#13

68 3 0
                                    

HJLMTM📷❤
CHAPTER 13.
Dana's PoV
Gusto kong magalit pero mas pinili kong manahimik. Gusto ko siyang suntukin, sampalin, kasi naniwala ako. Ako yung babaeng napuno ng AKALA. Pero ayos lang, dahil mahal ko siya, patatawarin ko pa rin.
Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan habang siya naman ay aligagang nagluluto. Ayaw niya akong pakilusin. Pagsisilbihan niya raw ako sa araw na ito. Babawi raw siya. Simula paggising ko ganyan na siya.
Wala ng ibang tao sa malaking bahay na ito kundi kaming dalawa na lang. Si Kuya Tacio pinaalis na ni Lola Athena.
Alam ko na rin ang kalagayan niya. Alam kong may sakit siya kaya siya ganyan. Isa pang dahilan kung bakit hindi ko siya dapat iwanan. Alam kong hindi niya kayang magisa, lalo na't wala na siyang ibang pamilya. Tinakwil na siya ng lola niya. Pero ang naging desisyon ko? Hindi ko siya iiwan. Idineklara ko na ang sarili ko sa kanya.
Siya na may hawak neto dahil siya? Sobrang pagmamahal ang ibinigay niya sa akin. Samantalang ako, di kasing tayog ng pagmamahal niya ang pagmamahal ko sa sarili ko.
"Kakain na tayo!" masayang ani niya. Mataman ko lang siyang tinitignan. Nakangiti siyang naghahanda. Tila ba'y gustong gusto niya ang ginagawa niya.
Mahal niya naman pala ako, pero bakit nambabae siya? Siguro nadala lang ng droga. Nakita ko yung babae, maganda e. Ang layo layo ko sa kanya. Hindi na nakakapagtaka kong bakit niya nagawa yun.
Pero ako yung pinili niya. Ayos na ako don.
"Tikman mo." sabi niya tapos itinapat ang kutsara sa bibig ko. "Ako na. Tikman mo lang" aniya pa dahil sinubukan kong kunin ito sa kanya, pero di ako hinayaan at siya na ang nagsubo. Tinanggap ko na lamang iyon.
"Alam mo Dana, namimiss na kita" napakunot ako ng noo. Maliban sa malungot na boses ay nagtaka ako. Alam ko ang ibig sabihin ng namimiss. E bakit niya sasabihin yun e magkasama na kami buong araw?
"Alam mo kung bakit? Oo magkasama tayo pero parang wala ka dito.... Dana, nasaakin ka pa ba? Ano pa bang dapat kung gawin? Sabihin mo naman. Natatakot na ako kasi baka sa susunod na paggising ko wala ka na sa tabi ko. Napapraning ako buong gabi kakaisip na baka umalis ka at iwan mo ako." tila nanghina ang puso ko ng makitang umiiyak siya. Bahagya akong nangamba ng bigla siyang tumawa.
"Hahaha! Paano mo nga ba ako mapapatawad pagkatapos ng mga ginawa ko sayo? Niloko kita! Nagdodroga ako! Nambabae! Dapat naman talaga akong huwag patawarin! Dapat sakin pinapatay kasi sinaktan ko yung babaeng mahal na mahal ko!" umiiyak siya pero may mahinang pagtawa. Mas lalo akong kinabahan.
"Hiro. Pinapatawad na nga kit----"
"Dapat ganito ginagawa sa akin e----"
"HIRO!--Awww!" Napadaing ako sa sakit ng agawin ko ang kutsilyong hawak niya. Nagtangka siyang gilitan ang braso niya pero iniiwas ko iyon sa kaniya kaya ako ang nadaplisan. Agad na dumugo ang gilid na bahagi ng braso ko.
"Dana! Sorry! sorry! Di ko sinasadya!! Huhuhuhu.. Ang tanga tanga koo!! Sinaktan na naman kita!! Arghhh!" Napayakap na lang ako sa kanya dahil hinahampas niya ang sarili niya. Kahit nagdudugo ang braso ko ay hinayaan ko na lang iyon. Ang mahalaga si Hiro.
Basta kahit anong mangyari, di ko siya iiwan.
"Tama na Hiro. Pinapatawad na nga kita.." pigil na iyak kong sabi. Magiging matapang ako para sa kanya. Ngayon ako naman ang lalaban para sa kanya.
"Bakit di mo ko kinakausap? Bakit di mo ko pinapansin. Sabi mo sa akin mahal mo na din ako! Bakit si Rusky na ba? Ha? Dana? Magpapakamatay na lang ako!" hagulgol niya. Bumigat lalo ang dibdib ko. Ayoko siyang naririnig ng ganyan!
"Akala ko ba mahal mo ako? Bakit mo ko iiwan? Kung magpapakamatay ka, paano ako?" ipit na boses ko. "Kung mahal mo ko, hindi mo iisiping magpakamatay. Ayokong iwan mo ako magisa. Mas lalong hindi kita mapapatawad." naramdaman kong huminahon siya. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang braso ko. Nagbago ang ekspresyon niya. Yung takot na takot biglang naging maamo.
"Hindi na ako magiisip ng ganon! Hindi kita iiwan!.. Halika sa taas! Gagamutin kita." aniya. Napangiti na lang ako.
'Alam kong gagaling ka pa. Handa akong tumulong sa pagusad mo. At kung sakaling kaya ko ng mahalin ang sarili ko. Baka mas sobra pang pagmamahal ang ibigay ko sayo' sabi ko sa isip ko.
Dinala niya ako sa kwarto niya. Mabilis niyang inihanda ang mga gamot, alam ko first aid kit ang tawag don. Kumuha siya ng plangganang may tubig. Nilapag niya sa may lamesa sa gilid ng kama niya. Hinayaan ko siyang gawin ang gusto niya. Nakatitig lang ako sa ginagawa niya. Walang nagsasalita kahit isa sa amin.
Pero nagulat ako ng kumanta siya.
"Hawakan mo ang aking kamay..
At tayong dalway maghahasik ng kaligayahan.
Bitawan mo unang salita.
Ako ay handa ng tumapak sa lupa.."
Napatulala at napatitig sa kanya. Hindi ko alam na maganda ang boses niya.
"Tapos na ang paghihintay.
Nandito ka na,
oras ay hinihiling, magdahan-dahan
Sinasamsam bawat gunita.
Na para bang tayo'y di na tatanda.."
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkislot sa dibdib. Tumingon siya sa akin at nginitian. Maingat niyang nilalapat sa balat ko ang bulak.
"Ligaya ay nasa huli
sambit ng iyong mga labii..
Parang isang panaginip..
Ang muling mapagbigyan.
Tayo'y muling magsasama.
Ang dati ay balewala..
O kay tagal kitang hinintay.
O kay tagal kitang hinintay.."
Sa pagtapos ng kanta niya ay siya ring pagtapos niya sa pagtapal ng sugat.
Nakangiti siyang tumingin sa akin.
"Napapraning na naman ako nitong mga nakaraang araw. Alam kong mas nakadagdag pa sa sakit ko ang drugs. Sising sisi talaga ako sa mga ginawa ko Dana. Nababaliw ako sa mga hindi ko malamang dahilan. Pero magpapagaling ulit ako. Kung gusto mo, magpaparehab ako o kaya sa mental. Tapos babalik ako sayo magaling na magaling na!" napakagat ako sa labi. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag umiyak dahil sa mga sinasabi niya. "Alam mo sa totoo lang, nagmadali lang ako lumabas sa mental noon kasi gusto na kitang makasama. Akala ko kasi okay na ako. May konting sabit pa pala. Hahaha. Ano sa tingin mo? Maganda yung naisip ko diba? Para pag bumalik ako sayo, maayos na ako, hindi na ako baliw o praning!" aniya habang Inaayos niya ang ilang hibla ng buhok ko at inilalagay sa gilid ng tenga ko.
Umiling ako bilang sagot.
"Hindi. Dito ka lang. Huwag kang lalayo sa akin. Magpagaling ka kasama ako."
"Pag magaling na ako, pwede na ba kitang pakasalan?"
Napangiti na lang ako dahil sa abot langit niyang ngiti.

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now