***
Sa mundong ating ginagalawan
Kasalanan ba ang masaktan?
Kasalan ba na umiyak habang masaya ka?
Kasalanan bang isipin na sana di ka na lang din sumaya?
***
Oo, mali pero maituturing bang kasalanan ang mga mga gantong nararamdaman
Kung sa una't sapul pa lang ayaw ko na pero di ko kayang pigilan
Kung nagawa ko lang kasing iwasan ka nung kaya ko pa
Kung nagawa ko lang sana wala akong pinoproblema
***
Tanga kasi,tanga talaga
Sorry ha, pinahalagahan kasi kita
Tanga mo din kasi di mo man lang maramdaman
Tangina di ba halata? kailangan pa bang magkaaminan
***
Murahan at laitan
Relasyong di mo alam kung totoo at kung may patutunguhan
Yan ang meron tayo
Pero porket ba ganun,di na totoo?
***
Bakit kailangan mong magtanong kung totoo ba ang lahat?
Bakit parang ang mga pinakita ko ay di sapat?
Kaya kasalanan bang idaan ko sa tawa yung sakit dulot ng iyong pagdududa?
Dahil sa aking pagtawa,kasalanan ko bang naniwala kang biro lang ang meron sa ating dalawa?
***
Nasanay kasi ako sa salitang " Hoy puta,kapit lang ,walang sukuan."
Kasalanan ko bang mura din ang isagot sa mga pinagsasabi mong kabaliwan?
Tapos ako tanga,minura ka nga pero kumapit naman
Totoo naman ang kamay na kumapit sayo pero bakit di mo pinaniwalaan?
***
Nakakatawa na parang kasalanan ko pa
Kasalanan ko bang magduda kung ikaw ang nauna?
Kumapit ako pero bakit di mo naramdaman ang init ng palad ko?
Minsan na nga lang magpakatotoo, sa tao pang duwag at manhid na katulad mo.
***
Ang tanong kasalanan ko nga ba talaga?
Kasi kung sa tingin mo oo ay gusto ko lang isumbat na ikaw ang nagduda.
*****
yow hahaha. Gusto ko lang linawin na di po ito bukal sa aking kalooban.. char. Hahahaha.
BINABASA MO ANG
Buried Words
PoesiaPoems are like buried words that we should not have buried in the first place. (Collection of Poems)
