#11

59 3 0
                                    

HJLMTM📷❤
CHAPTER 11
Dana's PoV
Hindi ko malaman kung anong maling ginawa ko bakit ganito ang nararanasan ko. Oo, wala akong pinag-aralan pero hindi ako karapat-dapat na babuyin!
Biglang bumalik sa akin ang alaala ng paglaruan ako ng magkapatid. Oo magkapatid si Lucas at Peter. Pero ang hindi ko matanggap ay nanay nila si Manang Tina. Paano ko nalaman? Habang binababoy ako ng dalawa? Nanunuod lang si Manang Tina. Nalaman ko na lang ng tawagin siyang 'Nanay' ni Peter.
Naalala ko bigla ang sinabi ng dalawang iyon.
_
"Hanggang kailan mo kaya ililigtas si Sir Hiro?" tanong ni Lucas. "Hangang kailan mo isasakripisyo ang sarili mo?"
Hindi ako makapagisip ng gagawin. Hindi ako makapagsumbong. Tinatakot nila akong papatayin nila si Hiro pag nagsumbong ako.
Inalis ko sa isip ko ang mga pangyayareng iyon. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga bulaklak. Dinidiligin ko ito ngayon.
Napaigtad ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin. Nanindig pa ang mga balahibo ko ng maramdamang may humalik sa leeg ko.
"Magandang umaga mahal ko." nawala ang kaba ko ng malamang si Hiro pala iyon.
"Magandang umaga." pagbati ko.
"Kamusta ang lagay mo?" tanong niya.
"Ayos lang." nakangiting sabi ko.
*tsup
0___0
Napatingin ako sa malayo. Bakit bigla bigla na lang siya nanghahalik?
"Ilang araw na ang nakakalipas pero nandiyan pa rin yang marka na yan." bumalik ang tingin ko sa kanya. Yung ngiti niya kanina nawala at biglang dumilim ang mukha. Napatingin ako sa marka na sinasabi niya. Hindi na siya mapula tulad ng dati pero may kaunti pa.
Bahagyang pumasok ulit sa utak ko kung paano nangyari yun. Nagngingilid na naman ang luha ko.
"Kung sana sinabi mo na lang kung sino ang gumagawa niyan sayo edi sana di na naulit yan! Nagmumuka na akong tanga kakaisip sa opisina kung okay ka lang ba dito, o pinagsasamantalahan ka na naman! Bakit ba ayaw mong magsalita? Bakit? Gusto mo ba ng pinauulit-ulit?!" napayuko ako at napakagat sa labi dahil sa bulyaw na iyon. Parang sinaksak ng paunti unti ang puso ko dahil sa salitang iyon. Napatawa ako ng mapakla.
"Ha! Sino bang taong kahit binababoy ka na nga pero gusto pang ulit-ulitin?" ani ko.
Di ko inaasahan na sa kanya ko pa maririnig ang mga iyon. Hindi ako galit. Naiintindihan ko siya. Pero sana ako rin intindihin niya. Kasi ako? takot lang ako na mawala siya.
Tumalikod ako at aalis sana pero hinila ako at niyakap.
"Im sorry, di ko sinasadyang sabihin yun. Im sorry, patawarin mo ko.." aniya. "Patawarin mo ko Dana, Mahal ko. Hindi ko sinasadya.." paguulit niya.
"Ayos lang." yun na lang ang nasabi ko.
"Hindi.. hindi.. Mali ako.. dapat di ko sinabi yun. Patawarin mo ko Dana.."
"Pinapatawad na kita."
Humiwalay siya ng yakap. Tinitigan ko lang siya habang parang batang nagpupunas ng luha gamit ang braso niya.
"Natatakot lang kasi ako na baka habang wala ako dito sa bahay ay ginagalaw ka na naman. Kung hindi mo rin naman sasabihin sa akin, patayin mo na lang kaya ako?" naiiyak na sabi niya. "Kasi pag nakikita kitang natatakot! umiiyak! nasasaktan! nahihirapan! parang sinasaksak ang puso ko. Pinapatay mo ako ng paunti-unti. Alam mo ba yon? Kaya nagmamakaawa ako... Dana.. Sabihin mo na...." napapikit ako dahil naluluha na rin ako. Pagmulat ko ng mata nakita ko sina Lucas at Peter na mga nakangisi. Maski si Manang Tina na nasa pintuan ng mansion. Nakamasid silang tatlo at parang natutuwa sa nasasaksihan.
Umatras ang dila ko. Napailing-iling na lang ako. Nakabantay sila san mang sulok ng mansion. Baka sa pagtalikod ko, nakahandusay na siya at naghihingalo.
"Dahil minahal kita, magtitiis ako para sa kaligtasan mo." usal ko.
"Dahil mahal kita, ayaw kitang napapahamak, Dana." Aniya.
"Hindi ako magsasalita."
"Dana...kaya ko ang sarili ko. Hindi nila ako kayang galawin... Please naman oh..."
Napatingin ulit ako kila Lucas. Tila nagbabanta ang mga tinginan nila. Naluha na lang ako at sumagot ng pailing.
'Hindi ko kayang mapahamak ka.'
"This is bullshit!" singhal niya.
Naiwan akong magisa sa hardin. Napatingin ako sa mga bulaklak na patuloy na namumunga. Pero kahit ang mga bulaklak ay di mapagaan ang loob ko.
"Sabi ko naman sayo, isang maling galaw. Patay lahat." lumuha ako ng sunod sunod dahil sa nagsalitang si Lucas. Nanginig sa takot ang buong katawan ko ng maramdaman ang labi niya sa batok ko.
Hindi ako makagalaw. Hinintay ko ang pagalis nila. Pero sa awa ng Diyos. Pinagbigyan ang katahimikan na hangad ko.
Nakapagdesisyon na ako.
Kailangan ko ng tapusin ito.
Hiro's PoV
Maingay ang paligid, malakas ang tugtugan. All the girls are dancing on the dance floor. Swaying their hips and they are already drunk. Pinapanood ko lang silang magkasiyahan habang umiinom ng alak.
Naramadaman ko na lang ang paghalik ni Mariel sa pisngi ko.
"Babe let's dance na kasi. Look at them! Sumasayaw na sila! Tayo na lang ang hindi----*Boogsh!" Napadaing ako sa sakit ng may malakas na sumuntok sa akin.
"WHAT THE FUCK ON EARTH ARE YOU THINKING?!" its Rusky. Galit na galit siyang humarap sa akin. Napakunot ang noo ko. Anong problema nitong ugok na ito?
"Tangina! Kanina ka pa kinocontact pero nasan na ang walang kwenta mong cellphone?! Puta! nandito ka lang pala at naglalasing habang nakikipaglandian samantalang yung sinasabi mong MAHAL NA MAHAL MO! NANDON SA HOSPITAL! NASAKSAK!" anas ni Rusky.
Bigla akong nabingi sa sinabi niya. Hindi ako makagalaw.
"A-anong sinabi mo?" nauutal kong tanong.
"Si Dana, nasaksak ng mga tarantado mong gwardiya! Kasabwat pa yung mayordoma niyo! Kingina Hiro? Nasan ka? Putcha, kung di mo naman pala siya kayang protektahan at magloloko lang rin naman sana ibinigay mo na lang siya sakin. Hindi niya deserves matrato ng ganito. At eto pa, nagaadik ka na rin palang hayop ka?"

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now