"Kanina pa tayo pa ikot ikot San Diego, alam mo ba talaga ang pupuntahan natin?" Basag ko sa katahimikan ng huminto kami para mag water break.
"Trust me, Hon." Maikling sagot nya at binalik ang bottled water sa bag nya.
Walang sabing sumakay ito sa motor at pinaandar ang makina. Nakatanga lang ako dahil pagod na akong paikotin, I mean pagod na akong mag ikot.
"Ano pang hinihintay mo, kargahin kita pasakay dito?" He smirked.
Tinaasan ko lang sya ng kilay at sumakay na sa motor nya. Isang pulgada siguro ang layo ko mula sa kanya. Ganito kami mula kanina, ayaw kong nalalapit ako sa kanya. Nakakakuryente ang putek!
Nagpatuloy kami sa byahe ni San Diego. Tsk!
Bigla nitong pinabilis ang takbo, ganun na rin ang pagkabigla ko at napayakap sa bewang nya. Hininto nya ang motor at pinatay ang makina.
"Ang gag* mo talaga, gusto mo bang mamatay-
"Nandito na ako, kumportable sa yakap ng taong mahal ko. You're my home. The adventure I wanna take a risk." Putol nya sa sasabihin ko at hinigpitan ang mga bisig ko na nakayakap sa kanya. "Let's stay like this for a moment."
Gusto ko mang kumawala ng isip ko, iba naman ang gusto ng puso ko.
Imbes na magsalita pa, sinubsob ko nalang ang mukha ko sa likod nya.
----------------------------------------------------------------
Jacob
Nanggigil ako tuwing may nababalitang bagong boyfriend si Ruvee. Sigurado ka ba Jacob na iyan ang gusto mong makasama habang buhay?
I was scrolling on my facebook when a notifaction pops out.
"Ruvee updated her status"
I had this feeling that someone is looking at me from afar every single day. Matatakot na ba ako?
Nag log out na ako at bumalik sa inaaral. Malapit na din akong grumaduate, just a little more time maipagmamalaki ko na rin ang sarili ko, sa kanya.
"May syota na daw si Angelito." Narinig ko sa usapan ng mga babae kong kaklase.
"Yung bestfriend ng kapatid niya?" Tanong ng kausap nito.
Minsan nakakatulong din tong mga tsismosa . Hindi naman siguro si Ruvee?
"Hindi. Ayaw nya naman sa babaeng iyon. Masyadong easy go lucky. Tapos mukha pang sya ang naghahabol." At nagtawanan sila.
Pasimple kong tinitingnan ng masama ang mga babae kong kaklase. Wala kayong karapatang pagsalitaan sya ng ganyan.
Natigil sila sa pag uusap ng dumating ang prof namin. Buong klase ay si Ruvee ang nasa isip ko. Kumusta kaya sya? Is she hurt?
Isang paraan lang ang alam ko para malaman.
Dialing...
Bunso Amy
"Kuya. Anong masamang hangin nag nalanghap mo at tumawag ka?"
"I'm checking on my baby sister. How are you?" I tried to sound concern.
"I know you kuya, hindi ka tatawag kapag wala kang kailangan." Napailing nalang ako sa pinagsasabi ng kapatid ko.
Mag isip ka Jacob ng magandang palusot.
YOU ARE READING
MY MYSTERIOUS HEART STEALER
RandomTo love is to get hurt in the process. Too much love will put you in a way that sometimes you don't want it anymore. Brokenheart needs healing. So What if the things you keep denying strike your heart perfectly unexpected? Spin off stories Until We...