***
Maraming tanong sa aking isipan na bumabagabag
Mga tanong na nagpapadilim sa paraisong minsang naging maliwanag
Kaya di ko alam kung pano isasatinig
Kung ang tanong na iyun ay tungkol sa isang espesyal na pag ibig
***
Pag ibig sa isang taong andyan kapag kailangan
Isang taong maaasahan sa isang tawag mo lang sa kanyang pangalan
Isang taong kahit kailan ay di ko inasahang darating sa aking buhay
Isang taong di ko inasahang may kakaibang taglay
***
Ang mga mata nya'y kakaiba
Mga mata na naghahanap ng pag asa
Kaya ng matitigan ko ang mga ito
Di ko na kaya pang ihinto
***
Nabihag ako sa kanyang titig
Buong sistema ko ay kanyang niyanig
Kaya paano ko ihihinto ang aking kahibangan
Kung sa titig pa lang ay nahulog na ako ng tuluyan
***
Mga titig nya na naghahanap ng isang bagay na aking hinahanap
Naghahanap ng isang taong kapag kailangan ay mahahagilap
At nakuha ko sa kanyang mata at ngiti
Ang isang taong maaasahan sa aking pighati
***
Pag kailangan ko sya,
andyan sya
Pag kailangan nya ako,
ganun din ako
Isang konsepto na bumuo ng mga tanong sa aking isipan
Mga tanong na di ko alam kung kaya kong alamin ang tunay na kasagutan
Dahil ang mga salitang lumabas sa aming mga labi
Ay mga salitang nailalabas lang kapag ang isa sa amin ay sawi
***
Dahil sa una pa lang, alam ko na dapat ang sagot
Pero pilit kong itinago dahil sa takot
Dahil sa una pa lang, parehas lang kaming nasaktan
Kaya naghanap kami ng taong masasandalan
***
Minahal nya ba ako dahil yun ang kailangan?
O kailangan nya ako dahil sa pagmamahal na kanyang nararamdaman?
Yan ang nga tanong ko para sa kanya
At tanong para sa akin na nagmunukha ng tanga
***
Kasi alam ko na ang totoo ay minahal nya ako dahil yun ang kailangan
Pero yun nga ba ang totoo o isa lang iyong kasinungalingan
Dahil baka ang totoo ay kahit kailan ay di nya ako nagawang mahalin
Dahil sa katotohanang walang espesyal na namagitan sa amin
***
Parehas naming nilinlang ang aming mga puso
Pero ang mga panlilinlang ko ay unti unti ng nagkakatotoo
Gusto kong itigil
Pero ang puso ko ay ayaw ng papigil
***
Nagbitaw ako ng salitang puno ng sikreto
Nagbitaw sya ng mga di makatarungang pangako
Pangako para sa maikling oras na aming malalaan para sa isat isa
Sa relasyon naming dalawa na malapit ng maglaho na parang bula
***
"Pangako, pag nahanap natin ang tunay na pag ibig, bibitawan na kita"
Yan ang pangako nya nang di pa sya nakakakilala ng iba
***
tengene. hahaha. tagalog nanaman,nawili na. hahaha.
BINABASA MO ANG
Buried Words
PoesiaPoems are like buried words that we should not have buried in the first place. (Collection of Poems)
