HJLMTM📷❤
Chapter 17.
Dana's PoV
Naiinis ako, gabi na pero di pa nauwi si Hiro. Langya ni Jomar! Inaya sa inuman. Birthday daw kasi ng kaibigan ni Jomar. Nasa Bagong Sirang sila.
Napabuntong hininga ako. Sana maayos silang makauwi.
Nagayos ako ng bahay. Hindi pa rin ako makapaniwala na ang bahay na ito ay sa akin na. Dati gustong gusto akong palayasin ng nanay ko dito. Sirang sira na ito dahil sa mga bagyo.
Naalala ko na naman ang sulat ni nanay bago siya umalis. Humingi siya ng tawad sa akin, at pinatawad ko naman. Sana makita ko ulit siya para tuluyan na kaming maging masaya.
"Dana! Mahal ko!-BOGSHH!" agad akong napababa dahil sa kalabog na yun. Si Hiro na yata yun!
Nakita ko siyang nakasalampak sa sahig. Pagkalapit ko agad kong naamoy yung alak. Lasing na lasing?Dahan dahan ko siyang binuhat.
"Hi, Dana! *hikkk, mahal na *hikk mahal po kita.."
"Umayos ka, wag kang magalaw!" usal ko. Pagewang gewang kaming naglalakad. "Uyy!" napasigaw ako ng kumapit siya sa leeg ko. Kaya ang naging posisyon namin ay nakayakap siya sa akin patalikod habang umaakyat ng hagdanan.
"Ang pangalan *hikk ng pinakamagandang babaeng nakilala ko *hiikkk ay Dana! *hiikk at mahal na mahal ko po siya!!" patuloy lang siya sa pagsasalita ng ganyan! Nag-alaDarna pa siya!
Ganito pala siya paglasing! Sa susunod hindi ko na siya hahayaang uminom pa ulit! Pinilit kong makarating kami ng kwarto kahit sobrang bigat niya.
"Ang bango bango mo,*hikk nagpabango ka para sakin 'no?" aniya habang amoy amoy pa ang leeg ko.
"Tch! Hiro! Matulog ka na lang, magpahinga ka na.." sabi ko, sinubukan kong pahigain siya pero ayaw patinag! Umupo siya sa gilid ng kama, hinila niya pa ako dahilan para mapatabi ako sa kanya.
"Hindi kaya ako lasing!" nakanguso niya pang ani.
"Lasing ka na, kaya itulog mo na lang yan." pailing iling kong sabi.
"Psh.. buti pa si Jomar magkaka-baby na! Tayo wala pa! Gusto ko rin yun!!!" nanlaki ang mata ko. A-ano raw?!
"Matulog ka na Hiro.." pagpipilit ko sa kanya. Pero hinawakan niya ako sa braso na ikinagulat ko.
"Huwag kang gagalaw." sabi niya. Napalunok ako. Tinitigan niya ako ng matagal. Hindi siya nagsasalita. Ano bang ginagawa niya?
"Alam mo Hiro, matulog ka na---"
0_0
Hinalikan niya ako! Para akong binuhusan ng tubig dahil sa gulat. Hindi ako magalawa, natulala ako.
Ipinahiga niya ako sa kama habang magkadikit pa din ang mga labi namin. Naramdaman ko na lang ang paggapang na kamay niya sa bewang ko. Nakita ko na lamang na sinasabayan ko na ang bawat galaw ng mga labi niya.
Hiro's PoV
Nakatitig ako sa babaeng katabi ko na mahimbing na mahimbing ang tulog. Nakasiksik siya sa dibdib ko habang nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init ng balat niyang nakadikit sa akin. Hubo't hubad.
Naalala ko ang nangyari kagabi. Masyado akong naging aggressive kaya paniguradong pagod siya.
Oo may nangyari sa amin. At hindi ko pinagsisisihan iyon. Buong puso kong ibinigay ang sarili ko sa kanya, lasing man ako o hindi.
Ramdam ko ang paggalaw niya. Napamulat siya ng. mata.
"Magandang umaga, kamusta ang pakiramdam mo?" agad kong tanong. Pero wala akong narinig na pagbati pabalik. Isang hikbi ang ibinigay niya. Nakaramdam agad ako ng takot.
"D-dana, b-bakit?" kinakabahan kong tanong.
"M-may nangyari satin?" lumuluhang aniya.
"Oo." sagot ko.
"Mali ito.. hindi muna dapat nangyari ito.." umiiling iling na sabi niya habang umiiyak.
Nasaktan ako bigla. Napabangon ako sa pagkakahiga.
"Paanong mali?" ipit kong boses.
"Hindi pa tayo kasal... Paano kong mabuntis ako? tapos bigla mo akong iwan?"
"Ang sakit... tingin mo ba sa akin ay habol ko lang ang katawan? Damn it! Hindi naman ako ganon!" napataas ang boses ko. "Mahal na mahal kita, sana alam mo yon. Kung mabuntis ka, ako na ang pinakamasaya sa lahat. Papakasalan din kita, Dana. Diba pangarap ko yon?" napaluha na din ako. Akala ko maayos na. Akala may tiwala na ulit siya sa akin. Hindi pa pala buo yung tiwala niya. Nakakainis!
Hindi kami nagsalita. Nanatili lang kaming walang imik. Pero binasag ko na ang katahimikang namayani sa amin.
"Masama ba pakiramdam mo?" nagaalala kong tanong.
"Masakit ang katawan ko." sagot niya. Tinulungan ko siyang bumangon. Nakatakip sa katawan niya ang kumot na ginamit namin kagabi.
Kinuha ko yung short ko na nasa baba lang ng kama. Isinuot ko yun at tumayo. Pumunta ako sa closet at hinanapan siya ng damit at short din saka pinasuot sa kanya. Inalalayan ko siyang tumayo. Sa pagtayo niya saka bumungad samin ang blood stain sa puting kumot.
Agad naman niyang inialis yun sa kama.
"Maglalaba ako." aniya "--OUCH!" Mabilis ko siyang sinalo dahil natumba siya.
"Ang sakit.." sabi niya, nakita kong nakahawak siya sa hita nya.I knew it. Masakit ang ari niya. Pinaupo ko ulit siya sa kama.
"Ako na lang ang maglalaba, pahinga ka na lang diyan." nakangiti kong sabi, pilit kinalimutan ang mga sinabi niya kanina.
"H-hindi ka naman marunong."
"Marunong ako..." pero ang totoo, hindi.