FINAL

77 1 0
                                    

HJLMTM📷❤
CHAPTER 19 (FINAL CHAPTER)
Dana's PoV
Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong humahaplos sa tiyan ko. Biglang tumibok ng mabilis ang dibdib ko. Lagi na lang akong nagigising ng madaling araw dahil nagugulat ako.
Pero mas nagulat ako ng makita ko na si Hiro ang humahaplos ng tiyan ko. Kinusot ko pa ang mga mata ko. Paniguradong nananaginip na naman ako. Pero sa pagkakataong ito sumasakit na ang mata ko pero nandiyan pa rin siya.
Naramdaman ko na ang panunubig ng mata ko. Nakaramdam ako ng inis at pinaghahampas siya sa dibdib.
"Bwiset ka! bwiset ka!!"
"Hey, hey, wag ka ng umiyak.. nandito na ako.."
"Bwiset ka pa rin!! Bakit ang tagal mong bumalik? biruin mo isang linggo?! Bwiset ka talaga! Siguro may iba ka na!" hagulgol ko.
"Shh.. Hindi naman e, wala ako non. Ikaw lang ang babae sa buhay ko..." aniya.
"Letse ka!"
"Kanina bwiset, ngayon letse?"
"Umalis ka dito! Wag kang tatabi! Ang baho baho mo---BLURRKK!"
Napaduwal ako ng wala sa oras. Argghh, ang sakit ng tiyan ko..Nasuka ko na naman ang mga kinain ko kanina!
"Dana, okay ka lang?" nagaalalang tanong niya.
"Muka bang ayos lang!?" inis na singhal ko.
Siya ang naglinis ng pinagsukahan ko. Hindi niya ako pinagalaw. Pero nagtaka ako ng pinagbihis niya ako ng pang-alis. Sabi niya aalis raw kami ngayon.
"San tayo pupunta? Alam mo bang alas tres ng madaling pa lang? Hindi pa nga sumisikat ang araw e!" iritadong anas ko.
"Alam ko.. Dana, kahit ang tanda tanda mo na, topakin ka pa rin."
"Anong sabi mo?!"
"Joke lang, mahal ko.."
Sa huli ay nagpatianod na lang ako sa gusto niya. Uuwi pala kami sa mansiyon. Sumakay na kami sa bus. Kumain din kami kasi nga kanina nasuka ko yung mga kinain ko, paniguradong gutom na yung bata.
Natulog muna ako, hindi na talaga kaya ng mata ko ang dumilat pa. Pero paggising ko, wala ulit si Hiro sa tabi ko. Pinakiramdaman ko ang paligid.. umaandar ang bus at walang tao?!
Kinabahan ako ng todo.. nilibot ko ang paningin ko.. wala ngang tao! Pero pagtingin ko sa dulo ng bus napaluha ako..bumilis ang tibok ng puso ko.
"W-will you marry me.. Dana?" pagbasa ko sa nakasulat sa dulo ng bus.
Alam ko yan.. napapanood ko yan sa mga palabas sa tv kaya alam ko ang ibig sabihin niyan..Hinanap ko si Hiro at sa pagtalikod ko nakita ko siya. Nasa tabi siya ng driver at may hawak na bulaklak.
Nakangiti siyang lumapit sa akin. Samantalang ako iyak lang iyak..
"Naiintindihan mo ba yun?" aniya sabay turo sa nakasulat.
"A-alam ko yan.." sagot ko.
Pinahid niya ang nga luhang tumutulo sa mga mata ko."Ito ang pinagkaabalahan ko habang wala ako.. Pinaghandaan ko to ng sobra mahal ko, Sana hindi ako mabigo.." aniya.. nawala ang inis ko sa isang iglap. "Wala akong babae, o kahit ano.. ikaw lang ang meron ako pati na ang magiging anak natin.. Gusto na kitang makasama habang buhay.. kaya pwede na ba tayong magpakasal?"
"O-oo, oo!" sagot ko.
"yes! yes! woohhhh! woohh!!" natawa ako sa pagtalon talon niya ang pagsuntok suntok sa hangin.
*CLAP! CLAP! CLAP!
Napalingon ako sa paligid.. may mga taong lumabas. Nakatago lang pala sila doon sa may dulo. Napayakap ako kay Hiro ng mahigpit..
Binigyan niya ako ng kasiyahan na hindi ko inaakalang matatanggap ko kaagad sa kabila ng mga paghihirap ko sa buhay. Akala ko hindi ko na mararanasan ang ganito.. Salamat sa lalaking ito.
Ng huminto na ang bus, laking pagtataka ko ng bumaba kami. May sumalubong sa amin na mga babae, may ginagawa sila sa mukha ko, pati na rin sa mukha.. hinanap ko si Hiro, pero bigla siyang nawala.
Nanlaki ang mata ko, may ipapasuot silang puting gown sa akin?!
"Uy, para saan yan?" takang tanong ko.
"Di ba po ikakasal kayo?"
"Ngayon na?!" gulat na tanong ko.
"Opo, nasa tapat na nga po kayo ng simbahan o?"
Mas lalong nanlaki ang mata ko..at naluha ulit..
Itinuloy na nila ang mga pinaggagagawa nila sa akin. Hanggang sa dalhin nila ako sa tapat ng simbahan at dahan dahan itong bumukas
Pinalakad ako ng babae sa gitna. Yung kanina ko pang hinahanap nandon na sa harap. Tuloy tuloy ang pagagos ng luha ko. Hindi ko to inaasahan e!
Ng makarating ako don, agad niyang hinawakan ang mga kamay ko. Pinisil niya pa iyon tapos pinunasan ang mga luha ko.
"I love you.." bulong niya. Napangiti na lang ako.
"Mahal din kita." tugon ko.
INSERT SONG: THROUGH THE YEARS
Sa bilyong bilyong tao sa mundo, marami kang pwede mong makatagpo. Marami kang makikilala. May mga taong sasaktan ka, may paglalaruan ka, lolokohin ka. Pero sa kabila ng yan may makikilala kang isang taong iingatan ka, papahalagahan ka, at higit sa lahat mamahalin ka. Wala siyang pakealam kung ikaw ang pinakabobo sa lahat, kahit ikaw ang pinakamahirap na nilalang ang alam niya lang mahal ka niya, kung sino ka man
At sa Hiro yung akin.
Hindi basta basta mahirap ang pinagdaanan naming dalawa, pinaglaruan kami ng tadhana, pinahirapan pero sa huli naging masaya kami.
Nanganak na ako mga anim na taon na ang nakalilipas. Pinangalanan namin siyang Aries. Sabi ni Hiro pareparehas daw kasing April ang birthday namin at pareparehas ng zodic sign.
Pakiramdam ko ako na ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.
May Hiro na handang magbago para sa akin.
May Aries na handa akong pasayahin.
May Hiro na inaalagaan ako.
May Aries na makulit pero naglalambing sa akin.
May Hiro at Aries ako na mahal na mahal ako.

-WAKAS-

HE JUST LOVE ME TOO MUCHWhere stories live. Discover now