#18

68 3 0
                                    

HJLMTM📷❤
CHAPTER 18.
Hiro's PoV
Napapansin ko ang pagiging moody ni Dana, naiinis na ako kasi lahat na lang ng ginagawa ko mali.
"Ano ba Hiro? Pag maghuhugas ng mga pinagkainan, uunahin diyan baso hindi kutsara." siya pa ngayon ang iritado, naghuhugas na nga!
"Sus, mahuhugasan din naman yan." sagot ko na lang.
"Hiro! Pag mag lalaba, damit sa damit at short sa short. Bakit magkakasama ito?"
Dahil mahal ko, pinagpapasensyahan ko na lang.
Ngayon ito na ang pangatlong linggo namin sa farm. Every Sunday umuuwi kami ng mga kasamahan ko. Naging maganda ang takbo ng trabaho namin.
Sila mismo ang magtatanim ng mga prutas, sila din ang magaalaga, sila din ang makikinabangan.
Paniguradong tuwang tuwa sila Mommy at Daddy dahil hindi pala masasayang ang pinaghirapan nila.
Sa mansiyon din sila natutulog. Ang babait nila. Para silang magkakapamilya, Si Ate Neneng at Ate Nesa ang tagaluto at taga linis ng bahay. Si Mang Tope naman ang driver. Ginagamit na namin ang van kapag pauwi na kami at syempre pabalik din. Ambagan na lang sila sa gas.
Nilapitan ko si Dana kasi aalis na naman kami. Nakita kong nagbabalat siya ng mangga. Psh, lagi na lang yan umaakyat ng puno ng mangga. Minsan nga aakyat yan di na bumababa, humihingi ako nagdadamot!
"Aalis na ako," paalam ko.
"Kahit di ka na bumalik."
O diba?
"Dana?" tawag ko sa pansin niya. "Aalis na nga kami." pagpapaalam ko ulit.
"Sige, magingat kayo." sabay halik niya sa akin sa labi. Dahil don nawala inis ko.
Magkasabay kaming naglalakad ni Jomar habang kinukwento ko sa kanya ang pagiging moody ni Dana.
"Diba may nangyari na sa inyo? Baka buntis?"
Napastop ako sa paglalakad.
"Ganon kasi si Alice, lagi akong inaaway. Ganon daw pag buntis, kaya pinagpapasensyahan ko na lang." dagdag niya.
"Sigurado ka?" tanong ko.
"Malay natin?"
Biglang lumundag sa tuwa ang puso ko! Kung buntis siya? Paniguradong ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo!
"Tuloy natin ang plano.. excited na ako!" nakangiting usal ko.
Dana's PoV
Nagising ako at parang sinuntok ako sa sikmura kaya agad akong tumakbo papuntang banyo at sumuka. Arghhh! Araw araw na lang ganito!
May sakit na yata ako.. hinihintay ko lang si Hiro na umuwi para masamahan niya akong magpacenter. Hindi ko yata kayang maglakad e.
Ngayon na rin naman ang uwi nila. Siguro hihintayin ko na lang siya.
Ginawa kong busy ang sarili ko. Kahit masakit ang katawan ko ay naglinis ako ng bahay.
Dumating ang hapon at nakauwi na sila Jomar. Pero nalungkot ako ng wala si Hiro. Hindi raw Pero kailangan kong malaman kung may sakit nga ba ako o wala! Hindi pwedeng sumuka na lang ako araw araw!
Kaya nagpasama ako kay Jomar.
Nalaman ko na lang na wala pala akong sakit. Buntis ako. Tatlong linggo na akong buntis.
Di ko mapigilang maiyak! Napayakap ako kay Jomar.
"Paniguradong tuwang tuwa si Hiro niyan pag nalaman niyang magiging tatay na siya!" aniya. Nakaramdam ako ng lungkot.
"Pero nasaan siya?" malungkot kong tanong.
"Hindi ko din alam." sagot niya.
Napabuntong hininga ako.
Pangalawang araw at hanggang ngayon wala pa rin siya. Hindi ko kaya ang pagduduwal ko sa umaga. Ang sakit palagi ng katawan ko. Minsan di na ako nakain, at natutulog na lang ako. Alam kong nakakasama sa bata yun e, kaso di ko talaga nakakaya.
Ayokong magisip ng masama sa dalawang araw na wala si Hiro, pero di ko mapigilan e.
Biglang sumagi sa isipan ko kung bakit ko siya minahal. Yung mga salitang dahilan bakit ako nahulog sa kanya.
'Simula ng tumapak ka sa mansiyong ito ay sa akin ka na Dana.'
'Mahal kita kaya di kita pagtatrabahuhin.'
'Hindi ka magtatrabaho, hindi ka na katulong simula ngayon.... Alam kong natatakot ka, pero hindi ka dapat matakot, hindi kita ginagawan ng masama. Minamahal lang kita.... Alam ko ding mabilis, pero dalawang taon na kitang minamahal sa malayo. At paniguradong magagalit si Mommy kapag hindi naging tayo."
"Bakit ikaw? Sige magpapaliwanag ako. Unang araw mo sa mansyon, ikaw na agad ang nahagip ng mata ko. Iba ka sa mga babaeng kilala ko. Iba ang ganda mo. You looks like my mom... para kang si mommy ko..... Parang dati ako ang kinakabahan tuwing nakikita kita pero ngayon ikaw na. Wag kang matatakot o kakabahan.... Kung magdadahilan ka na katulong ka lang at anak mo ako ng amo mo. Alam ko na yan. Pero di ako tumatanggap ng rason... Kahit sabihin man nila o ikaw man ang nagsabi na hindi ka karapat dapat sa akin......Kaya please Dana, hayaan mo akong mahalin kita, maghihintay na lang ako sa pagmamahal mo....'
Napaluha ako ng sunod sunod. Asan na ba siya! Tinotoo niya kaya yung sinabi kong kahit di na siya bumalik?
'Hindi ka na aalis okay? Dito ka lang sa akin.'
Hayop ka Hiro! Pag ikaw di na bumalikkk!!

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now