Chapter 18

838 32 8
                                    

Author: Gaya nga ng sabi ko, mag u-update ako ngayon. Hahaha! Alam kong madaming naghihintay. So yeah, here's the chapter 18! Enjoy reading!

-------------------------------------

RANZ'S POV

"Ayos na ba ang lahat para bukas?" Tanong ko sa Chicser.

"Oo pre, ayos na lahat." Sagot naman sa akin ni Ully. "Ano ba kasi plano mo Ranz? Si Nikki ang i-su-surprise mo, hindi kami." Sabi naman sa akin ni Biboy. Oo, hanggang ngayon hindi ko pa rin sinasabi sa kanila yung plano ko. Syempre, surprise nga eh! Hahaha.

"Bukas niyo malalaman. Hahaha! Wala na bang kulang?" Tanong ko pa sa kanila. Oo na, makulit na ako. Gusto ko kasi maging perfect ang lahat bukas dahil gagawin ko yun sa babaeng mahal na mahal ko at sa babaeng mamahalin ko pang habang buhay. Alam kong corny pero masisisi niyo ba ako na inlove ako? Hahaha.

"Daya nito! Onga pala, paano yung pagkain?" Sabi sa akin ni Owy. Kahit kailan talaga, pagkain pa rin iniisip nito. Ang takaw talaga! Hahahaha.

Binatukan naman siya ni Oliver, "Aray naman kuya! Nakakarami ka na ha!" Sabay hawak sa batok niya.

"Ikaw kasi, puro pagkain nasa isip mo! Syempre, bukas pa yun. Edi kung ihahanda yun ngayon, panis na bukas!" Sabi ni Oliver. Oo nga naman.

"Tumigil nga kayo dyan! Bida bida. Hahahaha!" Sabi ni Clarence. At binatukan siya ng PB. "Aray! Joke lang pre! Hehe. Onga pala Ranz, ayos na lahat. Walang labis, walang kulang! Kami na nag ayos lahat, mahal ka namin eh!" Sabi ni Clarence at niyakap ako.

"Ano ba Clarence! Nababakla ka na naman sakin! Di ko iiwan si Nikki, para sayo. Hanggang kaibigan lang!" Sabi ko. Syempre, joke ko lang yun! Hahaha.

Binatukan ako ni Clarence, "Loko ka ha!"

"Joke lang Clarence! Hahahahaha!" Sabi ko at tsaka kami tumawang lahat.

"Paano ba yan? Bukas na lang ha, alis na ako. Bye Chicser! Oy pre, kung ano man plano mo bukas. Goodluck! Alam kong kaya mo yan." Sabi sa akin ni Biboy at tinapik ako sa balikat.

"Salamat pre. Ingat!" Sabi ko.

"Ingat Biboy my loves!" Sigaw nung apat na loko loko. Hahahaha!

Medyo kinakabahan ako para bukas. Pero alam ko, magugustuhan ni Nikki ang surprise ko para sa kanya. She'll never regret. And I will make her the happiest girl in the world.

NIKKI'S POV

"Advance Happy birthday, Ma'am Nikki!"

"Advance happy birthday po!"

"Advance po ma'am ganda! Hihi."

"Ma'am, advance happy birthday po!"

Ayan agad ang bungad sa akin ng mga tao dito sa company. Birthday ko na bukas and I'm 22 years old! Aww ang tanda ko na. Pero okay lang yun! Hahaha.

"Ma'am advance happy birthday!" Bati sa akin ng secretary ko na si Sophie ng pagkapasok ko sa office ko.

"Uy. Thank you, Sophie! May meeting ba ako ngayong araw?" Tanong ko kay Sophie.

"Ma'am pina-cancel po ng Papa niyo lahat ng meetings niyo ngayon at bukas. Birthday niyo daw po kasi." Sabi ni Sophie. Seryoso? Wow! Sana lagi ko na lang birthday. Hahaha joke.

"Talaga? Sana pala araw araw ko na lang birthday. Haha joke. Sige, salamat, Sophie." Sabi ko sa kanha at lumabas na sya ng office ko.

Tomorrow is my day. Ano kaya mangyayari bukas?

Forever And Always [UF BOOK 2 - RANZ KYLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon