#2

100 4 0
                                    

HJLMTM 📷<3
CHAPTER 2.
Nanatili akong bantay niya noong gabing yon. Nakapagtataka ang kilos niya. Buong magdamag siyang natulog na hawak ang kamay ko, kaya hindi ako makaalis. Kahit sobrang himbing pa ng pagkakatulog niya.
Alam ko na kailangan niya ng masasandalan Ngayon. Wala na siyang magulang at hindi niya kaya iyon. Nakaalis lamang ako doon ng gumising siya, at ang nakakagulat pa room ay nginitian niya ako na ngayon niya lang naman ginawa sa akin.
Papunta ulit kami sa burol. Nakakalungkot talagang isipan na wala na ang para sa akin ay ang pinakamabait sa buong mundo. Namatay sila dahil bumagsak ang eroplanong sinasakyan nila.
Ngayon na ang huling araw ng burol kaya dumagsa na ang mga bisita ng pamilya. Naging abala rin ako sa pag-aasikaso ng pagkain at sa pagaasikaso sa mga bisita.
"Kamusta si Hiro kagabi, Dana?" napalingon ako kay Manang Tina.
"Maayos po siya, kumain naman po siya ngunit may kondisyon siya." usal ko.
"Ano naman iyon?" tanong niya.
"Kakain lang daw po siya kapag sinamahan ko siyang matulog. Natakot po ako kagabi Manang Tina sa mga ginagawa niya, bilang paggalang sa pamilyang ito hindi ko po gusto ang ginagawa niya." pagtatapat ko sa nararamdaman ko.
" Ano bang mga ginawa niya?" tanong niya ulit.
"Ang pagyakap po, at pag hawak niya sa kamay ko buong magdamag. Hindi ko po masyadong nakakasalamuha si Sir Hiro, pero po Bakit ganon ang kilos niya?" anas ko.
"Pagbigyan mo na lamang siya iha.. kung ganon ay di ka pala nakatulog kagabi dahil binantayan mo siya at dahil hindi rin niya pinakawalan ang kamay mo?" tanong niya.
Tumango ako.
"Opo, Manang Tina. Nakakahiya naman pong matulog sa kwarto ni Sir Hiro." tugon ko.
Natapos ang usapang iyon na walang ibang sinabi si Manang Tina kundi pagbigyan na lamang siya ngayon. Napabuntong hininga ako.
Buong araw kong hindi nakita si Sir Hiro. Mabuti na rin iyon dahil hindi din ako mapakali pag andyan siya. Pero si Manang Tina nag-aalala, baka kung napano na raw siya. Gabi na kasi pero wala pa rin siya, lalo nat huling araw na ng burol.
Pinauwi agad ako ni Manang, salubungin ko raw doon si Sir Hiro. Kinabahan na naman ako. Pero wala akong ibang pamimilian kundi ang sumunod. Naghintay ako sa mansiyon, habang naghihintay ay nagluto na rin ako ng makakain niya. Naglinis din ako ng kwarto ko. Mag-aalasdiyes na ng matapos ako.
"DANA! NASAAN KA!? DANA!!"
Mabilis akong lumabas ng kwarto ng marinig ang sigaw ni Sir Hiro. Kinabahan ako bigla.
"A-andito po ako, Sir" tugon ko.
Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya, ng nakita ako ay tumakbo siya sa gawi ko at niyakap ako. Naamoy ko ang alak sa kanya. Lasing yata siya.
"Hinanap kita doon, pero sabi ni Manang umuwi ka daw. Akala ko iniwan mo ako." humihikbing aniya.
Napakunot ako ng noo. Bakit ganito ang mga sinasabi niya. Nakakapanibago lang.
"S-sir wala po akong ibang mapupuntahan, kaya hindi po ako aalis.... Lasing ka po yata, gusto niyo po bang kumain muna bago magpahinga? Nagluto po ako." sabi ko.
Napabitaw siya sa pagyakap at saka lang ako nakahinga ng maluwag. Iginiya ko siya sa kusina at pinaghandaan siya ng makakain.
"Dana, sasabayan mo kong kumain?" nabigla na naman ako sa tanong niya. Para siyang batang nakikiusap sa akin.
"Kain tayo?" hindi pa ako nakakasagot pero tumayo na siya at kumuha ng isa pang plato, nagsandok siya at nilagyan ang plato na kinuha niya.
Hindi ako umiimik sa ginagawa niya dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Nabigla rin ako ng hilain niya ako sa tabi niya at pinaupo.
"Kumain ka na." nakangiting aniya. Tinignan ko lamang siya ng nagtataka.
"Gusto ko ng kasabay, kaya sabayan mo ako."
Lasing lamang siya kaya ganyan at nangungulila. Pagkatapos ng libing, hindi na siya ganito. Sabi ko sa isip ko.
"Namimiss ko na sila Mommy at Daddy. Bakit nila ako iniwan, Dana?" biglang tanong niya.
Hindi ko alam ang isasagot.Hindi ko alam kung paano ko papagaanin ang loob niya.
"Hindi ko matanggap na wala na sila, mababait silang tao. Bakit ang aga nilang kinuha ng Diyos? Bakit Dana?" nanatili akong walang imik.
Napapitlag ako sa kinauupuan ko ng sumandal siya sa balikat ko.
"Ikaw na lang Dana ang natitira sa akin, Sana wag mo din akong iwan." Biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko.
"S-sir katulong lang po ako dito, hindi po ako sa inyo." anas ko.
Umayos siya ng pagkakaupo, taimtim niya akong tinitigan at biglang ngumiti.
"Matulog na tayo, wala ka pang tulog e diba?" nakangiting sabi niya.
Hindi ko siya maintindihan. Ano bang pinagsasabi niya? Hindi ako makapagsalita! Gusto kong umangal man lang pero hindi ko magawa. Hila-hila niya ako patungong kwarto niya. Nagsisimula na akong matakot. Anong ginagawa niya?
"Dana, tabi tayo ha?" mas lalong kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Hindi pwede to.
"S-sir hindi po .. kasi.. sa kwarto ko na lang po ako.. matulog." Pagdadahilan ko.
Sana bitawan niya na ako, Sana bitawan niya na lang ako!!
"Nandito ka na, lalayo ka pa ba?" hinila niya ulit ako papunta sa kama niya.
Nagngingilid na ang luha ko at takot na takot na ako sa ginagawa niya. Hindi ako makaalma! Gusto kong lumaban!
"Magpahinga na tayo.." mahinahon niyang sabi.
"H-hindi po ako dito matutulog S-sir.. hindi po pwede.." isa pang pag-angal ko. Pero hindi niya pinansin ang sinabi ko.
Nagulat ako ng buhatin niya ako at inihiga sa Kama niya. Sunod sunod ng tumutulo ang luha ko dahil sa takot. Mas Kinabahan pa lalo ng tumabi siya. Kinuha niya ang kumot at itinakip sa aming dalawa. Yumakap pa siya sa akin kaya mas lalo akong hindi makagalaw. Bahagya niyang pinunasan ang luhang tumutulo sa mga Mata ko.
"Wala akong gagawing masama sayo, wag kang umiyak." sabi niya habang patuloy sa pagpupunas. "Simula ng tumapak ka sa mansiyong ito ay sa akin ka na Dana. Kaya wag mo na ulit sasabihin yun ha?"

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now