Chapter 32 Deja Vu

2K 21 0
                                        

[Note: Let's give and take. I write and type. You vote and comment. Deal ? Keep reading ! Thanks !]

Gerald's POV

Ang saya saya ko nung makita ko si Tito Delfin sa premier. Pero nung hinanap ko sa kanya si Sarah hindi niya daw alam, kakagaling niya lang sa CR. Ang akala niya daw ay kasama ko si Sarah. Hinanap namin siya kung saan saan pero hindi namin siya nakita.

"Tatawagan ko na lang po siya" Kinapa ko yung bulsa ko. 

"ayy di ko po dala phone ko" sabay palo ko sa noo.

"iho, ako na lang ang tatawag, sandali lang"

Maya maya, nang natapos yung usapan nila, kinausap ako ni Tito.

"Nak, sumama daw ang pakiramdam niya. Congratulations na lang sa inyo. Kami'y aalis na" sabi sakin ni Tito.

"Ayos lang daw po siya ? Asan po siya ? Hahatid ko na po kayo. Sandali la--" pinigilan ako ni Tito.

"Hindi na iho, gabi mo to, dapat nandito ka. Nandyan naman yung driver. Ayos lang kami" sagot niya sakin.

"Asan daw po siya ? Gusto ko po siyang makita. Sasama po ako" di ko sigurado kung anong nangyari kaya gusto ko siyang makita.

"Iho, ayos lang si Sarah, mukhang magsisimula na yung pelikula, hinahanap ka na dun." sabi sakin ni Tito.

"argg. Sige po, pakisabi na lang po na magpahinga siya at tawagan or text niya ako. Ingat po kayo" i told Tito.

Sobrang nag-aalala ako kay Sarah pero tama si Tito, hinahanap na ako at kailangan na ko sa harap kaya nagpaalam na ko.

Habang nanonood ng movie, lumilipad ang isip ko. Iniisip ko si Sarah. Ano kayang nangyari ? Kumusta kaya si Sarah ? Nagtext na kaya siya ? Nakakainis naman kasi, ngayon pa naiwan yung cellphone ko ! Bakit ngayon pa ?! Aaarrgghh.

***

Pagkatapos ng movie, tumakbo ako agad sa may van, hinanap ko yung cellphone ko, pagtingin ko, wala pa ring text or tawag galing sa kanya. Ano kayang nangyari sa kanya ? Bakit hindi pa siya tumatawag or nagtext man lang ? Maghihintay ako, mga 5 minutes. Pag di pa tumawag, tetext ko na siya..

1...2.. Argg ! Ang tagal ! Di ko na kayang maghintay kaya 3 seconds pa lang tinext ko na.

To: Babe

Sarah, ayos ka lang ba ? Nag-aalala ko. Please call me. Or at least reply.

***

Pero di siya nagreply, kaya I decided to call her.

Ilang rings pero naputol din.

Did Sarah just turn off the phone ? Tinry ko ulit pero not available na siya. Paulit ulit ko siyang tinawagan, tinext pero no response at all. As in WALA.

Tinatawag na ko sa party pero this time, dala ko na yung cellphone ko at tinawagan ko pa rin siya ng tinawagan. Same result. No response.

Malakas ang kutob ko. This is not just about Sarah being sick, if she really is. Pakiramdam ko may nangyaring hindi maganda. Pakiramdam ko, something's wrong and I'm yet to figure that out.

Tomorrow, pupunta ako sa kanila. Ayoko sanang ipagpabukas pero pag pumunta ako ngayon, probably, tulog na yun. At makakaistorbo lang ako sa kanila.

***

Kinabukasan, pagkagising ko, naligo ako agad at pumunta kila Sarah. Nagdala na rin ako ng prutas. Pagdating ko, si Manang ang sumalubong sakin,

"Ah eh, sir Gerald, wala po si Mam Sarah dito. Umalis po ng maa--" naputol ang pagsasalita ni Manang ng may narinig kami sa may pintuan.

