#12

64 3 0
                                    

HJLMTM📷❤
CHAPTER 12
Hiro's PoV
Lakad takbo ang gawa ko ng makarating ako sa pasilyo ng hospital. Hindi ako makatigil sa pagiyak.
Damn! Anong nagawa ko?!
"San ang room ni Dana Martinez?" agad kong tanong sa nurse.
"Wait lang po Sir... Ahmm... Nasa Room 27 na po siya"
Agad akong tumakbo papunta sa recovery, ang lakas ng tibok ng puso ko. Paniguradong hindi maganda ang mangyayari.
Ang tanga ko! ang laki kong tanga! Sa buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot. Napapraning na ako! Ang dami kong naiisip na pwedeng gawin niya pagnalaman niya kung anong katarantaduhan ang mga pinaggagagawa ko!.
Ang laki kong tanga! Bakit ngayon lang ako nagsisi?!
Nakita ko na yung room niya, agad ko itong binuksan. Napako ako sa kinatatayuan ko ng makita ko kung anong ginagawa ni Dana.
She's lying on the bed. May hawak siyang mga pictures, I saw her tears slowly falling down. Napatingin ako sa mga pictures na nasa baba. It was me...and... Mariel.. we're kissing at the office. Another thing, Me taking the drugs.
THIS IS BULLSHITTT!!
Agad akong tumakbo at pinulot ang mga pictures. Inagaw ko na din ang pictures na hawak ni Dana.

*PAK!
Lola slapped me!
"Look what you've done." malamig na sabi ni Lola. Hindi ako makagalaw. "Mamamatay na lahat lahat si Dana pero nasaan ka? Mararape na siya lahat lahat wala ka pa rin? Anong klaseng tao ka?"
Hindi ako makapagsalita. Walang salitang lumalabas sa bibig ko.
"At ano tong kagaguhan ang ginagawa mo ha?!Hiro?! Sa dinami dami ng pwedeng gawing bisyo bakit droga?! Ganyan ka ba pinalaki ni Aji? Ni Hilda? Anong klaseng nagmamahal ka?" patuloy ako sa paghikbi ngunit walang tunog, tanging luha lang. "Simula ngayon hindi na kita ituturing bilang apo ko! Ang kompanya, ang mansyon, ang beach resort, at ang farm na lang ang tanging pagmamay-ari mo. Hindi ka na makakahingi ng tulong mula sa pamilya ko. Ikaw na bahalang magpatakbo ng mga yon! Simula ngayon? Hindi na kita kilala." galit na usal niya at lumabas na ng kwarto.
Nanginginig na napaluhod ako sa harap ni Dana.
"P-patawarin mo ako.. p-patawarin mo ako..H-huwag mo rin akong iwan Dana pleasee.. p-patawarin mo ako.." mahina kong sabi, pero alam kong naririnig niya.
"Hindi ko alam kung bakit ko siya sinunod. Natukso lang ako, Im sorry kung nagpatukso ako... patawarin mo akoo!!" napalakas ang hagulgol ko.
"Saan ka nanggaling? Kasama mo ba siya?" napaangat ang tingin ko sa kanya. Hindi ako nakasagot. "Bakit ba ako nagtatanong? Malamang kasama mo siya, amoy alak ka at may marka pa sa pisngi." walang emosyon niyang sabi. Natauhan ako. Agad kong pinunasan ang pisngi ko. Shit! May lipstick pa! Napayuko ako sa hiya.
"Alam mo Hiro, ang buhay ay parang babasaging plato. Iniingatan yan para hindi mabasag. Minsan tinatago pa sa kabinet para lang hindi mabasag, ginagawa pa nilang pangdisplay yan at hindi na ginagamit kasi nga ingat na ingat." napatitig ako sa kanya. Ang seryoso niya, bigla niyang kinuha ang platong nasa lamesa at umupo sa harap ko. "Pero isang maling hawak mo lang *BLAGSHH!" napapikit ako sa gulat ng bitawan niya ang plato. "Basag agad. Durog. At wala ng pagasang mabuo ulit....Ganyan na ang buhay mo Hiro. Sirang sira na, at hindi mo na mabubuo ulit." nasaktan ako ng sobra. Natamaan ako sa bawat salita niya. Napaiyak ako ng sobra sobra. Tinakpan ko ng mga braso ko ang mukha ko.
"Pero pwede mo pang pulutin kahit durog na durog ka na. Pulutin mo, kahit di mo na mabubuo. Bumili ka na ng bago, pero sa susunod, ayusin mo na. Alagaan mo na ng hindi na mabasag ulit.... Isa lang ang ibig kong sabihin, Hiro. Magbago ka." may sinseridad sa bawat salitang sinasabi niya.
Akala ko magagalit siya. Akala ko sisigawan niya ako. Sasampalin, hahampasin,o sasaktan. Iba ang ginawa niya. Naalala kong iba nga pala siya sa mga babaeng nakilala ko.
Di siya tulad ng mga babaeng may pinagaralan, na kapag niloko aayaw agad. Sasaktan din nila ito tulad ng pananakit sa kanya. Pero siya hindi. Wala akong natanggap na kahit anong papanakit. Imbis ay encouraging words pa ang sinabi niya.
God! Bakit ko siya ginanito?
"Kung akala mong hindi ako galit? nagkakamali ka. Sobra pa sa inaakala mo ang galit ko. Tulad ka lang din nila na manloloko, wala kang pinagkaiba sa mga magulang ko Hiro." napapikit ako sa sobrang sakit. Hindi pasigaw pero mahinahon niyang sinabi iyon. Dapat lang! dapat lang na masaktan ako ng sobra! Mas sobra ang sakit na dinaranas niya.
Biglang may pumasok na ideya sa isip ko. Bigla akong natakot.
"I-iiwan mo ba ako?"
'Huwag mong sabihing oo!'
"Hawak mo ang buhay ko. Ikaw ang magdesisyon para sa akin."
"Magbabago na ako! Nagmamakaawa ako, huwag mo akong iwan.. Mahal na mahal kita.. Ikaw na lang ang meron ako. Pleasee...Dana?" napayakap ako sa bewang niya habang nakaluhod. Ibinaon ko ang mukha ko sa tiyan niya, ayaw ko siyang bitawan..
"Gagawin ko ang lahat! Magbabago ako para sayo! Para di mo ko iwan! Dana. Mahal na mahal kita.. mahal na mahal." nagsusumamong sabi ko.
Hindi ko lang kayang magisa at mabuhay ng wala siya.
"Magbago ka, hindi para sa akin. Magbago ka para sa sarili mo...." aniya.
"Mahal na mahal kita." paguulit ko.
A/N: Ang tunay na nagmamahal, handang masaktan📷💕

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now