. Haha!" Hirit pa ni Gabby at pasimpleng inikot ang upuan nito palapit tapos inilayo din sa akin.
"Hihintayin kong laway mo ang tumulo." Tukso ko dito na natatawa.
"Aie oo nga no! Madaming papable niyan. So yummy and delicious." Si Gabby na magkahawak ang kamay na tila nagdadasal.
"Nom nom!" Sang ayon ni Maya at natawa kaming muli.
"Tulo laway hunting na this." Hirit ko pa bagu kami tuluyang bumalik sa trabaho.
Naalala ko ang mukha ni Jacob nang dumaan sila kanina ni Manager. Walang kangiti ngiti at sobrang seryoso.
Tsk! Naalala ko tuloy yung sinabi ni Kuya HA.
Nahuli na ba ako at siya na ang mahal mo?
Pati ang sinabi ni Jacob nung huling pag-uusap namin. Matapos kasi nun, di pa niya ako ginugulo ulit.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS HEART STEALER
RandomTo love is to get hurt in the process. Too much love will put you in a way that sometimes you don't want it anymore. Brokenheart needs healing. So What if the things you keep denying strike your heart perfectly unexpected? Spin off stories Until We...