HJLMTM📷❤
CHAPTER 16.
Dana's PoV
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinapanood si Hiro na nakikihalubilo sa mga tao dito. Tumutulong siya sa paggawa ng tulay para sa daan doon sa sapa.
Nag bouluntaryo siya sa pagtulong na ikinasaya ko. Madali niyang nakasalamuha ang mga taga-dito. Yung pinagseselosan niya, matalik niya ng kabigan ngayon. Palagi silang magkasama sa paghahanap ng raket.Kahit sa pagaani ng palay. Parang nakalimutan na ni Jomar na ako yung una niyang kaibigan e.
"Alam mo Dana, yang si Hiro kahit anak mayaman kaya palang magsemento!" namamanghang sabi ni Ate Neneng.
"Ang swerte mo riyan sa lalaking yan, nagpapakasipag para lang sayo!" ani naman ni Ate Nesa.
"Bago lang po kasi sa paningin niya, kaya gusto niya pong subukan." pagpapaliwanag ko.
"Yan ang mga tipo kong lalake Ate Dana! Handang suungin ang kahit ano, para lang sayo!" sabi naman ni Stella.
Napangiti na lang ako.
Sa mga ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw? parang wala na siyang sakit. Nakatulong yata ang mga bagong nakilala niya at mga bago sa paningin niya para mas lalo siyang gumaling.
Wala naman akong ibang hiling kundi ang maging maayos na ang kalagayan niya. Naniniwala akong hindi siya baliw. Sadyang takot lang siyang maiwan. Sa dinami dami ng problemang nahakot niya, dapat na siyang magpahinga. At mamuhay ng mapayapa.
"Magmeryenda na muna kayo!" ani Manang Neneng.
Nagsitigilan naman sila sa pagsesemento at kumain ng maruya na ginawa ni Ate Neneng.
Nagulat ako ng halikan ako sa pisngi ni Hiro. Napaiwas ako ng tingin, wala kasi siyang damit pangitaas at pinagpapawisan pa.
Inabutan ko na lang siya ng maruya at pamunas ng pawis.
"Abay ang sweet niyo namang magnobyo!" puna ni Manoy Tope. Napayuko ako,samantalang si Hiro tumawa lang.
Nobyo. Di ko makalimutan kung gaano siya kasaya dahil lang sa pinakilala ko siya sa mga tao dito bilang asawa ko. Bakit? doon rin naman papunta yun e!
Pinagkuwento nila si Hiro tungkol sa buhay niya at kung kailan niya daw ako simulang nagustuhan. At eto namang si Hiro, bawat tanong may sagot!
"Si Dana lang talaga ang gustong gusto ko noon at pasalamat ka Hiro dumating si Alice sa buhay ko. Kung hindi baka kami na ni Dana ngayon at ikaw nakanganga na lang! HAHAHA!" pangaasar ni Jomar.
Nagtawanan na lang kami. Magkakaanak na si Jomar. Kaya masaya ako para sa kanya. Nagsimula silang magusap tungkol sa mga anak nila, isa isa nilang binida ang mga kayang gawin ng mga anak nila.
Bigla akong nailang ng sa amin ni Hiro napunta ang usapan
"Kailan ba kayo bubuo ng anak? Matatanda na kayo! Aba! Mahihirapan kang manganak niyan Iha!" biglang tanong ni Ate Neneng. Napakagat labi ako sa hiya.
"Wala! Mabagal si Hiro!" pangaasar ni Jomar. Nagtawanan na naman sila.
"Mamaya!" napatingin ako at nagulat sa sinabi ni Hiro.
"Yun oh!!"
"Anong mamaya!?" anas ko.
"Joke lang.." nangingiti-ngiti niyang sabi. Napabuga ako ng hangin. Nailang ako bigla.
****
"Mahirap maghanap ng trabaho dito sa probinsya, kailangan mo pang lumuwas ng bayan! Sayang pa sa pamasahe, lalo na kapag hindi ka tatanggapin. Nako!" pagrereklamo ni Mang Tope.
Pinaguusapan nila kung paano sila makakahanap ng trabaho. Tapos na ang ginagawa nilang tulay. Ang kinita lang nila sa paggawa noon ay limanglibo lang. Pinaghatian pa nila. Tapos, tapos na rin ang anihan. Kaya ngayon walang trabaho ang mga tao dito.
"I have an idea!... A-ano may naisip po ako.." biglang sabi ni Hiro. "Kasi po may farm ang mommy at daddy ko. Strawberry at grapes farm po. Pero wala na pong nagaasikaso non. Wala ng nangangalaga. Sa tingin ko po, pwede nating pagkakitaan yun. Lalo na at baka po marami na siyang bunga. Masayang lang po." paliwanag ni Hiro. Napangiti ako sa naisip niya.
Malaking tulong nga iyon para sa mga tao dito.
"Paano ba makakapunta doon? Tiyak na malayo yun. Wala pang pamasahe.." anas naman ni Ate Nesa.
"May pwede bang matirahan doon? Kung sakaling magworkout yang naisip mo, magiistay-in na lang hanggang sa makaipon diba? Tapos kahit sariling pamasahe na lang muna papunta lang doon." suhestiyon naman ni Jomar. Napaisip ako.. may matutuluyan nga ba sila doon?
"Maraming kwarto ang bahay namin." sagot naman ni Hiro.
Nakalimutan kong mansiyon nga pala iyon at punong puno ng kwarto ang bahay nila.
Sa huli napagdesisyunan nilang susubukan nila ang ideya ni Hiro.