Chapter 25

188 9 10
                                    

RANZ'S POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Nakakasilaw! Kaya naman dinilat ko mata ko para makita kung sino nag hawi ng kurtina.

Si Nikki pala.

Lumingon siya sakin "Gising ka na pala. Goodmorning." Sabay ngiti niya sakin. Pero na mamaga yung mga mata niya.

"Bat mo binuksan yung kurtina? Nakaka silaw!"

"Di ba pwedeng mag good morning ka rin? Agang sermon nyan."

"Sorry."

Napatingin siya sakin nung pag ka sabi ko non "Bakit?" Sabi ko

"Nag sorry ka eh. Ngayon ko lan narinig yun simula nung na ospital ka."

"Ahh yun lang pala"

"Kumain ka na. Eto dinala nung nurse and after nyan kumain ka ng fruits"

"Okay."

Kumain naman ako. Siya naman eh uminom ng kape and sandwich habang nag fa-facebook.

Ewan ko. Pero bat parang iba yung nararamdaman ko kapag tumitingin ako sa kanya?

Para bang may something special sa kanya na hindi ko malaman kung ano at bakit.

Bakit kaya ako nag kaka ganito?

Dahil kaya to sa aksidente na nangyari sakin?

"Ranz, mahal na mahal kita. Sa pagiging girlfriend mo, naranasan kong masaktan, umiyak at maging masaya." "

"Yes, I would love to marry you. I wanna grow old with you too."

Ugh! Sumasakit na naman yung ulo ko! Ano ba naman to!? Bakit ba laging may nag fa flashback sa isip ko!?

———————————————————

NIKKI'S POV

Naupo lang ako dito aa kwarto ni Ranz. Ako ang bantay niya ngayong hanggang mamayang tanghali. Sila tita naman daw ang mag babantay kay Ranz mamaya. Mag papahinga lang ako saglit sa bahay and then sa gabi pupunta ulit ako dito.

"OY!" Tawag sakin ni Ranz.

"Bakit?"

"May tatanong ako."

"Ano yun?"

"May girlfriend ba ako bago ako ma aksidente? Or what so ever na magpapakasal ako? Lagi kasing may nag fa flashback sakin eh. Nakakainis!"

Hay Ranz. Kung alam mo lang! Ako yung girlfriend mo, ako yung fiancé mo at ako yung papakasalan at magiging asawa ko.

Gusto ko man sabihin sayo ngayon pero hindi pwede. Ayokong maguluhan ka at pilitin mong ibalik ang ala-ala mo.

Kahit sigaw sigawan mo ako kahit na nasasaktan ako tuwing mag tatanong ka tungkol sa girlfriend at kasal kasal na yan.

Kayang kong tiisin lahat ng yan, Ranz. Wag ka lang masaktan at maguluhan.

Hahayaan ko na lang na may maalala ka kahit konti. Ayokong ipilit yung ala ala natin dahil gusto ko maalala mo muna yung pamilya mo bago yung sa atin.

Ganyan kita kamahal Ranz. Kaya please, wag na wag mo akong iiwan sa ere katulad ng ganito.

"Huy! Ayaw mo sumagot. Bat natulala ka?"

Natulala pala ako. Hays

"H-ha? Eh, wala kang girlfriend or fiancé. Single ka nga eh!"

"Ahh. May nag fa flashback kasi sa utak ko!"

"Hayaan mo na yun baka ayun lang yung mga napanuod mong movies"

"Ahh oo nga baka nga"

I love you, Ranz. I really do and I'm sorry.

——————————————————

Lunch time na at kadadating lang nila Tita. Kasama niya si Seah at Nina.

"Oh Nikki, kumain ka kaya muna dito bago ka umuwi" aya ni tita sakin

"Oo nga ate" sabi naman ni Seah at Nina

"Eh wag na po. Busog pa po ako at wala po akong ganang kumain eh"

"Baka naman mamayat ka nyan."

"Hindi po tita! Haha salamat po"

"Ayaw mo talaga ate?" Tanong ni Nina

"Hindi na. Sa susunod na lang."

"Osige. Mag iingat ka pag uwi ha"

"Opo tita"

"Ingat ka ate!" Sabi ni Seah

"Ingat ka ha. Kelan ka babalik dito?" Nagulat naman ako sa tanong ni Ranz.

"Mamayang gabi. Papahinga lang ako sa bahay"

"Okay." Saka siya nag patuloy sa pagkain

"Tita una na po ako"

Hinatid ako ni tita sa pintuan ng kwarto ni Ranz

"Pag pasensyahan mo na si Ranz ha. Alam mo naman sitwasyon niya."

"Opo naman tita" sabay ngiti sa kanya

"Hayaan mo babalik din ala ala niya. Wag tayong mawalan ng pag-asa."

"Opo tita. Kayang kaya po ni Ranz yun. Strong po siya"

"Oo naman. Sige na at mag ingat ka ha."

"Opo tita." Nag beso beso naman kami at tuluyan na akong umalis ng ospital.

———————————————————

A/N: Here's an update guys! Im sorry kung ngayon lang ulit nakapag update. It's been a year. Hehe! Sana may nagbabasa pa rin nito. Itutuloy ko na tong story :)

Medyo short update pero babawi sa sa mga susunod kong UD's!

Maraming salamat sa patuloy na pag suporta! I love you all <3

Anw, be prepared sa ending. Sa tingin niyo, will it be a happy ending or a tragic ending?

Comment down below!!!!

NO VOTES/COMMENTS = NO UD!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever And Always [UF BOOK 2 - RANZ KYLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon