#10

59 1 0
                                    

HJLMTM 📷❤
CHAPTER 10
Hiro's PoV
"Huminahon ka nga Hiro!" anas ni Lola.
Ibinagsak ko ang katawan sa sofa. Nandito kami sa living room. Lahat kami. Si Manang Tina, Lucas, Peter at Kuya Tacio at si Lola. Nagtatalo kami tungkol sa nangyari kay Dana kani-kanina lang.
At sinong hihinahon sa usapang ito!? Ginagago nila ako!
"Totoo po ang sinasabi ko, minsan na po naming nahuhuli si Dana na kinakausap ang sarili niya." ani Lucas.
"Minsan umaakyat siya ng puno ng mangga tapos may kinakausap." sabi naman ni Peter.
"Madalas din po siyang tumatawa mag-isa" sabi ulit ni Lucas.
"So anong gusto niyong iparating? Baliw si Dana? Ha!?" singhal ko.
"Iho, yan lang naman ang napapansin nila kay Dana." mahinahong ani ni Manang Tina. "Ikaw Kuya Tacio? Anong napapansin mo kay Dana?" tanong pa ni Manang Tina.
"Wala naman, nakikita ko lang siyang maglinis ng bakuran at minsan ay naaabutan pang kumakanta. Pero nitong mga nakaraan ay magkasama sila ni Madam Athena. Wala naman po akong nakikitang masama ron" ani kuya Tacio.
"I dont see anything wrong about Dana. She's perfectly fine." sabi naman ni Lola.
Mas lalong gumulo ang utak ko. Buti na lang tulog na si Dana. Hindi niya pwedeng makita ang side kong ito.
"Kapag nalaman ko kung sino sa inyo ang naghaharass kay Dana, ako ang makakalaban niyo. Kilala niyo ako, alam niyong baliw ako at sira ulo. Hindi niyo magugustuhan ang gagawin ko kapag si Dana ang gagalawin niyo." galit kong sabi. "Sa bahay na ito ako lang ang baliw dito." ani ko at nilayasan sila.
Pumunta ako sa kwarto kung nasaan si Dana. That kiss mark on her shoulder makes me more angry. Yan yung sobrang ikinagalit ko, may marka siya sa balikat. Pinagsasamantalahan siya dito sa bahay. Isa sa kanila ang nagsisinungaling. Kaya hindi ako naniniwala sa dalawang yun na nababaliw si Dana. I have proof. Pero may pakiramdam na ako kung sino.
Napaismid ako ng maalala ko ang sinabi ko. Ako lang ang baliw dito.
Bumalik na naman ba ako sa dati? Nababaliw na naman ba ako? Napailing ako. Hindi dapat. Magaling na ako e.
"Hiro, apo." napalingon ako ng pumasok si Lola.
"Lola."
"Kamusta siya?" tanong ni Lola.
"She's not fine." galit kong sabi. "Look, pinagsasamantalahan siya dito Lola. Look at her shoulder! May kiss mark! Tapos kanina takot na takot siya! That table and that cabinet? Nakaharang yan kanina sa pintuan. Ni hindi na ako makapasok kahit di naman nakalock. She keeps on telling me na umalis kami dito! Ayaw niya ring sabihin kasi papatayin daw nila ako.Ayokong nakikitang ganito si Dana,Lola, ako yung nasasaktan e." sabi ko, naramdaman ko na lang ang sarili ko na lumuluha habang hinihimas ang noo ni Dana.
"You should find him as soon as possible. Kasi kung hindi? uulit at uulit lang ang pangyayaring ito. Dana is a good person. Hindi dapat niya nararanasan ang ganito." ani Lola.
"Lola, nababaliw na naman yata ako. Natatakot akong may magsamantala na naman sa kanya. Gustong gusto ko ng mahuli yung hayop na yun! Ayoko siyang sinasaktan ng kahit na sino. Ayoko siyang hinahawakan ng kahit sino. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Ayoko siyang nakikitang takot na takot! Gusto kong patayin yung taong yun!" galit at naiiyak kong sabi. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Lola.
"Hindi ka baliw. Pero wag mong iisiping pumatay. Hindi magugustuhan ni Dana yan." pag-aalo ni Lola.
"Pero yun ang nararamdaman ko. Sa tuwing nasasaktan siya nagiinit ang pakiramdam ko, hinahabol ng paningin ko yung mga taong nananakit sa kanya."
"Iwasan mong magisip na ganyan kung ayaw mong bumalik sa mental."
Nanatili ako sa tabi ni Dana. Hindi ako makatulog. Gusto ko siyang bantayan buong magdamag. Hindi mawala sa isip ko yung sinabi sa akin ni Lola.
Ayoko ng bumalik doon. Hindi ko gustong iwan si Dana. I shook my head. Hindi na ako babalik doon.
~*~
Masama ang loob ko. Iniwan ko kasi si Dana kay Lola. Pero kailangan din ako ngayon sa opisina. Sabi ni Dana unahin ko muna yung mga meetings na pupuntahan ko. Kaya na raw niya ang sarili niya.
Muntikan pa kaming mag-away kanina. Ayaw niya talagang sabihin sa akin kung sino ang gumawa nun sa kanya. Hindi ko na pinilit, dahil baka masigawan ko pa.
"Meeting adjourn" sabi ko ng matapos na. Mabilis akong pumunta sa office ko. At ibinagsak ang sarili sa swivel chair.
"Sir Hiro. I just want to tell you that that's your last meeting for today." napahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi ni Mariel. Makakapagpahinga na rin ako.
"God, good!" ani ko.
"Bad mood sir?"
"Kind of"
Napakunot ang noo ko ng sumandal siya sa lamesa ko. Hindi ko malaman kung nangaakit ba siya o hindi. Medyo lumuluwa na kasi ang dibdib niya.
"You know what Sir Hiro, pag badmood ako may ginagamit ako na nakakapagparelax sa akin." aniya sa malambing na boses.
"Huh?"
"I always use this, to lighten my mood." aniya sabay may pinakita siyang sachet na parang tawas? Wait..
"Its that a drug!?" nanlaki ang mata ko. She's using a drug?!
"Ohh, mukhang inosente ka Sir. Hahaha. Anyway, baka gusto mo lang, lalo na't bad trip ka." she said then let out a sweet chuckle.
"Im not going to use that." iling iling ko.
"Hahah why not try to use it? Pampasarap ng pakiramdam." nangaakit niyang sabi.
"No.."
"Just try."
Napakagat ako sa labi. She slowly hand me the drugs. Nakita ko na lang ang sarili ko na kinuha iyon.
"Very good. Sir Hiro. try it.."
Parang nahihipnotismo ako ng malambing niyang boses at maya-maya ay tinitikman ko na ng paunti-unti.
Kalaunan, napapansin ko na rin ang sarili kong inuulit ulit iyon. Mas nagkasundo kami ni Mariel.
And I didn't know that , that was the wrong decision I ever made in my whole life.

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now