HJLMTM 📷❤
CHAPTER 9.
Hiro's PoV
Maganda ang naging takbo ng buhay ko. Hindi na pabalik-balik si Rusky sa bahay. Mas naging malapit ang loob ni Dana sa akin. Close pala talaga sila ni Lola. Nagkakasundo sila pagdating sa mga bulaklak. And I heard from Lola na kinakantahan ni Dana ang mga bulaklak sa garden, na mas lalo pang ikinagusto ni Lola sa kanya.
Na mas ikinasama ng loob ko. Buti pa yung bulaklak kinakantahan niya, pero ako hindi! Sabi ko kantahan niya rin ako, hindi ako matutulog hanggat hindi niya ako kinakantahan pero ang ginawa? naunang natulog sa akin.
"Sir, ito pa yung mga pipirmahan mo. Then may meeting ka po around 12, and isa pang meeting with another investors around 3. That's your schedule for today, Sir." sabi ni Mariel habang binibigay ang mga papeles. Nginitian ko siya at nagpasalamat.
"And one thing Sir, 23rd Anniversarry na po ng Company. Gusto po ng mga board na magkaroon ng bonggang celebration. Isn't that good? What do you think?"
"Well, that's good. This company wont be successfull without our employers. They deserves to enjoy atleast kahit mga isang araw lang. I'll go with it." usal ko.
"Okay Sir, magpapaset na po agad ako ng meeting." aniya at saka lumabas.
23rd Anniversarry, ang tagal na ng kompanya pero successful pa rin. Napatingin ako sa pictures nila Mommy and Daddy.
"Hindi ko kayo bibiguin" nakangiting ani ko.
Magdididilim na ng matapos ko ang mga gawain. My goodness this is a tiring day! Im on my way down the building when Mariel came in to the elevator.
"Hello Sir." pagbati niya
"Hello, Mariel." tugon ko
"Sir, may I ask you?"
"Hmm?"
"Ahmm, do you already have a.... date? For the upcoming party?"
Napangiti ako. A date? Hmmm. Mariel is beautiful so I didn't mindi if mawawalan siya ng date. Paniguradong marami ng mag-aaya. At tsaka I have Dana.
"Ahhmm Yeah.." nakangiting aniko.
"Oww really? Who's the lucky girl?"
"My soon to be wife. *Ting. Goodbye Mariel. See you tomorrow." I said ng bumukas ang elevator at saka umalis.
Wala akong pwedeng gawing date maliban kay Dana. Loyal kasi ako.
Ng makauwi sa bahay, walang Dana na sumalubong. Pero Manang Tina is there, laughing with Lucas and Peter. Nagtaka ako close pala sila? First time ko lang nakitang naguusap ang tatlo.
"Takot na takot siya grabe!." ani ni Peter.
"Nagtitimpi lang ako, gusto ko na siyang matikman Shit!"anas naman ni Lucas. Nagtataka man ay nagpatuloy ako sa paglalakad para mapansin nila.
"O iho, Ang napaaga ka?" tanong ni Manang Tina.
"Maaga pong natapos e, Where's Dana?"
"Nakita po namin siya Ser! Papunta yata Ser sa kwarto niya Ser!" sabi naman ni Peter.
"Sa dati niyang kwarto Hiro." ani Manang Tina. Tinanguan ko na lang siya. At nagpunta nga sa dati niyang kwarto.
Kumakatok-katok ako habang iniikot ko yung door knob. Pero napansin kong hindi naman nakalock but I can't open it. Inilapit ko ang tenga ko sa pinto narinig ko ang mahinang paghikbi niya.
What the hell is happening.
"*Tok tok! Dana! Si Hiro ito! Buksan mo ang pinto! *,Tok tok tok tok tok! Dana! Mahal! Open the Door pleasee! Buksan mo ang pinto!! Dana!"
Sigaw ko. Narinig ko na lang ang pagurong ng isang bagay hanggang sa bumukas ang pinto. Hindi siya masyadong bukas, pero pinilit kong makapasok. Nakita ko ang cabinet, lamesa na nakaharang sa pintuan. Hinanap kaagad ng mata ko si Dana. Nakaupo siya sa dulo ng kama at nakasandal sa head board. Umiiyak siya habang yakap-yakap ang sarili.
Agad akong pumunta sa kanya at niyakap siya.
"Dana, anong nangyare sabihin mo sa akin!" nagaalala kong sabi. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko, pinatingin ko siya sa akin at pinunasan ang mukha niyang pawis na pawis.
"Umalis na tayo dito..*sob *sob" nagmamakaawa niyang sabi.
"Tell me, anong nangyari?! Sabihin mo sa akin Dana!"
"H-hindi... p-papatayin ka nila..."
Hinalikan ko na lang siya at niyakap.
"Nandito na ako. Wag ka na matakot.Tumahan ka na."
"P-papatayin ka nilaa.." ulit niya pa.
"Hindi.. hindi.. hindi.. Ako ang papatay sa kanila dahil ginawa nila sayo ito."
Napuno ng galit ang utak ko. May nangyayari dito sa bahay ng hindi ko alam. May bumababoy sa mahal ko. Ayaw sabihin ni Dana kasi papatayin raw nila ako. Kapag nalaman ko kung sino sa bahay ang gumagawa nito sa kanya. Hindi ako magaatubiling patayin siya.
Nawawala ako sa katinuan pag ako ang nagagalit. Sira ang ulo ko at hindi ako tumatanggap ng eksplanasyon.
Dinala ko si Dana sa kwarto ko. Noong una man ay ayaw niyang lumabas. Natatakot na siyang lumabas. Kingina. Para di matakot ay binuhat ko na lang siya.
Natuwa ako ng sabihing niyang gusto niya akong lutuan ng pagkain. Pero sabi ko magpahinga na lang siya at ako na ang magluluto para sa kanya. Sumang-ayon na lang siya.
"Matulog ka na. Magpahinga ka.Babantayan kita."
"D-dito ka lang." mahinang anas niya.
"Dito lang ako, Mahal ko..."
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. HINALIKAN NIYA AKO! Di ko inaasahan yun! Pero agad kong tinugon yun. Hinawakan ko siya sa batok para mas mapadiin ang halik na yon. Nakapikit na kaming pareho at ninanamnam ang bawat minutong magkadikit ang labi namin.
Habol hininga kaming dalawa. Pinagdikit ko ang mga noo namin.
"Tandaan mo, hindi ko hahayaang saktan ka nila. Poprotektahan kita sa abot ng aking makakaya. Mahal na mahal kita kaya sa oras na makilala ko sila? Ako ang papatay sa kanila."
"Hindi ka papatay."
"Para sayo, makikipagpatayan ako."
"Huwag..."
Hinalikan ko lang siya ulit at hindi na sumagot pa. Pinalalim ko ang halik na iyon. Mas madiin, mas damang dama ko ang bawat sulok ng labi niya.
Baliw ako. Kaya kung sino man ang manakit sayo, papatayin ko.