#7

65 2 0
                                    

HJLMTM 📷❤
CHAPTER 7.
Dana's PoV
Tatlo! Tatlong beses na naman niya akong nahalikan, at nandito ako sa punong pinangyarihan non. Pahinga ko at dito ako napadpad sa puno ng mangga. Napatingin ako sa itaas at biglang pumasok sa isip ko ulit yung mga pangyayaring yon.
Kanina, kitang kita ko kung gaano siya kasaya. Hindi niya na rin ako hinahayaang matulog mag-isa.
"Gusto ko ikaw ang makikita ko simula pagtulog hanggang sa paggising ko kaya dito ka na matulog sa tabi ko." aniya kagabi.
Napangiti ako. Hindi ko inaasahan ito. Kung totoo man ang nararamdaman ni Sir Hiro, sino ba naman ako para tumanggi. Tatrabahuhin ko. Pero sana hindi siya katulad ng iba. Na naglalaro lang kasi hindi ako magaling doon.
Maya-maya ay biglang nakita ko sila Kuya Lucas at Kuya Peter. Bigla akong nanginig sa takot, papalapit sila dito.. biglang nanghina ang tuhod ko. Naalala ko na naman ang gabing yun, naramdaman ko ang panunubig ng mata ko.
"Hi Dana!" bati sa akin ni Kuya Lucas.
"Hahaha, bakit ka umiiyak? Wala pa nga kaming ginagawa e." tawa-tawang ani ni Kuya Peter.
Gusto kong tumakbo, pero wala akong takas. Bakit sila ganito? Bakit may mga taong ganito?
"Ang ganda ganda mo talaga Dana... hindi na kataka taka na baliw na baliw sayo si Sir Hiro." usal ni Kuya Lucas. Napailag ako ng hawaiin niya ang buhok ko.
"Maganda na, sexy pa. Tch. Malaki pa hinaharap at matambok ang pwet. Malamang, kahit sino naman gugustuhin ang ganyang babae." dagdag pa ni Kuya Peter.
Napakagat ako sa labi. Hindi ko inaasahang gagawin nila ito. Itinuring ko silang mga kuya, naging malapit ako sa kanila. Yun pala may lihim na pagnanasa na pala sila sa akin.
"Panigurado, yun lang naman ang nagustuhan ni Sir Hiro sayo..... Alam mo Dana? maganda ka lang pero wala ka neto" ani Kuya Lucas sabay turo sa sintido ko. "Hindi ka nun mamahalin kasi mahirap ka lang! Walang pinag-aralan, uto-uto. Kaya wag na wag kang magilusyon. Hindi ka nararapat sa kanya.. Pero alam mo kung saan ka nararapat?" tuloy tuloy ang pagluha ko dahil sa mga sinasabi nila. Biglang bumaba ang tingin ko sa sarili ko.
"Sa Kama!" sagot ni Kuya Peter sa tanong ni Kuya Lucas.
"HAHAHAHA!"
"Aww, kahit umiiyak ka, maganda ka pa rin!" inilag ko ulit ang mukha ko ng tatangkain pang hawakan ni Kuya Lucas ang mukha ko.
"Pero isa lang ang tatandaan mo, Dana. Subukan mong magsumbong kay Sir Hiro, papatayin namin siya." sabi pa niya at umalis.
Nanghina ako ng sobra. Di ko alam ang gagawin ko. Wala akong lakas ng loob. Sobrang walang kwenta ko.
Hindi ko kayang ipaglaban ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano e.
Kinalimutan ko ng sandali ang mga nangyari at sinabi nila. Kahit masakit sa dibdib, babalewalain ko na lang. Alam kong may kalalagyan din sila. Ipagdadasal ko na lang siguro sa Diyos na wag na nilang gawin ulit sa akin iyon.
Napagdesisyunan ko na lang na magdilig. Naalala ko tuloy si Maam Hilda, sa kanya ang hardin na ito. Paborito niya kasi ang mga bulaklak. Ako rin. Sa tuwing pagagalitan ako ni nanay, pumupunta ako sa likod kung saan ako nagtatanim ng mga bulaklak. Sila lang ang alaga kong talagang pinagtutuunan ko ng pansin. Pagnakikita ko ang mga bulaklak, nawawala ang sama ng loob ko.
"Ikaw ba si Dana?"
