Author: Hello!!!! Summer na and bakasyon na namin! Actually, last week pa kaso naging busy ako these week at tinatamad akong mag update. Mahina na kasi imagination ko pagdating kay Ranz kasi I'm not a chicser fan anymore nor a chicser hater. But I still support and love them! :) Tutuloy ko pa rin tong story. And yung isa kong story na Ranz Kyle Fanfiction ay naka publish na. Check niyo sa profile ko or sa external link. It's entitled "Falling For Him Again." Relate ako dyan guys! Haha. So here's chapter 17! Enjoy!
------------------------------------------
RANZ'S POV
"Pre, malapit na birthday ni Nikki ha?" Biglang sabi ni Cav. Nandito kami ngayon sa bahay namin. Dapat pupunta dito sina Ully at Posadas brothers kaso nga lang may lakad sila. Kaya kaminh tatlo lang nila Biboy at Cav ang nandito sa bahay.
"Oo nga pre, anong plano mo? Next week na." Sabi naman sa akin ni Biboy ay tumango naman si Cav.
Oo nga no. Birthday na ni Nikki next week at wala pa akong plano kung ano gagawin ko. Kailangan kong paghandaan yun dahil sa 4 years na birthday niya wala ako sa tabi niya kaya kailangan kong mag effort.
Ako pa? Ranz Kyle ata to! Kilala niyo naman ako diba? Kapag mahal ko ang isang tao, mag e-effort talaga ako. Naks! Kaya ang swerte ni Nikki! Haha! Ang hangin ko na naman. Hays.
At sa pagiging mahangin ko, merong pumasok na idea sa utak ko kung ano ang gagawin ko sa birthday ng taong pinaka mamahal ko.
"Alam ko na ang gagawin ko mga pare." Sabi ko sa kanila at ngumiti ng malaki.
"Oh. ano naman?" tanong nung dalawa. sabay pa talaga sila eh no?
Sasabihin ko na ba? Hmmmm... Wag muna. Haha. Gusto niyong malaman? Tsaka na! Malalaman niyo yun sa mga next chapters! Haha!
"Secret." Sabi ko sa kanila at tumawa ng mahina. Nakita ko naman yung dalawa parang bumagsak ang mukha at napakamot sa ulo. Hahaha! Mukha niyo!
Abangan mo Nikki sa birthday mo. Magugustuhan mo ang surprise ko para sayo. I swear, this is the best birthday and this is the most unforgettable moment of your life.
*****
"Kuya!" Napalingon ako dahil may tumawag sa akin. Si Niana pala pababa ng hagdan. Yung dalawang unggoy kanina, umuwi na may gagawin pa daw sila eh. Haha!
"Yes baby?" Sabi ko sa kanya at lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa dalawang balikat.
"Ugh! Kuya! Don't call me baby! Because I'm a big girl na! I'm not a baby anymore. Si ate Nikki lang baby mo!" Sigaw niya sa akin. Hahaha! Ang cute talaga ni Niana. Ayaw na niyang tinatawag ko siyang baby naiinis siya kasi big girl na daw.
At oo nga naman... Si Nikki lang baby ko.
Hay nako. Parang kailan lang talaga baby pa tong si Niana, ngayon dalaga na siya. Nakakamiss.
"Haha! Joke lang. Ano ba yun, Niana?" Sabi ko sa kanya. Ayan, wala ng baby. Haha!
"Are you going to ate Nikki's house?" Tanong niya sa akin.
"Uhm... Maybe? Baka kasi nasa work siya eh. You wanna go?" Sabi ko sa kanya. Biglang lumaki ngiti niya.
"Of course, I want! Let's go, Kuya! Let's buy cake at ballons for ate Nikki!" Sabi niya sa akin at hinawakan kamay ko at hinatak ako. Hindi naman siyang excited eh no? Napaka cute talaga ni Niana!
Teka... Cake and ballons?
"Wait lang, Niana. Cake and ballons?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka ako bakit kami bibili nun? Napahinto naman si Niana. Humarap siya sa akin at naka pamewang pa. Hala! Tinatarayan na ako oh. Hahaha!
"Duh! Kuya, next week na birthday ni ate Nikki! Don't tell me nakalimutan mo na?" Pagtataray sa akin ni Niana.
