Ikaw ang mumunting prinsesa na napakaganda.
Isa kang prinsesa na may singkit na mata.
At parang ako ang iyong mahiwagang sapatos,
Na iniwan mo nang ang oras ng kaligayahan ay matapos.
Di ko talaga lubos na maisip,
Na lahat ng ating kasiyahan ay maituturing na panaginip;
Isang panaginip na sa pagtulog ay aking mababalikan,
Isang panaginip na nagpapaalala sa nakaraan;
Nakaraang puno ng saya,
Nakaraang walang problema,
Nakaraang ikaw pa ang kasama,
Nakaraang di na mauulit pa.
Gusto ko mang makasama ka sa kaligayahan,
Ay di ko magawa dahil sa isang katotohanan,
Dahil alam ko sa sarili ko,
Na malaki na ang pinagbago mo.
*****
Napatingin ako sa kalangitan.
At di ko mapigilan ang masaktan.
Lalong lalo na nang bumuhos ang ulan.
Kasama ng pagliwanag ng kidlat sa kadiliman.
Gusto kong tumawa dahil sa aking naalala;
Naalala ko kasi kung paano ka sumigaw dahil sa kaba,
Naalala ko na takot ka nga pala sa kidlat at kulog.
Perl imbis na tumawa , sa ilog ng pagkaulila ako ay lumubog.
"Dadating ang araw na magsasama ulit tayo" Bulong ko.
Tulad ng nangyari sa prinsesa at kanyang sapatos sa isang kwento,
Na sa huli, ang sapatos ay naibalik sa kanya.
Parang ikaw at ako sa aking pantasya;
Pantasya na babalik tayo sa dati,
Pantasya na kasama ako sa dahilan ng iyong pagngiti,
Di ako tomboy pero ang pagmamahal ko sayo ay higit pa sa kaibigan
Kasi mahal kita bilang kambal, tandaan mo yan.
*******
lame? yeah. napaka lame. actually di sya bago, nasa buried words na to dati pa. wala lang ako sa mood magsulat ng bagong tula.
BINABASA MO ANG
Buried Words
PoetryPoems are like buried words that we should not have buried in the first place. (Collection of Poems)
