HJLMTM📷❤
CHAPTER 14
Hiro's PoV
Its sunday morning. My sleep went well because I woke up with Dana on my shoulder, peacefully sleeping. I have plans today. I want to go out of this house with Dana. Nakakalungkot dito sa bahay. Malaki nga pero wala namang laman.
But I know someday this house will be full... full of kids.
I smiled at my thoughts. And look at Dana who is busy brushing here shiny long hair.
"Ako na." sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Naamoy ko kaagad yung Danang kahit di nagpapabago mabango pa rin.
She let me comb her hair.
"Punta tayong farm. Bisitahin natin yung farm." saad niya.
I smiled bitterly. Wala ng bantay ang farm. Pinaalis na ni Lola. Paniguradong malulungkot si mommy and daddy. Pinaghirapan nilang buuhin yun. But then, sinira ko.
Sumangayon na lang ako sa gusto ni Dana. I was planning to bring her to the mall. But I realized na she's not the typical girl who loves shopping and hanging out.
Pero pagkababa namin ng kwarto sumalubong sa amin si Tita Macy and Rusky. Agad sumama ang timpla ng sistema ko. Bakit sila nandito?
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa, Hiro. I want you to sign this paper." sabi niya sabay abot ng folder.
"For what?"takang tanong ko.
"Kukunin ko na ang kompanya KO. Sign those papers at aalis na kami" Nagpintig ang tenga ko. Anong sinabi niya?
"Ano? titignan mo na lang ba ako?"
"No?! Hindi ako pipirma. Its my parent's company not yours!" singhal ko.
"Sa akin dapat ang kompanya. Inagaw lang sa aking ng bida bida mong ama!"
Mas lalo akong nainis. How can she say those words to his brother?! Naramdaman ko ang kapit sa akin ni Dana.
"Huminahon ka lang" bulong niya.
Napapikit ako sa inis. Kung wala lang sana dito si Dana, paniguradong nasungalngal ko na siya.
"Mamimili ka na lang. Ang kompanya o si Dana?" mas lalong nagpintig ang tenga ko.
"W-what?!" naguguluhang tanong ko.
"You know, my son Rusky likes Dana. I don't know kung ano bang meron sa hampaslupang yan at gustong gusto niyo siya. But its my son's wish. Kahit di ko gusto para sa kanya, ibibigay ko na lang." aniya.
Naramdaman ko ang pagbitaw sa akin ni Dana. I closed my fists. Hindi na ako natutuwa.
"Just choose Hiro. Sign those papers or Dana?"
Napatingin ako kay Dana. She's about to go but I stopped her. How will I choose? That's my parents company, dugo't pawis ang inilaan nila sa kompanyang iyon. But Dana is not an exchange gift!
I look at Rusky. He's grinning. Tila natutuwa sa mga nangyayari. They planned this very well.
'Sorry mom, sorry dad. Pero I'll choose Dana.'
Hinalbot ko sa kanila ang papel na pipirmahan. Pinirmahan ko ng padabog at para mas lalong makita nila kung gaano ako galit na galit ay nilukot ko ito sa harap nila. At inihagis sa labas ng pintuan.
"What the fuck?" iritadong sabi ni Rusky. I smirk at itinuro ang labas ng pintuan kung saan ko itinapon ang papel.
"Ayan! ayan ang itinuro sayo ng Ama't Ina mo! Walang modo! Bastos!" singhal ni Tita Macy.
"Bagay lang yan sa mga mukhang pera katulad mo." ani ko. "Napirmahan ko na, ano pang ginagawa niyo dito?" sarkastiko kong tanong.
Padabog silang umalis sa loob ng mansiyon. Nakahinga na ako ng maluwag. Ibinagsak ko na lang ang sarili ko sa sofa.
This is getting worst and worst...
Parang gusto kong umalis sa lugar na ito. Yung malayo sa syudad. Malayo sa ganoong tao. Gusto ko doon sa lugar kung saan mapayapa. Mas lalo akong naghihina.
"Bakit di ang kompanya ang pinili mo. Pinaghirapan yun ng mga magulang mo."
Napatingin ako kay Dana. Alam ko kung gaano nila pinaghirapang palaguin ang kompanya. Alam ko kung gaano sila kadedecated sa trabaho nila. Nakita ko kung paano sila magpuyat matapos lang ang gawain. Pero nawala na lang ng parang bula.
"Kaya kong bitawan lahat, huwag lang ikaw."
Tila nabunutan ako ng tinik sa puso. Napipikon ako pag may gustong kumuha kay Dana. Sana lang talaga, pwede ko na siyang pakasalan ngayon. Para wala ng umangkin.
Hindi siya sumagot. Pero nagsalita pa rin ako.
"Dana.. Gusto kong lumayo sa lugar na ito.... sa malayo... kung saan wala akong kakilala... Tayong dalawa lang.. "
"Dadalhin kita sa amin. Kung yan ang gusto mo."
Dumating ang araw na aalis kami. Kinakabahan ako and at the same time excited. Paano kung mameet ko ang mga parents ni Dana?. Alam ko kung anong dinadanas ni Dana sa kanila.
Sinabi na rin sa akin ni Dana kung ano ang dapat iexpect sa lugar niya. Hindi siya kasing gara ng sa amin. Sira sira na raw iyon ng umalis siya.
But I dont care! It doesnt matter if we live in just a small hut. As long as Im with her.
Binigyan ko ng huling sulyap ang Mansion. Mamimiss ko ito. Kumirot ng kaunti ang dibdib ko. Hindi ko man lang nagawang makapunta sa puntod nila Mommy at Daddy. Nakalimutan ko na, pero di ko sinasadya. Natabunan na kasi ang utak ko ng mga problema.
We didn't use my car. Dana said that it'll be better if we ride a bus. Hindi na kami namroblema sa pera. Meron pa naman ako non sa bank account ko. May ipon din daw si Dana. Kay medyo malaki ang dala naming pera.
Kahit hindi ako sanay sa siksikan ay nakipagsapalaran ako sa terminal. Naging shield ako ni Dana sa mga natutulakang mga tao. It takes hours for us para makasakay. And finally,naka-upo na kami, nasa gitna kami nakapwesto ni Dana.
Napasandal ako sa sandalan at napapikit sa pagod. Nakakapagod ang makipagsiksikan sa terminal. Di ko alam kung paano nakakayanan ni Dana yon.
Naramdaman ko nalang na pinupunasan ako ni Dana ng pawis. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.