Chapter 11

952 32 9
  • Dedicated kay Chicserifics
                                    

Author: I'm so sorry for the late update! HUHUHU. Super busy. Kasi intrams namin last week tapos periodical pa namin next next week so kailangan todo review. Kahit gusto ko mag update wala akong time eh. Pagkagaling sa school super pagod ako. Pero ayos lang, pang 2nd place kami. Hihi. Sorry talaga kung ngayon lang ng update, alam kong matagal ko kayong napaghintay so sorry ulit. Eto na, enjoy reading! :)

-----------------------------------

NIKKI'S POV

After naming mag usap ni Irish ay umuwi na agad ako. Matagal rin kami nagkapag usap ni Irish. At buti naman, ayos na kami. Friends na kami. Thank you, Lord. Ayoko ng may kaaway eh. Mahirap na, baka mapatay pa ako. Hahaha de joke.

Nasa kwarto ako ngayon, naka higa. Hanggang ngayon iniisip ko kung paano kami magbabati ni Ranz. Argh! Bat ko ba to iniisip?! Ang gulo ng utak ko! Miss ko na yun kahit kahapon ko lang sya nakita... Kahit galit ako sa kanya love ko pa rin sya. Hays, bakit ba lakas ng tama ko sa kanya? Gwapo nung gagong yun eh. Kainis!

Bigla namang tumunog yung phone ko, may tumawag. Tinignan ko kung sino, si Oliver lang pala. Kaya sinagot ko na agad.

"Hello, Oliver?" Agad kong bungad sa kanya.

"Hello? Nikki!?" Sagot nya, makasigaw naman to. Kaya medyo inilayo ko yung phone ko sa tenga ko.

"Uy, Oliver naman! Maka sigaw, bakit ba?"

"Nikki!! Si R-ranz.."

Bigla naman bumilis yung tibok ng puso ko... Si Ranz daw? Ano nangyari?

Kinakabahan ako.

"A-anong nangyari? B-bakit?" Nauutal kong sagot kay Oliver. Kinabahan ako as in. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ako, pinagpapawisan ako ng malamig.

Lord please, sana walang nangyaring masama. Please.

"N-naaksidente si Ranz, N-nikki,"

Para akong napako sa kinatatayuan ko nung narinig ko yung mga sinabi ni Oliver. Hindi magandang prank to!

Forever And Always [UF BOOK 2 - RANZ KYLE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon