HJLMTM 📷<3
CHAPTER 1:
Punong puno ng katahimikan ang lugar kung saan nakaburol ang puntod ng mga amo ko. Tahimik ko lang ding pinapanood ang mga mayayamang kaibigan nila na tahimik na umiiyak.
Napatingin ako sa kabaong nila Ma'am Hilda at Sir Aji, agaw pansin ang malakas na paghikbi ng kaisa-isang anak nila. Si Sir Hiro. Nakakaawa siyang tignan. Sa edad na bente singko, para siyang disisais kung umiyak.
Sa dalawang taon kong paninilbihan sa kanila ay kahit minsan hindi ko nakausap si Sir Hiro. Para talagang ang layo niyang abutin. At Ngayon? Ganyan pala siya kalakas umiyak. Nakakaawa.
"Jusko po! Ang batang yan, hindi pa kumakain. Dana, maari bang yayain mo siyang umuwi muna at maghapunan?" medyo nagulat ako sa sinabi ni Manang Tina.
Sa dalawang taon ko sa pamilyang ito, hindi nila ako inuutusan kapag si Sir Hiro ang usapan. Madalas ay ang mayordoma na si Manang Tina talaga ang umaasikaso pag dating sa kanya.
"S-susubukan ko po.." tugon ko dahil bawal tumanggi sa utos ni Manang Tina. Tumango lamang siya.
Ako naman ay dahan dahang lumapit Sa pinaroroonan ni Sir Hiro. Ng makalapit naman ako ay tinawag ko siya at bahagyag yumuko Kahit di pa siya nakatingin, bilan paggalang.
"Sir, pinapasabi po ni Manang Tina na umuwi daw po muna kayo at kumain." sabi ko.
Pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Ramdam ko ang mga tingin ng iba. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Gusto kong umalis sa pagkakayakap niya, pero sinasadya niyang higpitan iyon. Isinubsob niya pa ang buong mukha niya sa balikat ko at nagsabing
"Samahan mo ako, Dana" humihikbi siya ng sobra, nahagip naman ng paningin ko si Manang Tina kaya humingi ako ng tulong sa pamamagitan ng pagtingin sa kanya ng makahulugan. Pero tumango lamang siya, parang sinasabi niyang sumang-ayon na lang ako sa gusto ni Sir Hiro.
"Please.. Dana... pleasee.. come with me.." napakalungkot ng boses niya, nagmamakaawang samahan ko siya.
Pero may problema. Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya. Ingles kasi.
"Ihahatid ko po kayo Sir." tugon ko na lamang, para makaiwas sa kung ano pang sasabihin niya.
Nakahinga ako ng maluwag ng bumitaw na siya. Pinahid niya pa sa harap ko ang mga luhang walang tigil sa pag-agos.Nakatingin sa kanya o sa amin ang lahat ng tao dito sa punerarya. Nagtataka. Ngunit hinayaan ko na lamang.
Lumabas na kami doon, nakita ko si Kuya Tacio, ang driver ni Sir Hiro. Uupo Sana ako sa tabi ni Kuya Tacio, pero hinila ako ni Sir Hiro at umupo kaming dalawa sa likod ng kotse.
Bakit ganito ang ikinikilos ni Sir Hiro? Alam kong namatayan siya pero Bakit ako? Bakit sakin siya lumalapit? E mas malapit naman siya kay Manang Tina?
Hanggang sa makarating na kami sa Mansyon nila. Agad akong nagpaalam para ihnda ang makakain niya. Kami lang pala ang tao dito sa mansyon dahil yung ibang katulong nandoon sa burol.
Nakasunod lamang siya. Ng maihanda ko na ang pagkain niya ay bigla na lamang siyang nagdabog. Medyo nagulat ako sa ginawa niya at natakot.
Anong ginawa ko?
"Hindi ako kakain." malamig na aniya.
"P-pero po.. kailangan niyo po..halos buong araw na po kayong walang kain." nangangatal na sabi ko.
"Gusto ko ng matulog." malamyang sabi niya. "Pero di ko kayang magisa... Samahan mo ako... Dana" napako ako sa kinatatayuan ko.
"A-ano po?" natatakot na tanong ko.
"Kakain ako, pero Samahan mo akong matulog." aniya.
"P-pero po..."
"Samahan mo ko Dana, hindi ko kayang magisa." aniya at biglang umiyak