Chapter 13:

125 6 0
                                    

No homeroom classes, hintay pa kami ng 12:00 para sa next class!!

Enjoy reading guys!!

-----------------------------

Chapter 13:

Daniel's pov:

Tapos na ako sa preparations, paulit ulit kong sinasabi ang vow ko. im shaking actually, hindi ko alam pero talagang nanginginig ako kapag binabasa ko ang vow ko.

Katsumi: pare, suot mo na tung coat mo.

Ako: salamat.

Pinasuot sa akin ni katsumi ang coat ko, i am wearing a white suit.

Katsumi: nice one bregs!

Ako: nice two!

Katsumi: hahahah!!!

Inayos pa ng designer ang suot ko at pinunasan nung assistant ang sapatos ko, inayos ko ang buhok ko habang si katsumi naman umalis na at mauuna na daw sya sa venue.

Pumasok sa kwarto si kuya matt, kuya rj, kevin , kylie at ate bella, they were all smiles.

Ako: padilla clan is here!

Kuya matt: bro!

Nagmanly hug kami ni kuya matt pati narin ni kuya rj at kevin.

Ate bella: are you ready coz?

Ako: yeah, im ready.

Kylie: im so proud of you coz!

Ako: thanks kylie!

Naghug kami ni ate bella at kylie, i really feel their support. full force talaga sila dito sa wedding.

Kuya matt: before ka ikasal may gusto lang sana kaming ibigay na moment sayo.

Ako: ha?

Kuya rj: this is the perfect time for you.

Biglang binuksan ni ate bella ang pintuan at nakita ko si papa.

Ako: papa?

Papa: anak!

Lumapit si papa sa akin at niyakap ko sya. i missed my father so much.

Lumabas si kuya matt, kuya rj ,kevin ,ate bella at kylie.
Kaya pala sinabi nilang moment ko to kasi andito na pala si papa.

Ako: bakit di pa po kayo pumupunta sa venue?

Papa: pinapaalis mo na ako? ayaw mo na akong makasama?

Ako: pa hindi naman sa ganun!

Papa: gusto ko lang naman na makasama ka bago ka magpakasal anak.

I smiled, hindi parin nagbabago si papa, he is the same dad that i have. he is the most important person in my life before kathryn came.

Papa: parang dati lang karga karga lang kita kapag umiiyak ka , kinakantahan kita kapag papatulugin na kita, tapos nagbibike pa tayo sa park. hinahatid kita sa school, hihintayin kita sa nursery class mo, tapos ngayon ikakasal ka na, parang kailan lang, ang dumi dumi pa ng bibig mo dahil sa chocolate ice cream na trip natin kainin dati.

Ako: talas ng memory pa?

Papa: syempre!

Ako: parang kailan nga lang pa, nung umalis ka sa bahay halos hindi ako tumigil sa kakaiyak, sobrang lungkot ko nun, pero ngayon , im a man now pa!

Now and Forever (KathNiel Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon