Happy 18th Birthday Self 💕💕
Chapter 25
Ruvee
Wala ng mas sasaya pa sa bagong taon na may bagong pag-asa. Naks.
Nagbago yung lahat sa amin ni Jacob. Para bang bumalik kami sa dati, yung dating kami bago kami nagkahiwalay. And everything seems so well. Lagi niya akong hatid sundo, at halos tumira na ito sa apartment ko. Pero dahil ayaw ko munang sabihin sa mga kaibigan, di pa alam ng mga bessywaps. Natatakot akong sabihin and at the same time, hindi ko alam talaga pano sabihin sa kanila na ganun, hindi ko Jowa si San Diego because I am still Married to him.
"Uie, malapit na pala ang February 14, saan kayo magde date niyan Jean?" Tanong ni Gabby habang kumakain kami ng Lunch sa paborito naming kainan sa labas ng building namin.
"Candlelight dinner ba? Tapos with violins, rose petals na daanan, fireworks, then gagawa na ng baby Tobe and Jean? Hahaha!" Dagdag ko pa na ikinatawa ng mga ka bessywaps ko.
Nagkataon namang ngumunguya si Jean kaya halos bugahan kami nito ng kinakain.
"Yuuccckkkks!" Halos tili naming tatlo at sabay na naglundagan sa kaniya-kaniya naming upuan pagkatapos ay nagsitawanan animo ay kami lang ang mga tao na naroon.
Agad kumuha ng tissue at napainom ng tubig si Jean na may namumulang pisngi.
"Joke lang naman yun Jean, pero pwede ding tutuhanin. Oh baka naman, meron na talaga?" Dagdag pang tukso ni Maya pero sabay sabay din kaming napabalik ng upo.
Magkaharap kami ni Maya habang magkaharap naman sina Gabby at Jean ng upuan sa pang apatang mesa.
"Mga loko loko. Wala no!" Kaila pa ni Jean na pinagtatapunan kami ng binilog bilog niyang tissue.
"Ayieeeh! Guilty!" Hirit ko pa.
"Aba aba. Hindi ka exempted Babae. Saan naman kayo ni Mr. San Diego sa February 14?" Balik tanong ni Jean sa tanong namin sa kaniya na sinang-ayunan din ng dalawa.
Mga balimbing talaga. Haha
"Anong ako? Anong kinalaman ko kay Mr. San Diego?" Kinabahan pa ako sa tanong nila dahil nga diba, sekreto lang kasi nga dapat yung tungkol sa amin ni San Diego.
"Aysus! Akala mo din no hindi namin napapansin? Sa tuwing dumadaan sa cubicle natin si Mr. San Diego eh napapatingin talaga siya preferably sayo, tapos mukhang timang na ngingiti." Sagot ni Maya.
"Aba-aba, akala mo din tong isa hindi kinilig! Asus! Don't us talaga bessy!" Sulsol din ni Gabby.
"Hello FYI, baka nakakalimutan niyo, may asawa na siya. Remember Gabby? Ikaw pa nga nagtanong nun sa kaniya?" Pang-iiba ko sa usapan.
Like hello, bwesit naman kasi talaga itong si San Diego. Walang mintis kung ngumiti kapag dumadaan sa cubicle namin. Parang teenager lang na nagpapa cute sa kaniyang crush. Eh ako naman si babaeng #marupok. Kinikilig din, eh ngiti lang naman yun.
"Aie, oo nga pala. Nakalimutan ko." Bagsak ang balikat nitong sabi. "May asawa nga daw siya pero hindi naman siya Mahal. Bessy, maaagaw pa yun. Hahaha!"
Lahat ata kami natapunan ito ng tisyu dahil sa sinabi habang tumatawa.
"Hello, Joke? Di kayo mabiro." Reklamo nito.
Puro kami tawanan habang kumakain kaya ayun, puro hangin laman ng tiyan namin. At tumagal kami lalo sa lunch break kaya muntik pa kaming ma-late.
Naging busy ang buong maghapon namin kaya naman hindi na namin namalayan ang oras at uwian na pala.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS HEART STEALER
RandomTo love is to get hurt in the process. Too much love will put you in a way that sometimes you don't want it anymore. Brokenheart needs healing. So What if the things you keep denying strike your heart perfectly unexpected? Spin off stories Until We...