"Syempre, hindi no!" Sabi ko sa kanya at nag death glare ako sa kanya. "Bat ko naman makakalimutan yun? tsaka next week pa naman yun ha? Bat bibilhan agad natin?" Tanong ko.
Inirapan ako ni Niana. "I want to surprise ate Nikki. Kasi alam kong hindi ko na siya ma su-surprise sa mismong birthday niya dahil alam kong may pauso at pakulo ka na naman!" Sabi niya sa akin. Tinatarayan na talaga ako ni Niana!
Pero.. may point siya.
Pero hindi yun pauso at pakulo no! Hay nako, Niana!
Natawa ako sa kanya at tinap ang ulo niya, "Niana hindi pauso o pakulo yun no!"
"Whatever Kuya! Tara na nga. Ang daldal mo pa eh." Sabi niya sa akin at sumakay na sa kotse ko. Etong batang to eh no. Napagsabihan pa akong madaldal siya nga etong madaldal eh. Hahaha!
*****
Nandito na kami ni Niana. Papunta na kami sa office ni Nikki. 4th floor pa kasi office nya eh kaya nag elevator kami.
Ang binili naming cake ay red ribbon na pa heart at yung color nung ballons ay red and light red. Si Niana may hawak nung cake at ako naman eh yung ballons.
Nung nasa harap kami ng pintuan ng office ni Nikki nagtinginan kami ni Niana.
"Ready?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti siya at tumango, "Ready."
Kumatok ako sa pintuan ni Nikki. "Come in."
At binuksan ko ang pintuan ng office ni Nikki.
NIKKI'S POV
Nagbabasa ako sa office ko ng may biglang kumatok. Sino kaya yun? Baka secretary ko lang.
"Come in." Sabi ko habang nagabasa pa rin.
"ATE NIKKI!!" Sabi ng isang bata. Kaya inangat ko yung ulo ko para makita kung sino yung tumawag sa akin.
Si Niana!
Nakita ko siyang nakatayo kasama si Ranz. May hawak si Niana na cake na pa heart shape at si Ranz naman may hawak na ballons.
Pareho silang nakangiti sa akin. Ang gwapo at ang ganda nung nasa harapan ko. :')
"UY! PA---" Naputol yung sasabihin ko dahil biglang nagsalita yung dalawang magkapatid.
"ADVANCE HAPPY BIRTHDAY!!!" Sabi nilang dalawa at tumakbo papunta sa akin.
Aww. Ang sweet nilang dalawa. Kahit next week pa birthday ko, nag ganito pa talaga silang dalawa. Ang sweet talaga. Hayss. Oo na, kinikilig na ako. :')
Binaba ni Niana yung cake sa table ko at niyakap ako at hinalikan sa pisngi.
"Wow! Thankyou Niana!" Sabi ko sa kanya at niyakap ko siya pabalik. Nilingon ko naman si Ranz, nakangiti siya sa akin.
"Advance happy birthday, babe." Sabi sa akin ni Ranz at hinalikan ako sa pisngi. Napangiti naman ako at kinilig rin. Sino ba naman hindi kikiligin dun dba?
"Thankyou, babe."
"Ayieeeeeeeeeeee!" Biglang sulpot ni Niana at napalingon kami ni Ranz. Hahaha! Namumula si Niana at nakangiti ng malaki.
I'm so lucky to have them in my life.
------------------------------------------------
A/N
Hi guys! Eto na yung update ko. Wooo! Medyo mahaba haba to! Hahaha. Thankyou sa mga nag vo-vote at comments! :) Love you all!
Ano kaya plano ni Ranz para sa birthday ni Nikki? Hmmm.. Comments sa may mga idea!
Please read my new story. It's entitled "Falling For Him Again." Nasa external link at nasa profile ko po. Thankyou guys! Suportahan niyo rin yan, madaming makakarelate. :)
Vote and comment if you want the next update.
VOTE. COMMENT. BE A FAN.
![](https://img.wattpad.com/cover/17400157-288-k357561.jpg)
BINABASA MO ANG
Forever And Always [UF BOOK 2 - RANZ KYLE]
Fanfiction[Book 2 of Unexpected Feelings] Bakit parang ngayon lang ulit nagparamdam si tadhana sakanilang dalawa? Susuko na ba sila? O, lalabanan nila ang pagsubok na ito ng magkasama?