"Manang pakibukas na din po ng gate, lalabas na po yung van" kilala ko ang boses na yun.

That's Sarah's voice. And now, I'm certain that something's definitely wrong. Nagsinungaling sakin si Manang and that could mean only one thing.

Sarah doesn't want to talk to me. But WHY ?

Nang makita ako ni Sarah, agad siyang pumasok sa loob pero sinubukan kong tawagin siya.

"Sarah wait ! I'm sorry ! Please talk to me" i shouted.

I don't even know what am I sorry for.

All that i am sure of is that I don't want to lose her.

I don't want to lose Sarah kaya nagsosorry ako ngayon.

Sarah is way more valuable than my ego. I really need to talk to her, and fortunately, she stopped and looked my way. Then pinapasok na ko ni Manang. Umupo na rin ako sa Sofa.

Walang nagsasalita samin. Nakayuko lang si Sarah, ako naman nakatingin sa kanya.

"Ge, ayoko na" sabi niya. Then may nakita ako tumulong luha.

"Ge, tumigil ka na." sabi niya ulit habang umiiyak.

"Sarah, Bakit ? Anong ?" tanong ko.

"Ge, di tayo para sa isa't isa. Di tayo bagay. Tigilan mo na ang panliligaw" sabi niya sakin.

"Pano mo nasasabi yan ?" umiiyak na din ako. Nasasaktan ako sa sinasabi niya. Di ko alam anong ginawa ko.

"Sarah, I love you." sabi ko sa kanya while holding her hands.

Tapos biglang may pumasok sa isip ko. Parang nangyari na to. Di ako pwedeng magkamali. Nangyari na to. Sa panaginip ko.

"Gerald, I... --" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.

"Sarah, please. Sabihin mo sakin ang problema. Aayusin ko. Aayusin natin. Sarah, di ko kayang mawala ka. You know I love you so much." sabi ko sa kanya. Then, sinabi niya sakin lahat ng nangyari nung premiere night.

"Sarah, i'm sorry sa mga narinig at naramdaman mo. I didn't mean to make you feel that way. Sarah, i want you to remember that you're the most beautiful girl in my eyes. Ikaw lang. Ikaw lang ang bagay sakin. Promise." paliwanag ko sa kanya.

Tapos tumingin siya sakin. Pulang pula yung mata niya. Tumabi ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"Ayy.. Anong oras na ?" tanong ko sa kanya.

"hmmm. May relo ka naman eh" sagot niya sakin.

"Oo nga no." sabi ko pero di ko pa rin binitawan yung kamay ko.

"Sarah, gusto kong tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo. Mahal na mahal kita." sabi ko sa kanya.

"Gerald, sorry. Inaatake na naman ako ng insecurities ko. Sorry" pagkatapos nun ay tumulo na naman ang luha niya.

"Tahan na Ms. Beautiful" niyakap ko siya at hinaplos ang kanyang buhok.

"Ge, salamat at nandyan ka palagi. Salamat sa friendship, sa pagmamahal. Sana hindi ka magsawang alagaan ako. Sana hindi ka mapagod maghintay" sabi niya sakin.

"Hindi ako mapapagod" tapos humarap ako sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luha gamit ang aking mga daliri.

"Ganyan kita kamahal" dagdag ko pa.

***

"Hay naku ! Tama na ang drama, late na ako" tapos tumayo siya para ihatid ako sa gate.

"Alam mo, bakit di mo na lang aminin na nagselos ka." pabiro kong sabi, ayun, nahampas tuloy ako.

"Hmmp ! Assuming ka rin eh no ?" sabi niya sakin.

"Oh cge na, bye na !" dagdag niya.

"Bye Ms. Beautiful ! I LOVE YOU !" sigaw ko sabay kindat.

Y.O.U (Ashrald)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon