#5

88 2 0
                                    

HJLMTM 📷<3
CHAPTER 5.
Hiro's PoV
Nalungkot ako ng walang bumungad sa aking Dana. Kagabi gusto ko siyang makatabi but Manang Tina didn't agree. Dana is still confuse raw at masyado daw akong mabilis. Mas lalo daw siyang matatakot sa akin.
I sighed.
Bumangon ako sa pagkakahiga. First day ko sa kompanya. Hindi ko bibiguin sila Mommy and Daddy. Yung sinimulan nila, papalaguin ko pa. And for Dana also.
Bago ako makarating sa kusina naririnig ko ang usapan nila Dana At Manang Tina.
"Magpaalam ka kay Hiro. Hindi sa akin." ani Manang Tina. Napakunot ako ng noo, tungkol saan?
"Pwedeng kayo na lang po?" sabi naman ni Dana.
"Bakit ka pa kasi maghahanap ng trabaho? Hindi pa ba sayo ayos ang buhay dito? E kung tungkol yan kay Hiro kaya mo gustong umalis ay mas lalong hindi papayag yun!" anas ni Manang Tina.
Ako naman ang kinabahan. Bakit aalis si Dana? May nagawa ba ako? Sinaktan ko ba siya? Pero kailan?
Pumasok ako sa kusina. Kita ko na naman ang kaba sa mukha niya. Pero nginitian ko siya, baka sakaling mawala ang kabang nararamdaman niya.
Hinila ko siya palabas ng kusina at dinala sa malawak na garden ni Mommy. Tumambad sa amin ang napakaraming puno at bulaklak.
Hawak-hawak ko siya sa kamay. Mas lalo ko lang hinihigpitan yun kapag pinipilit niyang alisin.
Her hand looks perfect in my hand.
"Bakit ka aalis Dana?" panimula ko.
"Maghahanap po ako ng trabaho" tugon niya.
Napakagat ako sa labi. Namayani ang katahimikan.
I cupped her face. I slowly put my lips on her's . Naramdaman ko ang pagkagulat niya. Bumitaw agad ako sa pagkakahalik.
"Mahal kita kaya di kita pagtatrabahuhin." nakangiti kong sabi. Pero unti-unting tumutulo ang luha niya.
"B-bakit niyo po ginawa yon?!" naiiyak niyang sabi.
"Kasi mahal kita." tugon ko.
"H-hindi.. hindi mo po dapat ginawa yon!" napamulgat ako sa pagtaas ng boses niya. Marahas niyang inalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya at aalis na sana pero hinila ko ang braso niya at niyakap siya.
"Dana.. makinig ka sa akin..." panimula ko.
"B-bitawan niyo po ako.." usal niya.
"Hindi ka magtatrabaho, hindi ka na katulong simula ngayon.... Alam kong natatakot ka, pero hindi ka dapat matakot, hindi kita ginagawan ng masama. Minamahal lang kita.... Alam ko ding mabilis, pero dalawang taon na kitang minamahal sa malayo. At paniguradong magagalit si Mommy kapag hindi naging tayo."
"Bakit ikaw? Sige magpapaliwanag ako. Unang araw mo sa mansyon, ikaw na agad ang nahagip ng mata ko. Iba ka sa mga babaeng kilala ko. Iba ang ganda mo. You looks like my mom... para kang si mommy ko..... Parang dati ako ang kinakabahan tuwing nakikita kita pero ngayon ikaw na. Wag kang matatakot o kakabahan.... Kung magdadahilan ka na katulong ka lang at anak mo ako ng amo mo. Alam ko na yan. Pero di ako tumatanggap ng rason... Kahit sabihin man nila o ikaw man ang nagsabi na hindi ka karapat dapat sa akin......Kaya please Dana, hayaan mo akong mahalin kita, maghihintay na lang ako sa pagmamahal mo...."
Napangiti ako. Yung tinatago ko ng dalawang taon nasabi ko na rin. Nakahinga ako ng maluwag.
"Hindi ka na aalis okay? Dito ka lang sa akin." humiwalay ako sa pagkakayakap. Nakatulala siya ng humarap sa akin.
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan sa labi.
~*~
"Bakit nakangiti ang pamangkin ko?" bungad sa akin ni Tita Jade pagpasok ko sa opisina.
"Im just happy Tita" sabi ko.
"Magandang bungad yan para sa unang araw mo sa kompanya." Tita said and smile.
"Right."
Pinakilala ako ni Tita Jade sa mga emplayado, sa board, sa lahat ng taong parte ng kompanya bilang bagong CEO. Tinuruan niya ako kung paano ang gagawin. Sa mga investors, sa board, sa mga papeles. Medyo mahirap at hindi madali tulad ng inaasahan ko.
"Hiro, this is Marielle Manzano. Your new secretary." sabi ni Tita. Napatingin ako sa babaeng naka formal dress. She's beautiful and tall. Mukha siyang mabait.
"Hiro Rosales. Nice to meet you."
"Mariel po."
"Alright, Magaling itong batang ito. Sekretarya ko to dati, pero ibibigay ko na sayo. Hahaha. Kailangan mo ng sekretaryang katulad niya, masipag at matiyaga" ani Tita. Natawa lang din ako.
"Salamat Tita." sambit ko.
Nagsimula akong magtrabaho. Maraming pinapirmahan sa akin si Tita Jade. Bawat papeles ay ini-explain niya sa akin. Naging busy ang unang araw ko, ganado rin akong magtrabaho.
Hanggang sa maggabi na. Excited ulit akong umuwi. Makikita ko na si Dana. Pero sana paguwi ko, hindi na siya naiilang sa akin.
Naalala ko na naman yung paghalik ko sa kanya. Napakalambot non at para bang ayaw ko ng bitawan.
Nakangiti akong nagdadrive pauwi. Hanggang sa makarating ako sa bahay. Walang bumungad na Dana sa akin, wala siya sa bahay. Kinabahan ako. Nasaan yun?
"Manang? ... Manang?!" kahit si Manang Tina ay hindi ko makita.
"Iho! nandito ako sa likod ng bahay!" ng marinig ko iyon ay agad akong pumunta sa likod. Nakita ko doon si Manang Tina, nagaayos sa garahe.
"Nasaan si Dana?" agad kong tanong.
"Umalis siya."
"ANO?!"
"Nasa farm siya, wag mo kong sigawan." ani Manang Tina. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko umalis talaga siya.
"Sorry.. pero siya lang ba magisa Manang?" tanong ko.
"Kasama niya sina Peter At Lucas, pinapipitas ko ng ubas at strawberry. Wala na tayong stock e." tukoy sa dalawang body guards namin. "Alam ko namang magagalit ka kapag magisa lang na lumabas si Dana, kaya pinasamahan ko kila Lucas."
Grapes farm at Strawberry farm na pinaghirapan nila Mommy and Daddy. Mom's favorite is strawberry while dad's favorite is grapes. Itinayo yon malapit sa mansion kaya walking distance lang.
"Pauwi na ba sila? Its already late." eight na ng gabi. Bakit naman inabot sila ng gabi? "Susunduin ko sila." sabi ko at naglakad.
Pero kakarating ko pa lang sa gate ng dumating sila. Sumama ang mukha ko. Nakasakay si Dana sa likod ni Lucas. Natutulog siya sa balikat nito.
"Anong ginawa niyo sa kanya?" galit kong tanong.
"S-sir, muntik na pong gahasain ng isa sa mga nagtatrabaho sa inyo si Dana kanina po.. pasensya na po.. humiwalay po kasi siya sa amin... hinanap po namin siya... pero nakita na lang po namin siyang nakasalampak sa lupa, habang hinahabol nung lalake." pagdadahilan ni Peter.
Mas lalong lumala ang galit ko. Marami akong nakitang galos sa braso ni Dana at maputik ang damit niya. Kinuha ko siya at binuhat ng parang bagong kasal. Ngunit biglang nagising siya.
"W-wag poo.. Bitawan niyo po akoo..." aniya habang nagpupumiglas. Pero mas hinigpitan ko ang pagkakabuhat sa kanya.
"Shhh.. Dana.. Si Hiro to.." pag-aalo ko. Patuloy siya sa paghikbi, "Nasa bahay ka na, wag ka ng matakot. Safe ka na."
Dinala ko siya sa kwarto ko. Pinakuha ko si Manang Tina ng pamunas at first aid kit.
"Jusko.. kawawa naman ang batang ito! Bakit ba kay dali na lang sa mga ganoong tao ang mangharas?!" nangagalaiting sabi ni Manang Tina.
"Sa susunod wag mo ng palalabasin ng mansyon si Dana. Kumuha ka na lang ng bagong katulong." utos ko sa kanya. "Papatayin ko kung sino man mo ang gumawa nito sa kanya" galit kong sabi.
"Hiro,anak. Wag kang ganyan. Hindi magugustuhan ni Dana yan." sabi ni Manang Tina.
"Papatayin ko siya dahil pinagsamantalahan niya si Dana! He needs to die! Hindi dapat ginaganito si Dana!" singhal ko.
"Kung gusto mong makasama si Dana, huwag kang magsasalita ng ganyan.." sabi naman niya.
I shake my head. She's right. Hindi dapat ganoon ang iniisip ko. Baka iwan ako ni Dana.

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now