"Ay kabayo!" napatalon ako sa gulat at nabitawan ko ang hoss na hawak ko. Paglingon ko nasa harap ko ang isang matandang mukhang mayaman dahil sa mga alahas na nasa katawan niya. Napakunot ako ng noo. Ngayon ko lang siya nakita. Sino siya?.
"Ikaw ba si Dana?" tanong niya ulit, yung pagsasalita niya maotoridad, strikto ang dating niya, nakataas ang kilay at talagang kagalang galang. Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.
"Bingi ka ba? Hindi ka ba nakakapagsalita?" napatiklop ako ng bibig.
"H-hindi po... o-opo ako po si D-dana.." sagot ko na lang.
"Mahilig ka sa bulaklak?" agad na tanong niya.
"Ah .. o-po" napayuko ako.
"Ipagtimpla mo ko ng kape..." Napaangat ako ng tingin. Naglalakad na siya at papasok sa loob ng mansyon. Kahit naguguluhan sa akto niya ay sumunod na lamang ako. Baka bisita siya ni Sir Hiro. Nakakahiyang hindi sundin.
Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Minadali ko na ang pagtimpla at agad na inihatid sa sala kung nasaan ang matanda. Maingat kong inilapag sa harap niya ang kape.
"Maupo ka." usal niya. Napaamang ako, pero umupo rin sa kabilang upuan. "So tell me about yourself." napayuko ako dahil sa hiya.
"Pasensya na po.. hindi po ako nakakaintindi ng English."
"Ok.. bakit mahilig ka sa bulaklak?" tanong niya. Napaisip ako. Napangiti na lang ako ng wala sa oras.
"Sila po kasi ang nagpapagaan sa loob ko sa tuwing di kami magkasundo ng mundo."
"Tama nga si Hiro, para kang si Hilda." bulong niya, pero sapat lang para marinig ko. Napalayo ako ng tingin, hindi na lang ako umimik.
"Grandma? Ambilis mo namang makarating dito? At nagkakape ka na talaga ah?" Napalingon ako sa maingay na boses lalake. "----Oh hi?"napatayo ako sa kinatatayuan ko. Kilala ko to e. Siya yung pinsan ni Sir Hiro, na minsan ng bumisita dito.
"Bago ka dito?" tanong niya. Umiling ako.
"Ohh? Ngayon lang kita nakita dito... pero don't tell me? katulong ka dito?.. kasi sa ganda---"
"Shut up Rusky! Don't go near my Dana." napatingin ako sa isa pang lalakeng dumating. Si Sir Hiro iyon. Diba may pasok siya? Bakit siya nandito?
Bigla kong naalala yung mga sinabi nila Kuya Lucas at Kuya Peter. Biglang sumikip ang dibdib ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Nanliit ako bigla.
"Your Dana? So hindi nga siya katulong..who is she?" tanong naman nung lalake.
"She's special.. special than your life." ani Sir Hiro. Tapos nilagpasan ang lalaking nagngangalan na Rusky.
Ng mapunta siya sa harap ko, madilim ang mukha niya. Hinila niya ako paalis sa harap nila. Napagtanto kong ipinasok niya ako sa kwarto.
"Dana,wag kang lalapit don sa pinsan ko. Playboy yun!Manloloko! pwede ka nun agawin sa akin. Wag mo siyang kakausapin, o kahit lapitan. Nagseselos kasi ako." sunod sunod niyang sabi, ramdam ko ang unting takot sa boses niya. Bigla akong nag-alinlangan.
Si Sir Hiro kasi mayaman, may pinag-aralan. Ako kasi wala. Walang-wala. Kung totoo man ang sinasabi nila Kuya Lucas? paniguradong wasak na wasak ako pagnagkataong mahulog ako.
"Hindi mo po ba ako pinaglalaruan?" diretsahang tanong ko. Napaamang siya at kumunot ang noo.
"Of course hindi! Para kang manika sa akin. Gusto kitang alagaan. Pero ang lalaking katulad ko? Di naglalaro ng manika." aniya.
Sa unang pagkakataon, tumibok ang puso ko ng mabilis.

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now