Chapter 27: Betrayed

18 4 0
                                    

Chapter 27

"As in OH MY GEE!" halos sabay sabay kaming napatili sa maagang bumungad sa amin sa aming cubicle.

"Finally, Kayo na talaga? As in wala ng eextra?" segunda ni Gabby. Lahat kami nakatuon ang atensyon sa namumulang mukha ni Jean na may pinipigilang ngiti.

Well, sinabi lang naman ni Jean na sinagot na niya si manager. Ayieeehhh. May Forever na talaga siya, hindi man Kay Marco pero Kay manager Tobe pala.

"JeanBe Fans Club Forever!!!" impit na pagtitili naming tatlo sa aming cubicle.

Panay pa ang panunukso namin ke Jean tapos tamang abang lang kay Manager na dumaan. At nakalimutan naming may meeting pala siya with Boss Macky and all the Department Heads.

Sayang, ansarap pa namang tuksuhin ni Jean kasi instant blush-on. Pero mas mukhang papunta na sa floorwax ang pisngi nito sa sobrang pula. Haha

Nasa Conference 2 ang meeting ng mga Department heads at ni Boss kaya walang chance na makita namin sila ng lunch. Pero yung tuksuhan namin kay Jean ay mas lalo lang lumala, kahit nasa elevator kami. Hindi lang namin pinapangalanan pero gets na Agad.

"So ano, Naka home run naba ha, Bessy Jean?" mahinang bulong ni Gabby. Nasa walong katao kaming sakay ng elevator. Sa labas kasi kami kakain ngayon.

Napahagikhik naman kami ni Maya dahil sa tanong nito.

"Mukhang conservative si Guy, baka first base pa lang." segunda ko sa sinabi nito.

"First based? Grabe walang challenge. Dapat Ikaw yung humawak sa pamalo para wala ng agawan ng base." dagdag din ni Maya mas lalo naming ikinatawa.

Si Jean ay napapatakip na ng mukha dahil sa kakatawa. Saan na ba napunta ang usapan namin? hahaha

Palabas na kami ng building nang hinarang kami ni Manong guard, particularly ako. "Ms. Ruvee?"

"Aie po, yes po Manong Guard!" Medyo nagulat at nataranta ko pang sagot dito. Si Manong naman kasi nanggugulat, napagtawanan tuloy ako ng tatlo habang si Manong guard ay napakamot sa ulo nito.

"May nagpapabigay nga po pala. Iniwan po bagu bagu lang. Mommy niyo daw po." matapos maibigay sa akin ay agad kong kinuha ang isang eco-bag na may lamang magkapatong na baunan. Sa itaas nito ay may note na nakasulat.

"To My daughter, Mommy Es."

Napalapad yata ang ngiti ko dahil sa nakasulat. Tila may humaplos sa puso ko. Matapos naming magkabati ng mommy ni Jacob, gumaan ang lahat lahat. Tila nawala yung laging mabigat kong dalahin. And I know, my little Angel in heaven will even love me for granting forgiveness to her Lola. Yes, it was just an accident and we all learned from it. Nagkapatawaran na kami and starting things right.























-------------------------



















"Hey hon." bati sa akin ni Jacob at hinalikan ako sa pisngi nang madatnan ko ito sa loob ng apartment ko.

Overtime kasi kami kaya di na ako nagpasundo sa kaniya. And syempre, hindi siya pumayag na walang duplicate key sa unit ko. Medyo may kalayuan kasi sa office yung bahay namin na ipinatayo nito.

Iniwan ko sa may couch ang bag na dala at sinundan ito sa may kusina. Pagkapasok ko pa lang ay may naamoy na agad akong mabango. He always cooks food for me kaya lalo kong minamahal ang lalaking ito. Hindi lang kasi ako binubusog sa pagmamahal, binubusog din ang mga alaga ko sa tiyan. Haha

MY MYSTERIOUS HEART STEALERWhere stories live. Discover now